"Bye Anne, ingat kayong tatlo ha. Theodor dahan dahan lang sa pag da-drive. " pagpapaalala ko sakanilang tatlo. Ngayun na kasi ang alis nila. Habang kami sa isang araw pa. "Of course mag dadahan dahan ako, lalo na't kasama ko ang reyna at prinsesa ko. " malandi nitong turan saka tumingin kay Anne.
"Na'ko po! Kayo ay umalis na, hindi sa itinataboy ko kayo ano? Pero ma tratraffic lamang kayo. " ani ni manang na hindi kinaya ang kalandian no Theodor, napangisi tuloy kaming lahat.
"Mag ingat kayo hija, hijo. " si mama iyon saka niyakap sila. Naunang sumakay si Anastasia sa likod saka namn pinagbuksan ni Theodor si Anne ng pinto sa shotgun seat at isinata iyon. May sinabi pa si Theodor kay Dad pero hindi na namin iyon inintindi, baka ay tungkol sa negosyo at sa kontrata nila.
Nung nakaalis na sila ay pumasok narin kami sa loob ng rest house at tumambay sa sala. Hindi nag tagal habang kami ay nag uusap usap lumapit sila mom at dad.
"Nakaistorbo ba kami? " tanong ni mama. "Hindi namn po" sagot ni Angela. "Mabuti kung ganon, gusto lang namin na sabihing bukas na ang uwi natin, may gaganapin pala dito bukas at nirentahan ang buong beach kaya bukas ang alis natin. " pagpapatuloy ni mama. "Ay ganun po ba? Na'ko ayos lang iyon sa amin tita. " sabi ni Gabriel. "Mabuti kung ganon, uuna na kami ha mag aayos lang kami ng gamit para ayos na at handa para bukas. " si Dad iyon saka pumanik papunta sa kwarto nila.
"Mag ayos narin kaya tayo?" Suhestiyon ni Angela saamin saka kami tumayo at napag isipan na ayusin ang mga gamit namin upang wala na kaming aalalahanin mamayang gabi.
"Tapos naba kayo? " tanong ko kay daniel saka Dave nung na tapos na ako. "Yes, konti lang namn ang gamit na dala ko. " ani ni Dave saka umupo sa kama. "Tapos narin ako, nag tupi lng ng mga damit. " sabi ni Daniel saka umupo rin sa kama katabi si Dave.
"Dito muna kami ha. " nagulat pa ako nung may biglang nag bukas ng pinto at may nag salita, sila Gabriel at Angela lang pala.
"Gulat ko namn sainyo. " sabi ko nung tumabi saakin si Angela. "Dito ako tutulog teh, tabi tayo. " ani nito na tila excited. "Sige ba! " nagagalak kong sabi."Nasalubong namin si manang teh, bumaba na raw tayo mamaya maya dahil mananang halian na. " ani ni Gabriel na naka upo sa sofa dito sa kwarto.
"Baba tayo after 10minutes, nagluluto pa namn yata sila. " ani ni Angela saka tuluyan ng humiga sa kama.Nag kwentuhan lang kaming lima tungkol sa kung saan at mga chsimis. Syempre ay nangunguna na riyan si Gabriel.
"At alam nyo ba? Si Cheska yung 2nd year sa campus? Gaga ayun-" hindi na tuloy ni Gabriel ang sasabihin nito dahil kinatok na kami dito sa kwarto ni manang upang bumaba dahil tapos na raw ang mga niluluto."Mamaya mo na ituloy bakla. " sabi ni Angela saka tumayo upang lumabas na ng kwarto kasama ako. "Sige sige. " pag sangayon ni Gabriel saknya at sumunod na saamin, nakabuntot naman yung dalawa saamin pag baba kahit na hndi namin ito kinakausap ng madalas.
"Kumain na kayo at magsi tulog na, maaga tayp bukas. " ani ni dad pakaupo namin, kumain lang kami ng tahimik. Kung paminsan minsan ay nagkakatuwaan at nagkakabiroan pa kami dito sa hapag kainan.
"Matulog na kayo ha, wag na magpuyat. " pagpapaalala muli ni dad. Tumango naman kaming lima saka pumasok sa aming silid. "Yung kwento baks. " si Angela iyon. Lahat kami ay naka higa na sa kama namin. "Bakla? " si Angela iyon nag aantay ng sagot mula kay Gabriel. "Hoy Gabby? " hindi na nakapag pigil si Angela saka umupo para icheck si Gabriel. Ayun bagsak na, nakahiha ito sa sofa at komportableng natutulog.
"Grabe naman bagsak agad? " ani ni Dave na nakaupo na. "Hayaan nyo na, may bukas pa para sa chismis. " ani ko saka humiga sa kama, ganun din ang ginawa ni Angela saka Dave.
