Chapter 15: Bad news

17 9 0
                                    

Keith Brillantes P.0.V

This is it pansit with pusit. Kung hindi ko lang talaga ito kailangang gawin ay hindi ko talaga gagawin. Ayaw ko naman talagang guluhin sina Ivan at Patricia. Bakit ba kasi ginamit pa akong kasangkapan ni James. Kung wala lang talaga akong utang sa kaniya at hindi nag- aalala sa Mama ko ay tatanggi talaga ako sa ganito.

Ngayon na kasi ako pupunta kina Ivan para ma-accomplished ko na ang mission ko kay James the Evil. Kainis naman. Kung san lang kay Cedric ako nag effort ng ganito 'diba e'di sana ay magiging masaya pa ako. At least nakakasama ko siya at may chance na maging kami talaga. Na maityapwera ang Thea na iyon.

Sumakay na ako sa sport car ko. Sa akin na galing ito. Second hand nga lang pero at least ay nagagamit talaga.

Bago ko pindutin ang door bell ay huminga muna ako ng malalim. Inhale, exhale, inhale, exhale. Kaya mo ito, Keith. Kakayanin mo ito.

Nang sapat na ang lakas ng loob ko ay tuluyan ko na nga iyong pinindot. Ilang beses pa iyon bago magbukas ng tuluyan ang gate ng mag-asawang Dorschner.

"Anong ginagawa mo rito?" nakaunot noong tanong  ni Ivan. Tila inis na inis sa pagkakita sa akin. Ni hindi niya rin inaasahan ang aking pagpunta sa kanila.

Pumikit ako ng mariin."Ivan, I need to tell you something," I seriously said.

Napapiling nalang siya. "Umalis ka na, Keith. Wala tayong dapat pag-usapan," saad niya at akma ng tatalikod ng hawakan ko ang kaniyang kamay para mapgilan siya.

Patricia Schnittka Dorschner P.O.V.

"Umalis ka na, Keith. Wala tayong dapat pag-usapan," dinig kong saad ni Ivan sa kung sino mang kausap niya sa gate namin.

Pumunta naman ako sa likod ng puno malapit sa gate para hindi nila mahalata ang pagsilip at pakikinig ko katulad noon. Bigla tuloy akong kinabahan. Natatakot na mangyari na naman ulit iyon. Kakabati lang namin at kakaayos pa lang ng relasyon namin pagkatapos ay malalaman na naman yata ito.

Hinila ni Keith ang kaniyang kamay."Ganoon na lang ba iyon Ivan?" pumatak na ang mga luha sa kaniyang mata. "Kailangan kita. Kailangan ka namin. Kailangan na kailangan. Pinangakuan mo ako na makikipag hiwalay ka sa babaeng iyon. Pero bakit hindi mo tinupad?" sumigaw na siya at patuloy pa rin sa pag-iyak.

Ano ba ang pinagsasabi niya? Anong kailangan ka  namin? May mga namumuo ng idea sa aking isipan ngunit ayaw ko iyong paniwalaan. Hindi ko nagugustuhan iyon. Sana nga ay mali lamang ang hinala ko. Na sana ay hindi ito totoo.

"What do you mean?' dinig sa boses ng asawa ko ang pagka lito. Hindi makuha ang sinasabi ng babae.

Lumunok muna si Keith bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Ivan." mas lalo pa siyang lumapit dito."Kailangan mong panagutan ito," itinuro niya ang kaniyang tiyan. "Buntis ako, Ivan."

Pagkabitaw ng mga salitang iyon ay napatigil ako. froze on my spot. I can't move and I feel like I am dying now. Kung gay'on ay totoo nga ang nasa isipan ko. Totoo ngang nabuntis nya ito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero sa isang bagay lang ako nakakasigurado. Ipaglalaban ko ang karapatan ng anak ko. Ang karapatan ko bilang asawa at ang ang karapatan niya bilang anak. Ang karapatan namin kay Ivan.

Subukan mo akong labanan ngayong impaktita ka. Tignan lang natin kung makakayanan mo ako.

Ivan Dorschner P.0.V.

"Buntis ako," iyon ang  katagang tumatak sa isipan ko. Ang mga katagang ayaw kong marinig mula sa  kaniyang bibig. I only want Patricia to say that to me. Not other woman.

Mas lalong kumunot ang noo ko. "How come? I used a protection, Keith, " nagpupuyos ko ng saad. Ayaw kong maniwala sa kaniyang binitawang salita.

umiling iling siya. "Hindi ko rin alam, Ivan. Naramdaman ko nalang bigla ang mga symptomas. Kaya naman agad akong nag take ng test at possitive nga ang lumitaw," pagpapaliwanag niya.

Loving The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon