Chapter 5 Feelings?

21 10 0
                                    

Patricia Schnittka Dorschner's P.0.V.

Busy akong nagtatrabaho sa opisina ng mag-ring ang phone ko.

Bestie Calling...

Accept | End

I accepted it.

"Hey bestie kumusta ka?" tanong ni Thea mula sa kabilang linya.

"Im okay. Bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko habang busy pa rin sa aking ginagawa.

"Sabi kasi ni Kuya James bigla na lang daw may nanghilang lalaki sa iyo kagabi," sagot niya.

"Meron nga," pagsagot ko rin sa kaniya.

"Sino?" tila nagtatakang tanong niya.

"My dear husband," I answered.

"What? Really?" tila hindi makapaniwalang tanong niya. "Anyways bye I need to work."

Pinatong ko na ang phone ko sa table. Binalikan ko na lang kung anong ginagawa ko kanina.

Tumunog ang aking tiyan.

Gutom na naman ako. Itong tummy ko umaabuso na. 11:45 pa lang eh, 12:00 pa kasi ang lunch break.

Tinignan ko ang tiyan ko."Tummy belhave ka muna

malapit na ring mag-lunch," bulong ko na parang tangang nakikipag usap sa tiyan.

Para lang baliw 'no? Kinakausap ang tyan. Tinignan ko ang oras. Yes its 12:00! Sa wakas at makakain na rin ako.

Umalis na ako sa pwesto ko. Kakain na lang ako sa canteen dito. Kahit na CEO na ang asawa ko dito ay hindi ako sumasabay sa kaniya pag kumakain. Wala naman pakialam sa akin 'yon eh. rito.

Pumasok na ako sa Elevator. Tatlo lang pala rito.

Ako, 'yung tumulong sa akin kanina at si Boss Ivan.

"Hello Adrian thank you nga pala kanina ah," bungad ko kay Adrian at nilapitan ko siya.

"Oh ikaw pala. Okay ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Yup," nakangiti kong sagot.

Ehem. !"

"Mag-lulunch ka na ba?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Oo. Maglulunch ka na rin ba?"

"Oo. Sabay na tayo?" pagyayaya niya sa akin.

"'Sure," masiglang sagot ko. Mas magandang may kasabay kumakain dahil mas nakakagana.

"Ehem."

Bakit kaya ehem ng ehem si Ivan? May ubo ba siya?

Psh. Nevermind.

Bumukas na ang elevator. Lumabas na kaming dalawa ni Adrian. Ganoon din si Ivan. Lumapit siya sa Keith na iyon.

Harsh talaga ako kay Keith-the-panira. Ewan basta naiinis ako sa kaniya.

By the way highway nandito na kami sa canteen.

"Anong gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Adrian.

"Kagaya na lang ng sa'yo," sagot ko. Hindi naman kasi ako mapili pagdating sa pagkain.

"Pipila lang ako ah," paalam niya. Pumunta na siya sa pilahan. Ako naman umupo na sa table namin.

About sa private part ko, hindi na siya gaanong masakít. Pero minsan sumusumpong pa rin.

"Kain na,'" nakabalik na pala si Adrian.

Tumango na lang ako. Habang kumakain kaming dalawa ay tahimik lamang kami. Napatitig naman ako sa kaniya. Ang gwapo niya pala. Meron na siguro siyang nobya dahil híndi naman malayong may magkagusto sa kaniya.

"Adrian pwede bang magtanong?" I asked.

"Feel free to ask me," he answered.

Tinignan ko naman siya. "May Girlfriend kana?" tanong ko. Tumingin muna siya sa akin at parang pinag-iisipan pa kung anong isasagot niya.

Tumikhimn muna siya sa kanyang kinakain. "Actually ngayon wala," sagot niya. Napatango naman ako.

"Eh bakit wala kang girlfriend ngayon?" masyado na ba akong matanong?

"Kasi gusto ko kapag nagka-girlfriend ako ngayon, Siya na ang magiging kabiyak ko," sagot niya na puno ng sinseridad.

