Chapter 17: There's something wrong

15 8 0
                                    

Keith Brillantes P.O.V.

Di-níal ko ang number ni Ivan. "Hello," padabog niyang sagot.

"Ivan, Help me. Tulungan mo ako," gumaralgal ang boses ko habang nagmamakaawa sa kaniya.

Nadinig ko ang pagtbuntong hinga niya sa kabilang linya. "Ano bang nangyari?" tanong niya. Nawawalan na ng pasensya.

"Ivan, ang sakit sakit ng tiyan ko. Hindi ako makatayo. Walang ibang tutulong sa akin," suminghot-singhot pa ako para akalain niya na umiiyak talaga ako.

"Hintayin mo ako," narinig ko pa ang pagmamadali niya sa kabilang linya. Mukhang kumagat talaga siya sa ginawa kong pag acting

Sorry Ivan and Patricia I need to do this kung hindi ako ang malalagot kay James. Baka ang Mama ko pa ang malagot at hindi ko iyon kakayanin.

Tama ng basa. Nag-acting lang ako na sumasakit ang tiyan ko at kunwaring umiiyak. Ni wala man nga akong dala sa aking sinapupunan. Napaka makasalanan ko na talaga. Lalo na sa mga mag-asawang Dorschner.

Ayaw ko mang gawin ito ay kailangan ko pa ring gawin. Bakit hindi nalang kasi magpaka lalaki ang James na íyon. Umamin ng harap harapan sa taong mahal niya. Sabihin ang totoo rito. Hindi iyong nasasaktan niya pa ito sa ganitong paraan. Minsan talaga ay hindi ko rin maintindihan ang mga lalaki.

Nang marinig ko ang mga yapak sa labas ay agad akong pumwesto sa sahig, Umupo ako roon at nag-umpisa na sa pagpapanggap. Bumukas ang pintuan at iniluwa si Ivan.

"I-ivan," pinikit ko na ang mga mata ko. Talagang parang sakit na sakit. Naghimatay himatayan na ako.

Binuhat naman niya ako. "Keith gumising ka," may bahid na ng pagpapanic sa kaniyang boses. Mabilis siya naglalakad at halos patakbo na nga iyon.

James Smith P.O.V.

"Hi, Doc," bati ko sa ka-close ko na doctor. Alam na kapag maraming connections.

"Oh, James ikaw pala. May kailangan ka ba?" napangisi na lang ako dahil sa na isip ko.

"Actually yes. Sana mapagbigyan niyo ako."

"Anything for you James," napangiti naman ako. This is how I work. Madami akong tinutulungan at sa ganitong paraan ko sila sinisingil.

Sorry Patricia but this is all for you. Akin kalang Para rin ito sa magiging future relation natin.

"May dinalang pasyente rito. Keith Brillantes is her name. Gusto ko na palabasin niyong okay lang ang bata kahit na hindi naman talaga siya buntis," nakita ko naman kumunot ang noo ng aking kausap.

"Baka mawalan ako ng lisensya kapag ginawa ko iyon," natatakot niyang sambit. Puno ng pangamba ang kaniyang mga mata.

"Hindi mo ba ako mapagbibigyan, Doc?" nangongonsensyang tanong ko. Naglalaro ang ngisi sa aking labi.

"I'll try my best," and with that umalis na siya. Natural na pagbibigyan niya ako.

Napangisi na lang ako, Hindi mo dapat ako kinalaban Ivan. Marami akong taong pwedeng maging kasangkapan. Dahil akin lang si Patricia.

Patricia Schnittka Dorschner P.O.V.

Nakakinis ang Ivan na iyan.

Ano ako bilanggo?

Nakakainis! Ikulong ba naman daw ako. Paano kasi binigyan niya ng pad -lock ang pintuan at siya lang ang pwedeng magbukas. Natatakot na kapag umalis siya ay gagawin ko iyong pagkakataon para makatas. Na trauma na ata talaga siya.

Well hindi naman ako gugutumin dahil may personal refrigerator. Hindi rin ako maiinip kasi may mga magazines, telvision, and computer.

Pero like duh. Hindi man lang ako pwedeng umalis.

Loving The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon