Patricia Schnittka Dorshner P.0.V.
Nakauwi na kami sa bahay. Ang swerte ni Joy Why? Kasi natupad niya ang pangarap niya na makasama ang aking kapatid. Ako kaya ang wish ko magiging totoo? At kailan naman kaya iyon matutupad? Sana lang nga ay matupad.
Well I hope so. Nandito nga pala kami ni Ivan sa kwarto. Natutulog na siya pero ako gising na gising pa.
Kinabukasan tumayo na ako sa higaan at pumunta sa banyo para maligo na. Oo nga pala pagkaggising ko wala na sa tabi ko si Ivan. Baka nasa opisina na yun o 'di kaya kasama nya si Keith-the-panira.
Pumunta na ako sa baba at sumakay na sa kotse ko. Dumaaan muna ako sa Jollibee at nagtake-out.
Habang nasa byahe kumakain ako ng burger at French fries. 'Yung ngang burger naghingi pa ako ng gravy. Tapos isinawsaw ko sa hot chocolate 'yung fries. Ang sarap talaga.
Nakarating na ako sa Hospital. Nag elevator na ako. Pagkalabas ko sa elevator pumunta na ako sa opisina ng doctor.
"Anong problema Mrs.Dorshner?" tanong sa akin ni Doktora Mendez.
"Tuwing umaga po kasi lagi akong nagsusuka," sagot ko. Nag aalala na sa aking kalagayan.
"Ano pa?"
"Lagi po akong inaantok."
"Meron pa?"
"Opo lagi po akong nagka-crave ng mangga na isinawsaw sa ketchup."
Pinalabas muna ako ni Doc. Mendez. Ich-check niya muna daw kung ano ang symptoms ko. Tatawagin nalang ako ulit kapag may resulta na.
Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay lumabas na siya. Nakangiti siya ng malawak sa akin na tila ba may pinapahiwatig.
"Congratulations, Mrs.Dorschner." Ano daw?
Bakit niya ba ako binabati?
"Huh?"
"Base na rin sa mga sinabi mo sa naging test lumabas ang result. Buntis ka magpahinga ka at huwag mag pa stress."
Buntis? Sinong buntis?
Matagal bago iyon mag sink in sa akin. Totoo ba talaga ang narinig ko? Hindi ako makapaniwala.
May nabuo ba talaga kami ni Ivan?
Ibig bang sabihin nito ay pwede na kaming bumuo ng masayang pamilya?
Mabilis na may pag-iingat akong umalis doon. Kailangan ko itong sabihin sa asawa ko. Napakasaya ko ngayon. Nothing can compare to my happiness right now.
Nandito na ako sa bahay at nadatnan ko si Ivan at Keith-the-panira. Kaya hindi muna ako agad pumasok.
Nasa harapan ako ng pintuan. Nakasilip at nakikinig sa kanilang usapan.
Mukhang masayang masaya talaga si lvan sa piling ng babaeng ito.
Napa isip ako tuloy kung sasabihin ko pa sa kanya ang mahalagang impormasyon na ito.
But he need to know about this. Sa kaniya rin ito. Ama siya ng dinadala ko.
"Babe kailan ka ba makikipaghiwalay sa feelingerang 'yun?" narinig kong tanong ni Keith. Lalo ko pang inilapit ang tenga ko roon upang mas maintindihan sila.
Umakbay sa kaniya ang lalaki. "Soon babe, " he answered.
Hinalikan sya ni Keith sa gilid ng labi nya. "I like that. Soon? lbig sabihin malapit na" kinikilig at masaya nitong sambit. Hinalikan naman ni Ivan ng mabilis ang babae. "Yup."
"What if magka anak kayo?"
Ngumiti sa kaniya si Ivan. "Kung mag-ka-anak man kami ní Patch, Panangutan ko ang bata. Pero ang bata lang, Pag nakapanganak na siya ay kukunin ko na ang bata at ilalayo sa kaniya."
And with that my tears started to stream down my face. I can't help but not to cry.
Ngayon alam ko na ang sagot ko sa tanong na kung sasabihin ko pag buntis ko.
Hindí. Hindi ko na kailangang sabihin sa kaniya ang tungkol sa magiging anak namin.
Hindi na kailangan. Sapat na iyong mga ko.
Ilalayo niya lang sa akin ang anak ko.
At ano pag nakuha na nila ang anak ko magsasama na sila?
Magiging masaya na sila? Habang ako miserable ang buhay ko?
Ang daya nila. Selfish sila. Mga makasarili.
lisa lang ang gusto kong gawin ngayon.
Ang umalis. Umalis ng walang paalam sa kanila. Lalong lalo na sa walang puso kong asawa. Pinagsilbihan ko naman siya pero bakit. Anong ginagawa niya sa akin?
Kung dati ay hindi ko kaya ngayon ay kayang kaya ko na. Sapat na ang mga narinig ko. Sapat na ang sakit na iyon.
Ano bang mali kong ginawa? Ang makitang kasama ko si James?
Sinaktan ko ba siya?
Pinabayaan ko ba siya?
Nagkulang ba ako?
Bumalik ako sa loob ng kotse ko.
Umiiyak nanaman ako. Araw-araw lagi na lang akong umiiyak. Sawa na ako. Pagod na pagod na ako. The pain is now enough for me to open my eyes in the reality of the world.
Pagod na ako kaka intindi na ayaw niya talaga sa akin. Na hindi niya talaga ako kakayaning mahalin.
Bakit ba kasi ako umaasa sa taong paasa?
Kinagabihan..
Bumaba na ako sa kotse ko na namamaga ang mga mata ko.
Pumasok na ako sa pintuan. Oo nga pala kanina pa umuwi si impakta I mean si Keith. Nakita ko si Ivan sa sofa nanunuod ng T.V. "Saan ka galing?
Tinignan ko siya. "Somewhere over the rainbow," pamimilosopo ko.
Tinignan niya ako ng masama."Bakit namamaga ang mga mata mo? Umiyak kaba?" tanong nya.
"As if you care," umakyat na ako sa hagdan at pumunta na sa kwarto.
Pagkapasok ko sa kwarto pumunta na ako sa banyo at nag-shower.
Tinupi tupi ko na ang mga damit ko.
"Saan ka pupunta?" bigla ko naman nabitawan ang hawak kong damit. Dapat hindi niya malaman na aalis na o at hindi na babalik. Hindi niya dapat malaman aalis ako kasama ang anak namin.
"Inaayos ko lang dahil magulo na. Nakakirita kasing tignan," pagsisinungaling na sagot ko.
Napatango naman siya. "I though aalis ka," saad niya pa na para bang ayaw maniwala sa akin.
"Saan naman ako pupunta?" natatawang tanong ko para hindi mahalata na aalis talaga ako.
Hindi na siya sumagot at humiga na sa kama namin.
Humiga na ako sa tabi niya.
Nakahanda na rin naman ang mga gamit ko at ilalagay ko na lang iyon mamaya sa maleta. Minsan magaling rin pala akong magpalusot para hindi niya ako mabuking.
"Matulog na tayo, " he said. Malambing pa iyon kaya naman ang sarap pakinggan. Sana nga ay totoo iyon.
Pinahiga nya ako sa bisig niya. Wala naman akong magawa kaya sumunod na lang ako. Huli na rin naman ito kaya susulitin Kona
Ngayon ko nalang siya makakasama. makakapilling. Dahil sa oras na makaalis ako rito ay puputulin ko na ang koneksiyon namin.
Hindi na ako muli mag iiwan ng bakas niya tatapusin ko na ang lahat.
Para sa magiging anak ko ito. Ayoko itong maihiwalay saakin.
BINABASA MO ANG
Loving The Playboy
AléatoireArranged Marriage, uso 'yan ngayon. Eh paano kung ikasal ka sa taong hindi mo naman mahal at isa pa playboy sya. Laging may inu uwing babae sa bahay niyo. At isang araw napagtanto mo na lang na mahal mo na siya. Pero wala ka namang magagawa kaya kap...