Mukhang may pinaghuhugutan si Adrian base na rin sa mga sinabi niya.

Nandito na ako ngayon sa bahay. Mag-isa na naman.

Ang magaling kong asawa panigurado kasama na naman ni Keith the panira.

Kailan ko kaya makikita ulit si James?Yung crush ko na kapatid ni Cedric. Dapat dati pa pinakilala ni Cedric sa akin yun. E 'di sana kami ngayon at may happily ever after pa kami.

Jusko lord may asawa na ako at ano pang pinag- iisip ko.

Well may karapatan naman siguro akong magkagusto sa ibang lalaki. Kasi si Ivan nakikisama rin naman sa ibang babae at inu-uwi pa sa bahay namin.

Napa buntong hininga nalang ako. "Hay buhay parang life," sigaw ko.

Pumasok na ako sa kwarto namin at tumalon papunta sa kama. Dahil wala akong magawa nag-roll nalang ako sa buong kama.

Ang saya talaga maging bata ulit. 'Yung walang problema. lisipin na lang ang paglalaro.

Hindi katulad pag hindi ka na bata. Kailangang magseryoso sa buhay. Maraming pinoproblema.

Tulad nagyon, Iniisip ko kung bakit ganoon. Kahit sinasaktan niya ako hindi ko parin siya kayang iwan at hindi ko parin siya kayang sumbatan.

Ano kaya 'to?

Kinabukasan...

Pagka gising ko wala akong katabi. Umalis na ako sa kwarto.

Pumunta ako sa guest room at baka roon natulog si Ivan. Pagkabukas ko sa pinto ay tama nga ang hinala ko na nandito si Ivan pero hindi lang siya kasi, kasama niya ang Keith na iyon.

Yakap-yakap niya pa ito. Mukha talaga silang mag-asawa. Ako yata ang kabit dito.

Pagkaalis ko roon ay napangiti nalang ako ng mapait. Dumeretso ako sa kwarto namin ni Ivan at pumunta sa bathroom.

Habang nakatututok ang shower sa katawan ko. Nakikisabay sa agos ng tubig ang mga luha ko sa mukha.

Ewan ko kung bakit ako umiiyak. Nasasaktan kasi ako kapag masaya si Ivan sa piling ng iba.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta na agad ako sa kotse ko at pinaandar ito. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Pumunta na lang ako sa mall dahil wala akong ganang magtrabaho.

Maglilibang na muna ako rito. Pumunta ako sa World of Fun.

Shoot lang ako ng shoot ng bola ng may biglang kumuha ng isang bola sa akin.

"Hoy teka sa akin bola yan eh!" sigaw ko roon sa nag-agaw ng bola sa akin.

Si crush pala este si James.

Ngumiti sya sa akin at lumapit. "Ganyan ka namang maglaro parang walang gana," saad niya. Ako naman hindi parin maka imik. Nag-e-enjoy kasi ako sa pagtitig sa kaniya.

"Okay. Para mag-enjoy ka sumama ka sa akin," hinila na niya ako. Nagpahila na lang ako. Sana dalhin niya ako sa lugar na walang problema.

Nakarating kami sa park. Napakaganda pala sa park. Noong bata kasi ako hindi ako pinapayagan nina Mommy at Daddy na pumunta sa ganitong lugar.

"Nagustuhan mo ba?" tanong sa akin ni James.

Tumango-tango naman ako. "Sobrang nagustuhan ko," saad ko. Umupo kami sa isang bench dito sa park.

Nakatuon lang ang pansin namin sa mga taong dumadahan.

Pagkatapos nun ay pumunta na kami ulit sa parking lot ng mall dahil nandito ang mga sasakyan namin.

Bago kami umalis ay nilapitan ko muna si James." Thank you James, " I said and kissed him in his cheek.

Nakita kong napahawak sya sa pisngi niya at namula ng bahagya. "Nag-bu-blush ba sya?" tanong ko sa aking sarili. Natawa nalang ako dahil imposible naman yata iyon? I just shrugged my shoulders off.

Loving The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon