"Uy! Stella! Pinapatanong ni Gerald kung may jowa kana daw!? " sigaw nung isang lalaki, lahat ng kaibigan nung sumigaw at pati na yung Gerald ay tumingin sakin at sinapok pa yung nagtanong.
"Mga epal namn to nag chichismisan kami dito eh! " atumal namn ni Gabriel, isa sa mga kaibigan kong bading. "Truee, mga epal. " sabat namn ni Angela na umirap pa at si Anne namn ay natawa. "Meron na bakit? " sagot ko sa tanong nila at bigla silang nag hiyawan, nyare? "Gago boss meron na! Next time kana lang HAHAHA! " pangaasar nung nag tanong kanina saakin.
"Gago! Hndi namn ako yung nag tanong si Justin yun! " angal ni Gerald at umakto yung Justin na nabigla ngunit hindi na nagabala pang sumagot. "Gago kailan ka nag ka jowa? " natatawang tanong ni Anne. "Gago ka, sympre pag tritripan nila ako malamang kaylangan kong magsinungaling! " pabulong kong sinigaw na ikinangisi nila.
"So sinagot mo na yung manliligaw mo? " nagulat kami nung may malagom na boses na nag tanong. "Ay gago!, Si Daniel lang pala, jusko namn gulat ko sayo! " reklamo ni Gabriel. "Teka, may manliligaw ka?! " gulat na tanong ni Anne. Sumenyas lang ako sakanila na sumakay sila sa trip ko. "Yes! Si Hiroshi! " sagot ko na mas lalong ikinagulat ni Anne. "Gago?! " sigaw ni Gabriel. "Yung hapon na nandito at kasama mo sa may locker mo?! " dagdag na tanong nito. "Yup! " maangas kong sagot habang na tango. "Please answer my question. " si Daniel, hinarap namn siya at saka ko sinagot. "Yes sinagot ko na si Hiroshi, may problema dun? " tanong ko saknya at tinaasan ito ng kilay. Walang kung ano ano sinipa niya yung nakaharang na upuan sa daan at umalis, sa ginawa niya ay lahat kami na gulat napatili pa nga si Gabriel. "Ay anak ng puta! Ano ba namn yan Daniel?! " reklamo nung isa sa mga lalaki nabarkada nung Gerald.
"Tangina nagalit si fafa mo! " tili ni Gabriel. "Hindi ka mukang malandi sa lagay mong yan Gabriel. " sarkastikong sabi ni Angela saka umirap. "Sabing Gabby eh! Gabriel is so yuckie and so manly. " iritado nitong reklamo. "Hayaan nyo yan, ganyan namn tlga yan. " pagbabaliwala ko, habang naguusap usap kami ay bigla nalng may nag suntukan na ikinagulat namin. "Uy gago! Tumawag kayo ng teacher! " sigaw ni Chloè at dali daling pinuntahan si Daniel at yung lalaking isa sa barkada ni Gerald. Yes sila yung nag susuntukan. "Gags, ang hot ni fafa mo. " sabi ni Gabriel na siyang dahilan bakit siya binatukan ni Angela. "Tangina ka nag susuntukan na yan parin iniisip mo!? " mataray na turan ni Angela kay Gabriel na hawak na ang batok nito. "Totoo namn eh tamo! " sabi nito sabay turo sa kung nasaan sila.
"Mr.De Leon and Mr. Dela Cruz! " sigaw nung teacher na tinawag nila, gags yung pinaka terror pa! Dumagungdong yung boses ni sir at naging tahimik ang buong silid habang yung dalawa ay hawak ang isa't ida sa kwelyo. "Bitawan nyo ang isa't isa! " utos nito, ayaw nilang dalawa na sundin ito at natili sa posisyon nila. "Huwag nyong antayin na ako pa ang magkakalas sa mga hawak nyo! " pagbabanto nito, sawakas ay bumitiw ang dalawa ngunit ang mga tinginan ay nakakatakot. Ano kaya pinagmulan nung away? "Sabi ay natamaan daw si Dela Cruz ng silya sa paa kaya uminit ang ulo! Mga Dela Cruz talaga ano?! " pabulong na sigaw nung isa kong kaklase sa likod.
"Narinig mo? " pabulong na tanong ni Anne saakin, tumanggo ako saknya at nanahimik na kami dahil pinapagalitan na yung dalawa ni Sir. "To the principal's office! " lahat kami ay nagulat nung sinigaw iyon ni sir, mapapatawag yung nga magulang nila nako! Hindi ko tuloy napigilang magisip anong itsura ng mga magulang ni Daniel. Siguro ay matangkad ang kanyang ama at gwapo o di kaya ay ang kanyang ina ang napakagandang dilag nung araw...
"Ano hindi kayo kikilos?! Gusto nyo kaladkarin ko kayong dalawa?! " sigaw ni Sir nung hindi man lang gumalaw yung dalawa. "Babe sumunod kana. " sabi nung Chloè. "Kahit kailan talaga bidabida yan at pasikat ano! " bulungan nung nasa likod namin. "Epal talaga yan sumabat pa talaga!, sana isama sa principal's office yang babaeng yan. " sabi pa nung isa.
"Manahimik na nga tayo, baka marinig tayo nan, abangan pa tayo nan sa gate. " sabi nung isa sakanila."Okay, please continue sa mga dapat ninyong gawin. " sabi ni sir nang sawakas ay nakalabas na yung dalawa sa room agad naman kaming nag ayos sa loob ng silid at itinuloy yung mga dapat pa naming tapusin, kung sakanila ay schoolworks saamin ay chismisan! "Grabe talaga ang confident ni ate mo girl! Talagang sumabat siya dun! " reklamo at panimula ni Anne. "Agree agree. " sabi ni Gabriel at Angela. "Hayaan nyo pasikat nga tulad ng sabi ng iba. " sabat ko naman. "Ano kaya nangyari at nagkainitan yung dalawa? " may kuryosidad sa boses ni Gabriel. "Hindi ba't sinipa ni Daniel yung upuan, sabi ay natamaan daw si Dela Cruz kaya nag init ang ulo. " kwento ko sakanya, hndi ko alam kung totoo yun yung narinig ko eh. "Grabe naman mga Dela Cruz ang ikli ng pasensya ano. " sabi ni Angela na ikinatango naming tatlo. "Nakakainis talaga angkan nila! " sabi pa ni Anne, tumingin tuloy kami sakanya. "Kaaway kase ni Theodor yung kumpanya nila. " dagdag nito. "Kaaway? Bakit?" Tanong ni Gabriel. "Gaga! Malamang away sa sales yun! Tingnan mong dekumpanya jowa ni Anne! " paliwanag ni Angela kay Gabriel.
"Hoy lunch break na, tara Jollibee! " yakag ni Gabriel nang napansin niyang marami nang umuuwi. "Tara! " sabi ni Anne saka Angela at tumayo na. "Ikaw Ella? " tanong sakin ni Anne. "Sabi ni mama nag luto siya eh. " sabi ko at humawak sa batok. "Ayun! Kila Stella nalng tayo! Miss ko na luto ni Tita! " sabi ni Gabriel at hinila na'ko patayo saka kami umalis. Paglabas namin sa campus ay nakita ko namn agad ang kotse namn at si manong Peter. "Sa bahay daw sila kakain manong. " sabi ko at pinasakay na kami ni Manong Peter sa sasakyan.
"Uy gags nag pa renovate kayo? " tanong ni Gabriel. "Huh? Hindi ah! " pagtanggi ko. "Nagpa pintura lang. " dagdag ko pa. "Ahh... AHHH! " sigaw nito na nagpagulat samin. "Ay puta! " sigaw ni Angela sa gulat. "Gago may fafa! " tili nito at tinuro ang gawi ni Hiroshi na nakaway saamin. "Gago si Hiroshi yan! " sabi ni Angela. "Alam ko! Hi fafa! " sabi nito at tumakbo para yakapin si Hiroshi. "Hii! " masiglang binati ni Hiroshi si Gabriel at si gaga ay kinilig. "Hi daw guys! Kinikilig na bilat ko! " sabi nito. "Puta wala ka non! Mangarap kalang ng gising! " basag ni Angela kay Gabriel na siyang dahilan bakit nag hahabulan na sila dito.
"Pasok na tayo, kanina ka pa hinahanap ni Tita Stella. " sabi ni Hiroshi at mukang seryoso iyon. Pinatigil ko namn yung dalawa at saka kami sabay sabay na pumasok. "Hi tita! " sabay sabay nilang saad at nag beso kay mama, ganun din ang ginawa ko. "Hi ma... Kanina mo pa daw ako hinihintay? " sabi ko at tumanggo ito. Iginaya kami ni mama sa dining table saka inasikaso kami nung nga kasambahay. "Namiss ko talaga luto ninyo tita! Like dapat sa jollibee kami eh pero sbi ni Stella nag luto karaw po kaya dito na naming naisipan mananghalian! " excited na saad ni Gabriel. "Sipsip." Saad naman ni Angela na ikinatawa namin. "Wag sa hapag hoy! " saway namn ni Anne na ikinatahimik nung dalawa.
" Can I talk to my daughter? Alone? " tanong ni mama saamin pakatapos naming kumain at ngayon ay nasa sala na. Tumanggo namn sila at umalis na kami ni mama.
"Anak, ano kase eh.. " panimula nito sa usapan namin. "Ano po yun? " kuryosidad ang naging tunog ng aking boses. "Umuwi ka na muna ng probinsya anak, kailangan ka ng lola mo roon. " sabi nito saakin, I was taken a back by what she just told me. Ano raw? Uuwi ako probinsya? "K-kailan po ma?" Tangi kong tanong. "Don't worry anak, paka graduate mo pa namn, " sabi nito na nakapagpaluwag sa loob ko. "Saka magiging katuwang mo rin yung anak ng kaibigan ng dad mo, nagkusa na kase malaki rin namn daw ang tinulong ng lola't lolo mo sa pamilya nila. " dagdag pa ni mama saka ngumiti.
Yskv370
YOU ARE READING
When Ms. Delulu Meet Mr. Mixed Signals
RomansaAnong gagawin ni Stella kung siya ang napiling pag tripan ng isa sa sikat na lalaki sa kanilang Campus? Makakawala ba siya sa mga mapang akit nitong ginagawa? O tuluyan nalng siyang magpadala sa kanyang nararamdaman?