Chapter 6

0 0 0
                                    

"Hija magasikaso kana, wala si manong Peter naka leave, daddy mo mag hahatid sayo! " sigaw ni mama sa labas ng pinto ko habang kinakatok ito na nagpagising saakin. Anong oras naba? Antok akong bumangon saka inabot ang cellphone ko.
Ang aga pa 6am palang naman first subject ko pa naman ay 8am.

"Bilisan mo kilos mo Stella, malalate ang daddy mo! " pagpapaalala ni mama bago tuluyang umalis doon. Bumangon namn ako at nag asikaso na. Kila Anne nalng muna ako tatambay, ang aga pa naman.

"Mag almusal na muna kayo. " pag aalok ni mama saamin kaya umupo kami ni dad sa bar counter kung saan ni mama inilapag yung umagahan namin. "Napaka aga namn ma, 8am pa first subj ko. " sabi ko kay mama habang nanguya. "Wag ka mag salita habang nakain. Saka wala sayong mag hahatid kapag hndi kapa sumabay kay Dad mo. " sabi nito kaya wala na akong nagawa, hndi rin namn kase sanay si mama mag drive.

"Mag-ingat kayo. " sabi ni mama saka ako hinalikan sa noo ganun din ang ginawa ni dad kay mama bago kami tuluyang umalis. "Dad kila Anne nalng muna ako hehe, masydo pang maaga saka sabay kami mamaya 8am din unang subj niya. " pagpaalalam ko kay dad na ikinatanggo niya.

"Bye dad! Ingat ka po, salamat sa paghatid!" Paalam ko kay dad paka baba ko ng kotse. "Mag-ingat din kayo ni Anne pagpasok niyo ha. " tumanggo ako kay dad saka niya pinaandar ang kotse, umakyat namn ako papuntang dorm ni Anne saka kumatok. "Anne? Gising kana ba? " tanong ko habang nakatok. Hindi namn nag tagal ay may nag bukas ng pinto, oh? Dito na tutulog si Theodor?

"Hi, pasok nasa loob si Anne. " sabi nito saka umatras para bigyan ako ng espasyo para makapasok. "Salamat." Tipid ko sabi saka dumaretso sa loob, hinahanap si Anne. "Hi Anne! Goodmorning! " masigla kong bati saknya. "Buti pa siya may pa goodmorning Ms. Valdez. " sabat namn nung lalaki sa likod, hindi ko yun pinansin saka umupo sa harap ni Anne.

"Ang aga mo Ella ah? Nag bago ba sched mo? " tanong nito sakin, umiling ako bago ko sinagot iyon. "Nope, wala kase si manong Peter kaya si dad nag hatid sakin kaya maaga ako. " pagpaliwanag ko. "Kumain kana ba? " sabi nito at akmang tatayo na pero pinigilan ko. "Wag na, kumain na'ko hehe. " bumalik naman siya sa pagkain at ang awkward lang kase wala nang naimik saaming tatlo.

"Tara na almost 8 narin namn. " pagyayakag ni Anne sakin. Hindi ko lang alam kung nag aaral paba to si Theodor kase hndi namn siya familliar saakin, or baka sa ibang university lang? Nginuso ko si Theodor, nagtatanong kay Anne kung anong mangyayari sa jowa niya. "Hayaan mo yan dito hindi yan mapapano. " sabi nito at ikinatanggo ko. "Hindi ba nag aaral yan? " tanong ko nung nakalabas na kami. "Hindi na, nakapagtapos na agad yan matalino eh. " sabi ni Anne. Nanahimik narin ako pakasagot niya noon.

"ID nyo? " tanong nung guard nung papasok na sana kami. "Hindi ba pamilyar mukha namin sayo Manong Bert? " mataray na tanong ni Anne dun sa guard. "Kayo namn hindi ma biro, sige na pumasok na kayo. " sabi nung guard at nag pipigil ng tawa. Halos lahat ay ka close ni Anne dito sa Campus mapa guard man o teachers kahit na istudyante. Social butterfly.

