Chapter 4

4 0 0
                                    

"Tara na 2:30pm na, malalate na tayo. " pagyayakag ko nung nakita kong tapos na mag hugas sila Dave. Kinuha na naming apat yung mga gamit namin saka namn isa isang lumabas sa pintuan.

"Una na kayo may titingnan pa ako, lagi namn late teacher ko. " sabi ni Anne habang nilolock yung dorm niya.

"Sige, tara na Stella. " sabi ni Dave at hinila ako. "Mag kaklase tayo this subject diba? Sabay na tayo. " sabi nito at ngumiti sakin binigyan ko namn siya ng pekeng ngiti saka ihigit yung braso kong hawak niya.

"Ano namn ngayun kung magkaklase tayo? Uuna na ako, bye Anne!" Pagtataray ko saka nagpaalam kay Anne.

"Ingat kayo." Pagpapaalala nito samin.

"Ingat karin, mwaah! " sabi ko at binigyan siya ng flying kiss.

"Ako wala? " tanong ni Dave at ngumuso.

"Yuck kadiri ka! " sabi ko saknya saka siya hinampas. Lakad takbo ginawa ko dahil napakabilis ng oras. Yung dalawa ay hindi kona nilingon pero ramdam ko namn n nakasunod ito sakin. Hindi ko matandaan na kaklase ko si Dave ngayon... Bahala na!

"Stella absent daw si Sir. " salubong sakin nung isa kong kklase. Bwisit nag madali pa namn ako! Tinangoan ko siya at ngumiti saknya.

"Sige salamat. " tumango ito saka lumabas ng silid. Hindi na ako tumuloy sa pag pasok dahil wala nmn si sir kaya pumunta na muna ako sa locker ko.

"Walang teacher? " tanong nung nasa likod ko, hindi ko alam kung ako ba yung tinatanong nito or ibang studyante dito kaya hindi ko sinagot o nilingon manlang.

"Tinatanong kita Ms. Valdez, " pag banggit nito sa apelyido ko. "Hindi ko nabalitaan na snobber kana pala ngayun? " dagdag nito, nilingon ko iyon at si Kai.

"Hiroshi! " sigaw ko sa sobrang tuwa. "Omg hindi ka man labg nag sabi na nakauwi kana galing Japan! " sabi ko sabay niyakap siya ng mahigpit. Tumawa namn ito at niyakap ako pabalik.

"Hindi iyon matatawag na surprise kung sasabihin ko El. " gosh! I missed him!
"Baka malagutan na ako ng hininga nan El sobrang higpit ng pagkakayakap mo. " pabiro nitong sabi saka tumawa.

"Namiss lang namn kita eh bawal ba yun? " tanong ko at ngumuso dahilan para pisilin niya ang pisngi ko. "Aray, masakit na Hiroshi. " saka niya lang iyon itinigil nung nag reklamo na ako.

"Cute mo talaga kahit kailan. " pambobola nito. Si Kai ay ang nagiisa kong pinsan na hapon or Japanese, si tito yung may lahi at si tita namn ang Filipino. Kapatid ni Dad ang Mama ni H, parehas kaming only child kaya kaming dalawa lang ang laging magkasama nung mga panahong nandito pa sila naka tira sa Pinas. Nagkataon lang na kailangan nilang bumalik sa Japan dahil sa may problema doon. Matagal na rin siguro mga 5years?

"Stella to earth, earth to Stella. " sabi nito saka iwinagayway yung kamay niya sa harap ko. "Hindi ka parin talaga nag babago. "

"Wala namn problema don Mr. Yamazaki" pagtataray ko, naganti lang ako dahil tinawag niya ako sa apelyido ko at hindi sa nickname na ibinigay niya sakin, which is "El" .

"Isa karin hindi mo ako tinawag kanina sa nickname ko. " pag tataray din nito, grabe may attitude parin talaga ang lalaking ito.

"Sorry H. " sabi ko at pabirong umirap. "Ahm El, kanina pa kasi may nakatingin satin parang gusto akong patayin eh. Nobyo moba iyon? " tanong sakin ni H habang nakatingin sa kung saan, sinundan ko yon at nakita ko si Daniel. Masama nga yung tingin, ano namn problema nito.

"Ah si Daniel yan, hayaan mo lang yan epal talaga yan. Saka hindi ko yan nobyo yuck! " sabi ko sabay umaktong nasusuka, na ikinatawa niya naman.

"Ella sino to? " isang malagom na boses ang narinig ko na panigurado ay narinig din ni H. Nilingon namin parehas iyon ni H saka ako umayos ng tayo nung nasa harap na namin si Daniel.