"Nasa trunk naba gamit mo Stella? " tanong sakin ni Daniel. "Yup, kakalagay ko lang. " sagot ko saknya. "Sumakay kana sa loob. " utos nito sakin saka niya binuksan ang pinto ng shotgun seat, sinunod ko namn siya saka pumasok doon.
"Grabe, princess treatment? " tanong ni Gabriel. "Gusto ko rin nan. " dagdag pa nito natawa tuloy kami sa loob. "Magsitulog ulit kayo 6am palang, mahaba haba pa byahe natin. " sabi ni Daniel saka nag focus sa pag drive.
"Malapit na tayo, alam ko narin daan papunta sainyo, gusto mo mag drive thru?" Tanong ni Gabriel saakin. "Wag na nakaka hiya-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nung sumabat si Gabriel. "Yes, gustong gusto! Tara na" excited nitong turan, napailing nalang ako at si Daniel ay tumawa.
"Salanat sa libre tol, grabe si Stella lang pala katapat mo. " ani ni Dave. "Kung hindi pa sumangayon yan kay Gabriel hindi mo kami ililibre. " dagdag pa ni Daniel na kumakain ng fries. "Truee, omg ka hindi na nagana charms ko kay Daniel dahil sayo. " saad ni Gabriel at ngumuso sakin. "Magpasalamat ka nalng bakla nilibre ka. " ani ni Angela na ineenjoy yung burger niya.
"Sana meron ulit sa susunod. " ani ni Dave saka ngumisi, napailing nalang tuloy si Daniel. "Magsi tigil na nga kayo. " pagsasaway ko sakanila.
"Diyan nalang kami Daniel, salamat. " ani ni Angela saka bumaba ng sasakyan kasama si Gabriel. "Dun ako dude sa kabilang block. " sabi ni Dave at itinuro iyon. "Nasa kabila lang namn pala, lakadin mo na. " ani ni Daniel na ikinanguso ni Dave. "Ganyan kana sakin kase may Stella kana?! " nagdadabog ito sa loob ng sasakyan kaya natawa kami no Daniel.
"Kita kita nalng ulit tayo sa pasukan. Byee salamat sa pag hatid dude. " ani nito saka pumasok sa loob ng dorm niya. Nakakarindi ang katahimikan sa loob ng kotse nung kami nalang dalawa ni Daniel ang natira. Walang naimik saamin hanggang sa nakarating na sa bahay namin.
"Thankyou." Pag papasalamat ko saknya at akmang aalisin na ang seatbelt pero pinigilan niya. "Hindi ako na tanggap ng thankyou Ms. Valdez. " ani nito, daretso ang tingin sa mga mata ko. "Huh? Anong hindi? Pero tinatanggap mo nga yung nga 'thankyou' nila. " sabi ko tila naguguluhan.
"Pero ibang kaso ka, sayo hindi ako na tanggap ng 'thankyou' kundi ay... " huminto ito saglit saka tiningnan ang labi ko, "K-kundi ano? " nauutal kong tanong saknya. "Kundi halik. Halik ang tinatanggap ko Ms. Valdez. " ani nito saka tumingin muli sa aking mga mata. "Ano kaba naman D-daniel. " ngumisi ako upang hndi ganun ka awkward ang simoy ng hangin dito sa loob ng kotse.
"Seryoso ka talaga diyan? " pag tatanong ko muli saknya. "Seryosong seryoso. " pagkumpirma nito. "Sige pero i-isa lang. " nauutal kong sabi, ngumisi naman ito saka tumango. Mabilis ko siyang hinalikan at mabilis din akong bumaba ng sakyan, narinig ko pa ang ngisi nito bago ko isara ang pinto. Bumaba ito mula sa driver's seat at hinarap ako.
"A-ano, una na'ko, ingat ka. " sabi ko at nag iiwas ng tingin. "Hindi ko namn inakala na sa labi mo ako hahalikan, pwede namang sa pisngi lang hindi ba? " mapang asar ang mga boses nito. Oo nga ano? Nakakahiya! Wala namn siyang sinabi na sa labi ngunit dun ako humalik!
"Aalis na'ko, grabe na pamumula mo. Cute." Sabi nito, pabulong lang yung huli ngunit hindi nakatakas iyon sa tenga ko. Sumakay siya sa kotse saka nag paalam ulit. Pumasok na ako nung hindi ko na tanaw yung kotse niya. Hayst...
Yskv370
YOU ARE READING
When Ms. Delulu Meet Mr. Mixed Signals
RomanceAnong gagawin ni Stella kung siya ang napiling pag tripan ng isa sa sikat na lalaki sa kanilang Campus? Makakawala ba siya sa mga mapang akit nitong ginagawa? O tuluyan nalng siyang magpadala sa kanyang nararamdaman?