Stella is a Collage student in UP Diliman (University of the Philippines). She has a bubbly personality at delulu rin katulad ng mga kababaihan ngayong mga araw. Kahit na ganun siya, hndi niya napapabayaan ang kanyang pag aaral sinisigurado niyang hndi siya mawawala sa honor list.
"Stella paabot nga nan" sabi saakin ni Chloè, tiningnan ko kung ano iyon pinapaabot nya saakin at nakita kong iyon ay ang project ni Anne.
"Ha? Bakit aanohin mo? Wala kabang ginawang project? " tanong ko saknya, inirapan nya lang ako sabay bawi ng kanyang kamay.
"Pake mo ba?, dali na iabot mo na. " pagpupumilit nito saakin.
"Manggagaya kalang eh, paghirapan mo namn yung iyo Chloè kahit yun nalng" pabalang kong sagot na ikinagalit nya dahil halatang halata sa pamumula ng kanyang muka.
"Dami mong sinasabi Stella! Iabot mo nalng kung hndi-" hindi na nya iyon naituloy dahil may pumutol saknya. Iyon ay ang tiliian ng mga babae sa room na kahit ako ay narindi.
"OMG!!! ayan na siya! Chloè si Daniel!!! "
Sigaw nung isa sa kaibigan ni Chloè, dali dali naman at magkandarapang tumakbo si Chloè papunta sa pinto."Hi babeee" malandi nitong turan sa lalaking kakadating lamang. Ngunit walang pake saknya yung lalaking iyon kundi ay nakatingin lamang saakin ng mayroong makabuluhang ngisi sa labi. Problema nun? Inirapan ko lamang siya at tumulog sa arm rest ng upuan ko. Nagulat ako dahil hindi pa ako nakakatulog ay may kumalabog sa tabihan ko. Napaupo ako ng ayos dahil doon.
"Wakey wakey, hindi ito ang kwarto mo para matulog ka dito princess. " nakangising sabi ni Daniel at umupo sa tabi ko.
"Pake alam mo ba? Mind your own business dude. " mataray kong sabi at napansin kong natawa yung nasa likod nyang lalaki, kaibigan nya yata.
"Payag ka ginanon kalang Niel? " natatawang tanong nung lalaki sa likod.
"Shut up Dave, hndi ka nakakatulong" inis nitong saway sa kaibigan nya. Itinaas namn nung Dave yung dalawa niyang kamay na para bang sumusuko na ngunit naka ngiti parin.
"Easy dude, baka ako pa mapagbuntungan mo. " sabi pa nito at saka umupo sa likod.
"Babe, dun tayo sa upuan ko tabi ka sakin" malanding turan ni Chloè kay Daniel at pilit hinihila ito.
"Can't you see woman? Nakaupo nako, dont disturb me. " may diin sa bawat salitang binibitawan niya at halata ang inis don.
"B-but-" hindi na niya pa natuloy ang nais niyang sabihin ng pumasok na ang guro sa aming silid.
"Okay class settle down. " Sabi ni sir nang ilapag niya ang mga gamit niya sa table.
"Pwede bang wag mong pag laruan buhok ko? Nagugulo eh" pagsaway ko kay Daniel na hawak ang dulo ng buhok ko. Nagkabit balikat namn ito at ipinagpatuloy ang ginagawa na para bang walang narinig mula sakin. Inalis ko sa pagkakahawak yung kamay nya at umisod papalayo. Tiningnan ako nito at tinaasan pa ako ng kilay. Huh! Aba saan nya yan natutunan?
"Oh bakit ganyan ka makatingin? " tanong ko saknya. Umiwas ito ng tingin ng hndi man lang ako sinasagot.
"Bastos" pa bulong kong sabi pero parang narinig niya iyon dahil tiningnan ako nito.
Pakatapos ng 2 oras ay sawakas break na namin kaya tumayo nako sa upuan ko upang puntahan si Anne sa kabilang room."Saan ka pupunta? " tanong ng tao sa likod ko habang inabot nito ang kanang kamay ko. Binawi ko nmn agad iyon paka tingin ko kung sino.
"Pake mo ba kung saan ako pupunta? " pagtataray ko saka ako tuluyang naglakad.
"Damn... Bakit kaba napayag na ginaganun kalang nun? " rinig kong tanong ng asungot nyang kaibigan. Hindi ko alam kung ano yung isinagot nito sa sinabi ng kaibigan nya dahil malayo na ako sakanila.
YOU ARE READING
When Ms. Delulu Meet Mr. Mixed Signals
Storie d'amoreAnong gagawin ni Stella kung siya ang napiling pag tripan ng isa sa sikat na lalaki sa kanilang Campus? Makakawala ba siya sa mga mapang akit nitong ginagawa? O tuluyan nalng siyang magpadala sa kanyang nararamdaman?