Patricia Schnittka Dorschner P.0.V.
Maaga akong nagising. Dahan dahan lang ako sa pagbaba sa kama. Kinuha ko na ang maleta ko at ipinasok na ang mga inayos kong damit.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Nilagay ko ang sinulatan kong papel malapit sa lampshade rito sa kwarto namin. Maikli lang naman ang sulat ko roon. Mga mahahalagang detalye lamang.
Nakatip-toe akong bumababa sa hagdan. Takot na magising siya. Pagkalabas ko ng bahay ay agad agad akong pumunta sa kotse ko at pina andar na ito. Naging mabagal lang takbo ko dahil nga sabi ng doktora ay kailangan kong mag ingat.
Nagtataka kayo siguro kung saan ako titira nito?
Nasabi ko na kay Thea ang lahat. Handa naman siyang tanggapin ako sa kanila. Habang nandoon ako sa kanila ay maghahanap pa rin naman ako ng malilipatan. Na mas malayo rito. Na mas malayo sa kaniya.
Nang makarating na ako ay iniwan ko muna ang maleta sa aking kotse. Bumaba na ako at pinindot ang doorbell. Hinihintay na pagbuksan niya ako.
"Hoy bestie tara pasok na, " bungad niya sa akin at ngumiti.
Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng tumira ako sa bahay nina Thea.
Tanging sina Thea at Cedric lang ang nakaka- alam na nandito ako. Sinabi ko kasi sa kanila na kung pwede lang 'wag nilang ipagsabi na nandito ako.
Ayaw ko kasing malaman nila. At hindi pa ako ready.
Kahit hindi na ako magpakita kay Ivan okay lang. Baka masaya pa nga 'yon ngayon dahil wala ng sagabal sa buhay niya.
Ivan Dorschner P.0.V.
"Ano nahanap mo na ba siya?" Tanong ko sa private investigator ko.
Kanina pa ako pabalik-balik at hindi mapakali. Ilang araw na kasing nawawala si Patch. Nalaman ko rin na buntis siya.
Dahil ng gumising ako na wala siya tabi ko ay agad ko siyang hinanap. Pinuntahan ko rin ang mga lugar kung saan siya galing. Isa na roon ang hospital. Nakausap ko ang check sa lagay niya. Nagpakilala ako bilang asawa para sabihin sa akin ang lahat. Doon ay nalaman ko ang tungkol sa magiging anak namin.
"Hindi pa po sir. Pero susubukan ko parin siyang hanapin."
"Dapat lang dahil binabayaran kita," inis na binagsak ko ang cellphone ko sa mesa ko dito sa opisina.
Ano ba kasing naisip ni Patch at bigla na lang siyang umalis?
At bakit hindi niya sinabi na mag-kaka-anak na kami?
Bigla naman sumagi sa isip ko ang sinabi ko kay Keith noong isang araw.
'Di kaya narinig niya iyon?
Kaya ba namamaga ang mga mata niya dahil narinig niya nga iyon?
Sinabi ko lang naman iyon para tigilan na ako ni Keith sa kakatanong kung kailan ako makikipaghiwalay kay Patch.
At mas lalo akong walang balak makipaghiwalay kay Patch. May nararamdaman na ako para sa kaniya. Ano ako hilo nasa akin na papakawalan ko pa?
But you've been a very big jerk, Ivan. Tingin mo ba ay hindi talaga siya masasaktan kung alam niyang may kasama kang ibang babae.
Ginagamit ko lang naman si Keith. Nagseselos ako kasi kapag kasama ni Patch ang gagong James na iyon. Kaya naisipan kong pagselosin rin siya.
Pero lalo lang lumala. Napasabunot ako sa aking buhok. Bakit ko pa kasi siya sinasaktan?
Napakatanga ko talaga. I'm sucha jerk.
Pati sina Tito at Tita hindi alam kung nasaan si Patch.
Sino pa nga bang pwede niyang puntahan? Ang kaniyang kaibigan, Oo, si Thea na nga siguro ang solusyon.
BINABASA MO ANG
Loving The Playboy
DiversosArranged Marriage, uso 'yan ngayon. Eh paano kung ikasal ka sa taong hindi mo naman mahal at isa pa playboy sya. Laging may inu uwing babae sa bahay niyo. At isang araw napagtanto mo na lang na mahal mo na siya. Pero wala ka namang magagawa kaya kap...