"Hoy! Bumalik ka ditong kupal ka! Sinasabi ko sayo kapag naabutan kita malilintikan ka talga sakin! " sigaw ni Anne, sino pa ba kaaway nya? Edi si Dave. Grabe ang chemistry ng dalawang ito hayst.
"Anne! Wag mo nang habulin yan, dba gagala pa tayo? " pag pigil ko saknya, hinihingal narin ako dahil hinabol ko rin sya.
"Ambilis ni gungong hayst! " inis na anas ni Anne. Tiningnan nya ako pakatapos nun. "Oh? Hinabol mo pala ako? Sorry hndi ko napansin, nakakainis kase si Dave kinuha yung draft ko. " mahabang pagpapaliwanag nito saakin kasabay ang pag rereklamo.
"A-ayos lng, teka anong draft? " hingal kong tabong saknya. Tiningnan nya ako na para bang nahihibang na ako.
"Draft dun sa speech ng mga honor students, wala kapa bang nagagawa? Practice na mamaya ah bago mag uwian yata. " sabi nya saakin. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
"HA?! Ngayun nayon?! " hindi ko makapaniwalang tanong. Tumanggo namn ito bilang sagot.
"Hindi mo ba nagawa? " tanong nya sakin, hindi ba obvious?!.
"Hindi! Hindi ko alam, nakalimutan ko! " halos mangiyak kong sambit.
"Tulungan nalng kita, halika na dun nalng tayo gumawa sa coffee shop. " yakag nito sakin, nagpadala na lamng ako sakanya.
"Ako naba oorder? " tanong ko kay Anne. Tumingin namn ito sakin at ngumiti.
"Okay lang ba sayo? Sumakit kase paa ko kakahabol kay Dave, bwisit na lalaking yon." Sabi nito at ibinulong yung huli nyang sinabi.
"Narinig ko yun" natatawa kong saad.
"Totoo namn eh, bwisit sya" inis nitong reklamo. Umiling nlng ako habang nagpipigil ng tawa at tuluyan ng pumunta sa counter.
"Isa nga pong cappuchino, tas isa ring espresso. " tipid kong sabi at ngumiti ng tipid. Nag bayad namn kaagad ako at pumunta na sa kinauupuan ni Anne.
"Mag hintay nalng daw muna, marami daw kase nag order eh." Sabi ko saka umupo. Tumango namn ito saakin at ngumiti. Naging matahimik kaming dalawa pakatapos nun.
"Tinext ko si Dave, sabi ko isauli nya sakin yung draft ko kung hindi malilintikan tlga sya sakin. " pagbasag ni Anne sa katahimikan. Ngumisi namn ako sa sinabi nya.
"Alam nyo lakas ng chemistry nyo. Piling ko magiging kayo! " batid sa aaking boses ang kilig dahil sa naisip ko. Napairap namn sya sakin.
"Ha-ha! Nakakatawa Ella. Bagay din kayo ni Daniel alam mo ba yun? " pabiro nyang sabi at inirapan ako. Nakaramdam namn ako ng inis dahil dun. Yak! Si Daniel talaga?!.
"Iwww! " reklamo ko saknya, si gaga ay tawang tawa sa naging reaksyon ko kung kaya't muntik na syang mahulog sa pag kakaupo.
"Gaga ka talaga! " sabi ko at bumusangot na ang mukha ko. Kalaunan ay dumating narin yung in-order namin.
"Paka tapos nito punta muna tayo sa dorm mo Anne, tambay muna tayo mamaya pang 3pm sunod kong subject. " pagyayakag ko kay Anne, tumango namn ito. Nag suggest din ako na bumili kami ng makakain para may kainin kami kapag napagtripan naming manood ng movies.
Pakatapos namin tumambay sa coffe shop napagisipan na naming pumunta sa pinaka malapit na 7/11. Noong una ay umaayaw pa'ko na duon kami bumili dahil napaka mahal dun pero yun lang pinaka malapit saka napaka init narin gawa ng 11pm na.
"Anong uulamin natin tanghalian? " tanong ko kay Anne habang napili ng bibilhin.
"Meron akong manok dun sa dorm ko, chicken curry okay lang ba sayo? " tanong sakin ni Anne. Umoo agad ako kase napakasarap ng chicken curry nya, natutunan nya daw yun kay tita.
YOU ARE READING
When Ms. Delulu Meet Mr. Mixed Signals
RomanceAnong gagawin ni Stella kung siya ang napiling pag tripan ng isa sa sikat na lalaki sa kanilang Campus? Makakawala ba siya sa mga mapang akit nitong ginagawa? O tuluyan nalng siyang magpadala sa kanyang nararamdaman?