Pangako
Estelle, 1820
When I was born, the Anta was disappointed because my mother gave birth to a girl. I am of no used to them. All they wanted was a boy.
My father wanted to prove them wrong. He made a promise to teach me everything he knows to be worthy of the crown. After my father died, my mother kept his promises by sending me to Spain and France.
I was taught how to behave accordingly, not to speak unless spoken to. They let me read all the ladies' books of etiquette and politeness.
I do not want to lie to my heart. I feel like I only existed to promote the qualities of a fine lady. I do not wish to be a good follower, I do not wish to be someone's wife. From then on, I am always afraid to build a high tower just to break it at once in the end.
"I am willing to wait, mon amour." Mahinang bulong ng marquess. Hawak niya ang aking kaliwang kamay habang nakatingin sa singsing na kanyang isinuot sa daliri ko.
Sa luntiang hardin ng kanilang propyedad, isinambit niya ang mga salitang sagrado sa aking pandinig. Mayroon pa itong ibinulong sa akin ngunit nakapako na ang mga mata ko sa diyamanteng kumikislap sa liwanag ng dapit-hapon.
"Et une bague de fiancailles, c'est sacre, Estelle." (And a promise ring is sacred, Estelle.) Sinalubong ko ang kanyang mga titig. "Just like our love that will flourish in time." Itinaas niya nang bahagya ang aking kamay upang madampian ng maingat na halik ang likod nito. "Until we see each other again."
Batid ko na ito ang nais ng kanyang magulang at ang aking ina na nakatingin sa amin mula sa malayo. Ang kanilang mga ngiti ay tila isang mababasaging banga na sa oras na ako'y tumanggi, magkakaroon ng malaking bitak nang pagkamuhi sa pagitan ng dalawang pamilya.
"Until we see each other again." Wala sa sariling sambit ko bago tuluyang magpaalam.
Ito na ang huling taon ko sa Pransya. Natapos ko rin ang lahat ng pagsasanay na ipinagawa sa akin. Sa pananatili ko rito kasama si ina, ako'y kanyang hinanda upang maging isang mabuting asawa.
Tumindig nang maayos. Lumakad nang may layunin, may dignidad, at may katatagan. Gumawa ng desisyon para sa ikakabuti ng lahat. Maging magalang at masunurin. Magsalita't kumilos nang naaayon sa mga pamantayang legal at moral.
Sa murang edad, batid ko na ito ang aking kapalaran. Tila ako'y naging isang luwad na kuwaternaryo. Hinulma, hinugis, hinayaang matuyo at idinaan sa nagbabagang apoy upang mahubog bilang isang babae na katanggap-tanggap sa lipunan.
"Ako'y lubos na natutuwa sa iyong naging pasya, anak." Pahayag ni ina habang nakasilip sa durungawan. "Tonight is the festival of lights." Saka niya ako hinarap at hinawakan ang kamay ko kung nasaan ang singsing. "Hindi ko na kailangan pang humiling sa mga tala. Natupad na ang pangarap namin ng iyong ama." Maluha-luhang sambit nito. "You are meant to be treated like a queen."
Nasisiguro kong hindi ito ang pangarap ni ama para sa akin dahilan kung bakit hindi ko masuklian ang ngiti't galak ni ina. Hinalikan niya ako sa noo bago pumasok sa kanyang silid.
Naiwan akong mag-isa roon habang nakadungaw sa kumikinang na mga tala sa kalawakan. Ang lahat ay nagsindi na ng kani-kanilang kandila kaya ganoon na rin ang aking ginawa.
Festival of lights. Ito'y ginugunita upang magpasalamat at magbigay-pugay sa Birheng Maria. Ito rin ang araw kung kailan isinasambit ko ang aking kahilingan.
Napadako ang tingin ko sa ibinigay na aklat ng lihim kong kaibigan.
"Ang unang itinuro sa akin ni ama ay ang talahulugan sa wikang Ingles. Saiyo na ito, huwag mo lamang ipagbigay-alam sa Anta. Hindi ko nais na mapahamak ang mga padre."
BINABASA MO ANG
ESTELLE (Book 2)
Historical FictionIn the first book, Alba woke up sweating from her long dream. She felt as if she'd been reborn and in the middle of it all, she met a childhood friend who had the same dream as her but this time, it was all about Estelle. (Written in Tagalog) Date S...
