Chapter 9 Anong nangyayari sayo?

24 10 0
                                    

Patricia Schnittka Dorschner P.0.V

Nakauwi na ako sa bahay. Bakit kaya ako sinusundan ni Ivan? May problema ba o talagang nag-aalala siya.

Bahala nga siya. Gabing gabi na pala dapat natutulog na ako nito eh. Pero kasi gusto ko talaga ng mangga.

Pumatak ang luha ko. Bakit ganoon ang bilis kong umiyak ngayon? Dati naman hindi. Nagiging emotional ako. Do I have something wrong?

"Bakit ka umiiyak?" tanong sa akin ni Ivan at lumapit siya.

Nandito nga pala kami sa kwarto at nandito sa karma.

"Gusto ko ng mangga," naiiyak na sagot ko sa kaniya. Hindi na ako nahiyang ipakita sa kaniya ang puno ng luha kong mukha. Gusto ko kasi talaga.

"Gusto mo talaga?"

Tumango- tango ako, "Oo, "

"Pero sa mga oras na ito patch wala ka ng mahahanap na mangga it's three in the morning."

Tanong tanong kung gusto ko ng mangga hindi naman niya pala ako bibigyan. Mas lalo lang tuloy sumakit ang loob ko.

"But I want manggo right now," sambit ko at kinuha ang phone ko.

Tch," tanging sanbit niya. Tila nakukulitan

Nagdial na ako sa phone ko.

"Ang aga mo naman napatawag sungit," reklamo ni Cedric.

"Cedric pwede maghingi ng favor? pagtatanong ko.

"Ano naman?" tila inaantok na saad niya

"Bili mo ako ng manga please," paki usap ko na sana ay pagbigyan niya

"Mamaya, Sungit. Kapag nakabili na ako," sagot niya sa kabilang linya

"Ngayon na"

"Ano? Ngayon na? Nagigin demanding ka ng masyado ah," at nakuha pa talaga niyang mang asar.

"Oo."

"Oo na sige. Titingin ako kung meron na Kung hindi ka lang talaga mahal ni Thea ay hindi kita pagbibigyan," bulong bulong pa nito.

"Yey! Thank you."

Nakangiti kong binitiwan ang cellphone ko.

"Sino yun? tanong ng katabi ko na nakakunot ang noo

Humiga na ako "Si Cedric," I answered.

Yung boyfriend ni Thea?"

ay hindi hindi 'yung boyfriend ko sige. Kabit lang naman kita eh.

Tumango ako."Oo."

Ilang minuto lang ay tumunog na ang door bell. Agad akong napatayo dahil baka si Cedric na iyon.

"oh James bakit ka nandito?" bungad ko kay James ang akala ko kasi si Cedric eh. Nagpapanic din ng kaunti dahil baka makita siya ni Ivan. Alam niyo naman ang nangyayari tuwing nakikita niya kaming magkasama ni James.

"Busy kasi sa pagtulog si Cedric kaya ako na lang ang bumili ng mangga," kwento pa niya.

Binigay na niya sa aking ang mga nakasupot na mangga. Ang dami nito. Tiyak na masasarapan talaga

Ngumiti ako sa kaniya. "Thank you," sa pagkasabik ko ay nahalikan ko siya sa pisngi. Naku, Patricia naman. Mabilis akong tumingin sa paligid kung naroon ba si Ivan. Buti nalang ay wala.

Ngumiti rin siya sa akin. "You're welcome. Paano una na ako itutuloy ko pa ang pagtulog ko," paalam niya. Tumango na lang ako sa kaniya.

Tumakbo ako agad sa kusina at binalatan ang mga mangga. Excited na ako.

Loving The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon