Patricia Schnittka Dorschner P.O.V.
Dumating na nag pangalawang araw ko sa hospital kaya naman pwede na akong mai discharge mamaya.
Wala si Ivan dahil may inaasikaso pa siya sa billing. Ako lang nagyon sa loob ng kwarto. Of course with the baby in my tummy.
Tumayo ako at mabilis na pinagtatanggal ang mga kung ano anong nakalagay sa kamay ko. Plano ko talaga kasing tumakas. Hindi naman ako magtatagal at babalikan ko naman talaga ang asawa ko. I just need to unwind. Saka may gusto kasi akong kainin. Gusto ko ako lang mag-isang kakain no'n. Na walag nagbabantay sa akin.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip muna sa labas kung may mga tao ba o dumadaan.O kung may makakita ba sa akin. Nang wala akong makita ay napangiti ako. Perfect timing. Mabilis akong naglakad patungong exit. Pero habang naglalakd ako roon ay pumasok na naman ang masasakit na ala ala. Negative thoughts started to lingered to my head. The pain is slowly flowing through my heart.
Sa pag iisip na iyon ay mabilis akong nakagawa ng desisyon. Masyado na nga yata akong nagpapadala sa mga isiping ganito.
l am tired of this. Pagod na sa pa ulit ulit na ganito na takbo ng relasyon namin. I don't know what I am saying anymore. But I just want to quit on his life.
Kanina lang ay pagkain ang dahilan ng pag-alis ko. Ngayon ay dahil na sa kaniya. Napakagulo na ng utak ko ngayon. Sumasabay pa ang emotion out break ko.
Tumingin ako sa tiyan ko. "Baby, kahit si Mommy lang ang magpapalaki sa'yo I'll promise na magiging masaya ka," hinaplos haplos ko ang tiyan ko. Iyon ang naging konklusyon ko sa mabilis na desisyon na ginawa ko.
Akma na akong maglalakad ng may humila sa akin. Hindi iyon marahas at ma ingat lamang.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino iyon.
"I-ivan?"" napa-iyak na ako ng tuluyan kahit na wala naman siyang ginagawa. Nakatingin lang naman siya sa akin.
He smirked. "The one and only," pero bakas sa kaniyang mga mata ang sakit. '"Balak mo nanaman ba akong layasan? liwan mo na naman ba ako?" ngumiti siya ng mapait, "Well, this time hindi na ako papayag na iiwan mo ako ulit. And that's final," binuhat niya ako bigla kaya naman napa sigaw ako ng kaunti.
"Ivan. bitawan mo nga ako!" nagpumiglas ako at sinigawan pa siya.
"Para ano?" tiim bagang tanong niya. "Para makatakas ka?" nakita ko naman ang pagka tamlay niya.
"Patch, huwag ka naman ganyan.." nahihirapan niyang bigkas. "Huwag mo naman akong pahirapan," nabasag na ang kaniyang boses. Ipinasok na niya ako sa loob ng sasakyan.
"Ivan, ayoko na!" makulit ko pa ring saad.
"Ganyan ka ba kahina?" hindi pa rin niya pinapaandar ang kotse. "Hindi ba sabi mo mahal mo ako?" tumango lang ako bilang tugon. "Eh, bakit ganyan ka? Palagi mo na lang kong iniwan?"
Bumigay na ako. "I-ivan, mahal na mahal kita," hinawakan ko ang isang kamay niya gamit ang isang kamay ko. "Pero napapagod din ako," pumatak na ang mga luha ko.
"Pagod saan?" napasabunot siya sa kaniyang buhok at tila ba hindi na alam kung ano pa ang kaniyang iisipin.
"Pagod sa pakikipaghati ng atensyon mo kay Keith," sagot ko. "Tulad nalang ngayon. Buntis ako pero nabuntis mo rin siya. Magiging kahati ko na naman siya sa atensyon mo," pinunasan ko ang mga luha ko. "Gusto ko akin lang ang buo mong atensyon!" sigaw ko na. Para akong batang nakikipag away sa iba dahil inagawan nila ako candy.
He cupped my face. Pinagtama niya ang paningin namin. "Listen, Patch. Kung totoo man nga ako ang nakabuntis sa kaniya ay papanagutan ko. Pero hindi kasama ang Keith na iyon. Sa bata lang," pagpapaliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Loving The Playboy
RandomArranged Marriage, uso 'yan ngayon. Eh paano kung ikasal ka sa taong hindi mo naman mahal at isa pa playboy sya. Laging may inu uwing babae sa bahay niyo. At isang araw napagtanto mo na lang na mahal mo na siya. Pero wala ka namang magagawa kaya kap...