"A-ah... Daniel si Hiroshi, Hiroshi si Daniel. " pagpapakilala ko sakanilang dalawa sa isa't-isa. Ang awkward naman nito nag tititigan lang yung dalawa. "Ehem! , ano nga pala ipinunta mo Daniel? " basag ko sa katahimikan.

"Wala, nakita kase kita... Na kasama to, kala ko ginugulo ka niya dahil ngayun ko lang siya nakita. " sabi nito at itinuon sakin ang atensyon niya. "Anyways, kaano ano mo'to Ella?" Tanong nito at tiningnan ng taas kilay si Hiroshi.

"Pin-" tinakpan ko ang bibig ni H at ako na ang sumagot, sorry H. "Manliligaw ko! " nagulat silang dalawa dahil sumigaw ako mas nagulat yata si Hiroshi dahil sa sinabi ko at hindi sa sigaw ko, sinamaan ko ito ng tingin upang sumabay siya sa trip ko. Pumikit pikit namn ito at nawala na ang gulat sa mukha niya.

"Teka ano? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?" Sunod sunod na tanong ni Daniel, tinitigan ko namn siya na para bang nahihibang na siya. "Ano? "

"Wala kana doon Daniel. " sabi ko saknya at binitawan na ang bibig ni H. "Tara na H, may umeepal na namn, hindi pa kase sinasagkt yan hayaan mo na. " sabi ko at hinila na si Hiroshi. "Ano na namn tong kalokohang pinasok mo El?!" Pabulong na sigaw ni Hiroshi dito.

"Edi sorry na agad! Lagi nalng kase ako nun ginugulo!" Pagpapaliwanag ko saknya. "Gago ka may nobya na'ko sa Japan susunod din siya dito pakatapos ng ginagaea niya roon paano nalng ang baby ko?! " napangiwi namn ako sa sinabi niya.

"Tangina Hiroshi hindi bagay. " sabi ko at hindi parin naalis yung pandidiri sa mukha ko. "Inggit kalang kase El. " sabi nito sakin dahilan para hampasin ko siya. "Aray! " pagdaing nito.

"H-hindi ako inggit! Tsk! Bahala ka nga diyan maligaw ka sana! " sabi ko at nagmartsa na ng dare daretso.

"Hala hindi naman mabiro! Sorry na El! Hoy! " sigaw nito sakin at hinabol pako. "Hinahanap ka ni Dad ko kaya pumunta ako dito. " panimula niya nung nahuli niya ako. Pero bakit namn ako hahanapin ni Mr. Yamazaki?

"Bakit daw? Gusto niya ng anak na maganda? " pagbibiro ko at tumawa ng mahina. "Joke lang! Grabe makatingin! "

"Seryoso to... " sabi nito sa seryosong boses kaya nag seryoso narin ako. "Gusto niya kase ng... Aso" sabi nito at napa bungisngis siya ng tawa. Hinampas hampas ko namn siya sa kanyang braso at sinasalag niya namn iyon.

"Bwisit ka! Sabi mo seryoso! Gago ka talaga kahit kailan di'ko alam ano ginawa mo para patulan ka ni Sakura! " mahaba kong sabi, hindi namn tumigil sa kakatawa si Hiroshi na ikinainis ko pa.

"H-hindi-teka! Hindi ko n-naman kas-salan na g-gwapo ko eh! " sabi nito habang natatawa kaya hindi ganun ka tino kung magsalita. "T-teka yung t-tiyan ko. " sabi nito at huminga ng malalim at tumigil na sa pagtawa.

"Grabe bwisit na bwisit? Nakakamiss ka namn asarin. Si Sakura kase hindi mabiro, napaka seryoso niya. " sabi nito na magpatahimik sakin. "Iiyak kana nan? " Pampipilosopo ko saknya, sinamaan namn ako nito ng tingin.

"Tara na nga, punta tayo sa bahay wala na akong pasok. " pagyayakag ko kay Hiroshi, tumango namn ito dahil na mimiss niya daw luto ni mama. "May dala kang kotse? " tanong ko saknya. "Meron, tara may kalayuan kung saan ako nag park okay lang ba? " tanong nito tumango ako bilang sagot.

"Dito ka sa shotgun seat, hindi mo'ko driver. " sabi nito nung akmang sasakay ako sa likod, umirap namn ako at lumipat.
"Sorry, mukha ka kasing driver, kamukha mo si manong Peter. " sabi ko at nagpipigil ng tawa. Binatukan namn ako nito na ikinagulat ko.

"Gago?! Isusumbong kita kay mama! " pagbabanta ko. "Blah blah blah, grow up El hindi kana bata! " pangbibira nito sakin.

Yskv370

When Ms. Delulu Meet Mr. Mixed SignalsWhere stories live. Discover now