"Bye Anne! Hintayin mo ako sa school garden ha! " sigaw ko dahil malayo narin si Anne sakin, hndi kase parehas yung subject na papasukan namin, parehas lang yung oras. "Oo byee! " sigaw pabalik nito saakin. "Oh look who's here! Its Ms. Valdez." Sigaw ni Chloè, napairap namn ako dahil don. "Hindi ko nabalitaan na pati ikaw ay baliw na saakin? " maangas kong tanong na ikinaingay ng classroom. Nilampasan ko siya at umupo na sa likod ng classroom. "Grabe ang angas mo namn dun Stella. " pagtingin ko sa tabi ko ay si Daniel iyon. "Tsk relate kalang kase, baliw ka sakin eh. " pag bibiro ko. "Pano mo nalaman? " aba hinahanamon ako. "Kase like ako na to? " pagmamayabang ko na ikinatawa niya.

"You're crazy. " sabi nito. "Crazy for you darling. " pabiro kong sambit na nagpatahimik saknya. "Oh nanahimik ka? May tama kana sakin no? " natatawa kong tanong ngunit hindi parin ito naimik, nakatingin lang sakin. Okay that's weird.
"Can you stop staring? Ang weird mo. " sabi ko saka nagiwas ng tingin. "Edi tumigil karin sa pagiging maganda. " agad akong napatingin saknya ngunit mali ang ginawa ko dahil napakalamit ng mukha niya sakin. "HOY!, GET A ROOM YOU TWO!" Sigaw nung isa naming kaklase, umiwas namn ako ng tingin dahil sa hiya.

"Ang landi mo talagang babae ka, pati honey bunch ko inaagaw mo! " sigaw ni Chloè. "Tangina nakakarindi tinis ng boses mo Chloè! " reklamo ng katabi ko which is si Daniel. Paka sabi ni Daniel ng mga salitang iyon nanahimik na si Chloè. "Nga pala, hndi mo nmn subj to ngayun ah? " tanong ko saknya. "So? Gusto ko dito eh. " sabi nito at komportableng umupo sa upuan niya. "Angas ah? Batas ka? " tanong ko at umirap. "Oo batas ako, pero handang mag pa under sayo. " sabi nito at kumindat pa sakin. "Tangina kadiri Daniel! Mangilabot ka nga! " sabi ko sabay hampas saknya nung libro kong dala.

"Aray tangina! Ang hilig mo namn manghampas! " sabi nito habang sinasalag  ang mga hampas ko. "Tama na, hoy stella!" Sabi nito sa'akin at kinuha yung libro kong bitbit. "Grabe namn, babae kaba talaga?! " reklamo nito na ikinairap ko. "Duhhh! " pagtataray ko. "Guys feeling ko wala si Sir... " iyon ang kumuha sa atensyon namin. "Late na diya 10mns na. " dagdag pa nito, tinitignan ko tuloy yung relos kong kakasuot ko lang. Oo nga late na si sir.

"Grabe namn, 10mns palang naman hahabol pa yun! " sigaw nung isa, tama lagi namn ganun si sir. "Gags speaking of the devil, ayan na si Sir! " sigaw nung isa sabay karipas ng takbo sa upuan niya. "See, sabi sainyo hindi papaawat yan eh. " pagmamayabang nung isa naming kaklase.

"Antagal namn matapos nito. " bagot kong sabi at tuluyang humiga sa mesa ko. "Wala pa sa kalahati si sir bagot kana diyan? " tanong nung katabi ko. "Hindi ba obvious?" May irita sa boses ko nung sinagot ko iyon. "Chill... " sbai nito at itinaas ang mga kamay sa ere. "Okay vlass dismiss. " lahat kami ay nakahinga ng malalik sa nga salitang binitawan ni sir. Nagkanya kanya na silang alis at ganun din ako.

Yskv370

When Ms. Delulu Meet Mr. Mixed SignalsWhere stories live. Discover now