Wakas

727 51 15
                                    


"Estelle... Estelle... gising na, anak." Malabo sa aking pandinig ang bawat salita. Para akong nasa ilalim ng tubig. May kamay na pilit akong inaabot ngunit nanatili ako roon at hindi kumikilos upang isalba ang sarili sa pagkakalunod. "Estelle... Diyos ko, gumising ka na, Estelle."

Napaawang ng kaunti ang mga mata ko. Ilang beses kumurap hanggang sa luminaw ang paningin. Una kong nasilayan si ina, mugto ang kanyang mga mata at bakas ang puyat. "Estelle!" Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso. "Dieu merci!" (Thank God!)

Gumala ang mga mata ko sa paligid at doon napansin na wala ako sa aking silid. Kasama ni ina sina Lucrezia, Tiya Rosmunda, Padre Dagtum, at Padre Mabaya.

"N-Nasaan ako?" Sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga ngunit hindi ko iyon magawa dahil nakabalot sa puting tela ang aking braso at hindi ko maigalaw dahil sa gipalpal na sakit.

Sa halip ay inalalayan ako ni ina at ni Lucrezia. "Anak nandito ka sa pook-pagamutan ng Templo. Kumusta ang iyong pakiramdam? Akala ko'y mawawala ka na sa akin!" Tuluyan nang humikbi si ina.

Hindi ko alam ang sasabihin dahil pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari, ngunit naghahatid ito ng matinding kirot sa ulo ko. Mabuti nalang at inalo ni tiya si ina. "Hindi ito makakatulong sa kanyang paggaling. Mabuti pa't magpahinga ka muna, ilang araw ka nang hindi nakakatulog." Hinaplos nito ang kanyang likod bago balingan ng tingin ang pinsan ko. "Anak, ikaw na muna ang magbantay kay Estelle, sasamahan ko munang magpahinga ang iyong Tiya Galilea."

Tumango si Lucrezia at bahagyang ngumiti sa akin kahit bakas ang lungkot sa mga mata.

Maingat na hinawakan ni ina ang kamay ko at siniguradong hindi matatamaan ang sugat doon. "Masaya ako at nagising ka na, anak. Halos tatlong araw ka nang nakahiga at walang malay. Hindi ko na alam ang aking gagawin."

"Tama na iyan, Galilea. Maupo ka muna at magpahinga." Iginiya ni Tiya Rosmunda si ina sa katabing higaan. Napatingin ako sa dalawang padre na nakatayo malapit sa pintuan at tila wala sa sarili. Bakas ang lungkot sa kanilang mga mata, lalong lalo na si Padre Dagtum na mukhang kakatapos lang umiyak.

"Estelle," naupo si Lucrezia sa dulo ng higaan. "Kumusta ang iyong pakiramdam? Lahat kami ay nag-aalala saiyo, pati si abuelo. Pumunta siya rito noong isang araw ngunit hindi ka pa rin gumigising."

"Hindi ko alam," napatingin ako sa braso na may kaunting dugo ang telang nakabalot. "Sumasakit ang aking ulo."

Sa sinabi kong iyon ay mabilis na lumapit si Padre Mabaya at ipinatong ang palad sa aking noo. "Mataas pa rin ang iyong lagnat, ibibilin ko ngayon kay Dagtum na dalhan ka ng makakain at mainit na tsaa na gawa sa luya. Makakatulong iyon upang bumaba ang 'yong temperatura."

Habang kinakausap niya si Padre Dagtum at si Tiya Rosmunda naman ay pinapatahan si ina, napadako ang tingin ko kay Lucrezia na pinagmamasdan ang mga natamo kong sugat. "Wala ka ba talagang maalala, Estelle?"

Pinilit kong ipikit ang mga mata, ang tanging naalala ko ay ikinulong ako ni ina, ang mga liham, ang pagbisita kay Ba sa karsel...

Gumuhit ang sakit sa dibdib ko. "Si Ba, nasaan si Ba?" Lumingon ako sa bawat sulok ng silid hanggang sa magtama ang mga mata namin ni Padre Dagtum. "Nasaan si Ba? Kailangan ko siyang makausap! Nasaan siya?"

Sa sinabi kong iyon, lahat ay naging aligaga, lalong lalo na si ina. "Estelle, kumalma ka anak!"

"Estelle, kumain ka muna. Alam kong hinang-hina na ang iyong katawan." Pahayag ni Padre Mabaya.

"Anong sinabi mo sa kanya?" Narinig kong tanong ni tiya kay Lucrezia.

"Wala ho, tinanong ko lang kung wala ba talaga siyang maalala. Pinikit niya lang ang mga mata pagkatapos ay..."

ESTELLE (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon