Chapter 13: Magic word

20 9 0
                                    

  Patricia Schnittka Dorschner P.O.V.

Pagka-gising ko naligo na ako at bumaba na. Kumain na ako ng almusal ko.

Umakyat na ako at kinuha ang maleta ko.

"Good bye, Bestie," paalam ko kay Thea.

"Sana maging masaya kana sa pagbalik mo sa bahay niyo ni Ivan. Good bye, Bestie," hinalikan niya ako sa pisngi.

Pumunta na ako sa kotse ko bago ko ito paandarin bumuntong hininga muna ako.

Pinaandar ko na ang kotse at nagsimula na akong tahakin ang daan papunta sa lugar kung saan hindi ko alam kung sasaya ako o hindi.

May possibility na sasaya ako kasi makikita ko na ang miss na miss kong mahal na asawa.

Meron ring possibility na hindi ako sasaya kasi baka masaya si Ivan na wala ako sa bahay at malaya siya. Malaya siyang gawin ang mga gusto niya. Pinahinto ko na ang kotse ko sa harap ng gate at pumasok. Tumigil muna ako sa harap ng pintuan.

Akma ko ng bubuksan ang pinto ng bumukas Si Ivan siya ang nagbukas ng pinto.

Tila nabigla siya at speechless.

"Ahm, Ivan tingin ko hind---" naputol ang sasabihin ko ng niyakap niya ako ng mahigpit.

Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong pisngi.

"Akala ko hindi ka na babalik," hinalikan niya ako sa aking noo.

"Huh?"

"Akala ko iwan mo na talaga ako," hinalikan niya ako sa kaliwang pisngi ko. "Akala ko nagsawa kana talaga sa akin," Hinalikan niya ako sa kanang pisngi.

"Na-miss kita," nanlaki naman ang mga mata ko ng hinalikan niya ako sa labi.

"N-na miss mo ako?" tanong ko ng bumitaw siya sa halik.

"Miss na miss," tumango-tango pa siya.

"Pumasok muna tayo, " inalalayan niya ako papasok at pinaupo sa sofa. Tumabi naman siya sa akin. "Kumusta ka na?" tanong niya at tumingin ng diretso sa mata ko.

"0-okay lang," naguguluhan pa rin ako kung bakit ang bait bait sa akin ni Ivan at nag-aalala siya sa akin.

"Wala ka bang dapat sabihin sa akin?" tanong niya at tinignan niya ako ng seryoso.

Napalunok naman ako. Ano nga ba ang sasabihin ko sa kaniya?

"Meron ba?" tanong niya ulit.

May na-alala ako bigla, "Ah yung buntis ako," agad naman akong napatakip ng bibig. Ang daldal talaga ng bibig ko.

"Akala ko wala kang balak sabihin sa akin iyon eh," kumunot naman ang noo ko.

"So it means, alam mo na?" nakataas na kilay na tanong ko.

"Oo," tipid níyang sagot. May bahid din ng ngiti sa kaniyang mukha.

"I-ivan may gusto sana akong itanong," nahihiyang wika ko.

"Tell me."

"Na-miss mo ba talaga ako?"

"Patch, malalaman mo ang tunay na sagot ko kung sasama ka sa akin mamaya.'"

Tumango na lang ako.

"By the way, Patch. I need to go, May trabaho pa kasi. Gusto ko pagdating ko ready ka na," lumabas na siya ng pintuan.

Ano ba naman iyan? Kakarating ko lang pagkatapos ay aalis siya. Nakakalungkot naman.

Kanina pa ako nanganga-likot ng damit para sa  susuotin ko mamaya.

Loving The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon