Patrícia Schníttka Dorschner P.O.V.
Aish. Nakakainis naman si lvan. Bigla na lang susulpot tapos aalis na lang agad. Patakbo pa siyang umalis. Pagkatapos niyang hinawakan ang phone niya ay mukha pa siyang nanggigigil dito. Napakasama ng tingin doon at kaunti nalang ay basagin ang screen níto.
Baka sabihin na naman niya na may emergency sa company. He can't fool me anymore. Like duh. Ang sabihin niya may emergency dahil kay Keith the panira na iyon.
Kainis talaga. Bandang huli tuloy ay nawalan pa tuloy ako ng kasama. Patuloy gusto kong gayahin ang ginagawa ni Thea kanina sa mansanas. Iyong ang pagdidistikahan dahil sa galit.
Nung kasing dumating si Ivan nawalan pa ako ng kasama.
So anong gagawin kong mag-isa rito? Magmumuni muni? Kausapin ang pader? Ang tiles o and kumot at unan. lto ang ayaw ko kapag nasa hospital. Wala kang magawa at nakaka inip talaga. Pala inipin pa naman akong klase ng tao. Kapag walang ginagawa ay nabuburyo talaga.
Sinubukan kong tumayo at nakatayo naman ako.
Lalakad na sana ako papunta roon sa mansanas ang kaso ay nabigla ako dahil sa pagbukas ng pintuan.
"What are you doing my beautiful wife?" sulpot ni Ivan. Napairap nalang ako sa kaníya. Ngayon naman ay naglalambing siya dahil alam niyang may ginawa siyang kasalanan.
Umupo na lang ulit ako sa kama. Bakit ba bigla bigla ka nalang sumusulpot? Mushroom ka ba?" iritadong tanong ko sa kaniya.
Napatawa naman siya. Lumapit na siya ng tuluyan sa akin. Umupo sa monoblock na naroroon. "Mushroom? Sa gwapo kong 'to?"
Aba! Kapal ng mukha. Pero dahil totoo naman ay pagbibigyan ko na. Oo na gwapo talaga siya. Gwapo nga talaga ang asawa ko.
Tumigil ka nga diyan. May kasalanan ka pa sa akin," humiga ako at tinalikuran siya. Nagtatampo ako kaya dapat ay suyuin niya ako.
"Patricia Dorschner," malambing niyang pagtawag sa akin. Hinaplos niya ang likuran ko,"Sorry if I lied to you."
"Oo at nagawa mo pa talaga akong iwan," inis kong gatong sa kaniya.
So ayaw mong mawala ako sa tabi mo?" hinawakan niya ang magkabila kong braso at mabilis niya akong napaharap sa kaniya. "Hey," paglalambing niya pa at hinalikan ang aking sentido kaya naman napapikit ako. It is just so romantic for me.
Sumampa siya sa kama ko sa hospital at tumabi sa akin. Kasya naman pala kaming dalawa rito. Ipina da usdos niya ang kanyang kamay sa aking bewang at niyakap ako. "Ang dami ko na namang nagawang kasalanan sa'yo," saad niya habang nakatitig sa aking mukha. Tila minemorisado níya iyon.
Tumango ako. "That's my point Ivan kaya ayaw kitang umalis sa tabi ko. Kailangan ko rin ng makakasama," paliwanag ko. "Paano nalang pala kung hindi naisipan ni James na bumisita? Sinong tutulong sa akin doon," nagtatampong saad ko. Bakas ang lungkot sa aking boses.
Napakunot ang kaniyang noo at tila ba na triggered sa aking sinabi. "I know it's my fault, Patch. But can you please don't talk about that James? Mas lalo lang akong nagagalit sa sarili ko. Kasi nandoon siya samantalang ako wala. Ni hindi ka nagawang tulungan.
Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa kain at tumayo.
"Ivan," pagtawag ko pa sa kaniya ngunit tuloy tuloy lang siyang lumabas. Kitang kita ko pa naman ang frustration sa kaniyang mukha.
Ano na naman bang nagawa mo Patricia? Pero tama lang din naman ang ginawa ko hindi ba? Tama lang na pagsabihan ko siya dahil totoo naman iyon.
James Smith P.O.V.
BINABASA MO ANG
Loving The Playboy
De TodoArranged Marriage, uso 'yan ngayon. Eh paano kung ikasal ka sa taong hindi mo naman mahal at isa pa playboy sya. Laging may inu uwing babae sa bahay niyo. At isang araw napagtanto mo na lang na mahal mo na siya. Pero wala ka namang magagawa kaya kap...