Chapter 6: Realization Patricia

24 10 0
                                    

Schnittka Dorschner P.0.V.

Nakauwi na ako sa bahay at nakapatay lahat ng ilaw. Meaning na wala pa si Ivan, Siguro kasama na naman si Keith the panira. Ewan ko I'm feeling jealous when Ivan and Keith are so sweet. Sa lahat ng mga babaeng nakasama niya ay ito talaga ang pinakaka inisan ko. Pakiramdam ko ay wala itong magandang dulot para sa kaniya. Para sa akin. Para sa relasyon naming dalawa.

Yung feeling na parang ina agawan ka ng asawa. At ang asawa mo naman nag papa-agaw. Siguro nga masaya siya sa piling ni Keith. Kumpara naman pag mag kasama kami. Palagi lang naman kaming hindi nag-papansinan. Kung magpansinan may ay nag- aaway pa.

Para kaming hindi magkakilala dahil walang imikan. Parang hindi naman mag-asawa kung magturingan.

Pumunta na ako sa kwarto namin. Napa-upo na lang ako sa kama. Bigla naman lumitaw sa isip ko 'yung nakita ko kanina na napaka-sweet nina Ivan at Keith.

Habang iniisip ko 'yun. Bigla nalang umagos ang mga luha ko at tila ayaw ng huminto. Iyak lang ako ng iyak. My face is full of tears right now.

"I think I like you..." bulong ko. Pag amin ko sa nararandaman ko. Ito siguro ang dahilan kung bakit ako nasasaktan at hindi makahinga ng maayos kapag may kasama siyang iba. Kapag may kasama siyang ibang babae na alam kong makakapagpasaya sa kaniya.

Now I realized na may feelings ako para kay Ivan. Na kahit saktan niya ako hindi ko parin siya susumbatan.

Na kahit ipamukha niyang asawa niya lang ako sa papel ipaglalaban ko pa rin siya.

Na kahit na mas-gusto niyang kasama si Keith. Okay lang basta akin lang siya. Sa akin pa rin siya uuwi.

Kinabukasan..

Pagkagising ko wala sa tabi ko si Ivan.

Pumunta ako sa guest room. Wala rin siya roon.

"I know where he is..." bulong ko sa sarili ko at napahawak sa dibdib ko. "Nagseselos na ako," malakas na sigaw ko sa buong bahay.

Tutal ay wala namang makakarinig sa akin. Hindi naman niya ako maririnig,

"Bakit kasi laging si Keith na lang ang kasama mo?" and with that my tears fall. I'm crying again.

Bumalik na lang ako sa kwarto. Pumunta ako sa closet ko at kumuha ng floral dress. Pagkatapos pumunta na ako sa banyo at syempre naligo na.

Pagkatapos kong maligo pinatuyo ko muna ang buhok ko. Pagkatapos kong pinatuyo ang buhok ko nag Sapatos na ako.

"Maybe I need some enjoying things. Kailangan kong maglibang para hindí nalang palaging ganito," I said to my self and barely walk to my car.

When I got up into my car I start the car engine. Then drove fast.

Pagkarating ko sa mall pumunta ako ng Dress shop.

Ang libangan ko lang naman ay ang pag ma-mall.

Umalis na ako sa dress shop wala kasi akong mapili. Napa upo na lang ako sa isa sa mga bench dito.

May tumakip bigla sa mata ko. "Guess who's this," mapaglarong sambit ng tumakip sa mata ko. Alam ko ang boses na iyon at hindi ako maaaring magkamali.

"James, " sagot ko. I know that na si James talaga ang tumakip sa mga mata ko.

"Bakit ka nag-iisa? Nasaan 'yung lalaking humablot sayo sa bar? 'Diba asawa mo iyon?" sunod- sunod na tanong niya.

"No comment, "natatawang sagot ko.

"Showbiz lang," natatawang saad din niya.

"Bago ko sagutin ang mga tanong mo lumipat tayo ng pwesto," saad ko at tumango lang siya.

Nakapunta kami sa isang restaurant.

Umupo na kami at umorder pero wala akong gastos. Ipagpilitan ba naman ni James na libre niya daw kaya hindi na ako tumutol.

"Answer please," saad niya at nagpuppy eyes kaya nakurot ko siya sa pisngi. Ang cute naman kasi.

"Ouch," reklamo niya at hinaplos -haplos niya pa ang pisnging kinurot ko. Nag-peace sign ako."'Sorry," paumanhin ko.

Tumango lang siya.

"Sagot sa una mong tanong, Nag-iisa ako kasi bored ako sa bahay wala naman akong kasama kaya naisipan kong umalis. Ang best friend ko kasi busy sa love life," sagot ko sa unang tanong niya.

''Si Thea ba ang best friend mo?" dagdag tanong niya

Tumango ako."Answer for your second question, 'Yung lalaking humablot sa akin sa bar ay wala siya ngayon kasi kasama niya ang kaniyang girlfriend," sagot ko sa pangalawang tanong niya mahirap mang isagot sa kanya 'yun. Pero 'yun ang totoo.

"Girlfriend?

"Yup."

"Answer for your third question, Yeah that's my husband," lumungkot naman ang expression ng kaniyang mukha. Tila ba may bumara sa kaniyang lalamunan at pilit niya iyong linunok.

"Mag-asawa lang kami sa papel. We're just arranged to be married," napilitan naman ng ngiti ang kaniyang malungkot na mukha kanina.

"Eh kung umasta kala mo nagmamahalan kayo," James oo na ako lang ang may feelings sa kaniya.

One sided lang. Ako lang. Sana all kasi double sided diba. Para parehas na kumakapit ang magka ibang panig. Mangarap ka, Patricia. Mangarap ka

Bakit ba naman kasi sa kaniya ko pa naramdaman ito?

Sa kaniya pa ako nahulog. Pero sino ba namang babae ang mapipigilan ang pag ka gusto sa kaniya. Full package na kung iisipin. Problema lang nga ay ang pagiging playboy niya. Iyon lang pero kapag nakapagbago siya ay siguradong magiging masaya ako kapag kasama siya.

Pero sino nga ba ang makakapagpabago sa kaniya. Sa nakikita ko ngayon at hindi ako. Baka ibang babae. Baka ang Keith na iyon. Nakikita ko kasi ang saya sa mga mata ni Ivan kapag ito ang kaniyang kasama. Iba ang tingin niya sa mga ibang babae niya. Iba rin sa akin.

Pagka-uwi ko sa bahay nakita ko si Ivan na  natutulog sa sofa. Napatitig pa ako ng bahagya sa kaniyang mukha. Nakabukas ng maliit ang kaniyang bibig. Tila ba pagod na pagod kaya nakatulog. Ang gwapo talaga.

Bakit kaya hindi siya sa kwarto namin natulog?

Baka ayaw niya akong makatabi. Sakit n'on ah. Ouch.

Isipin ko palang ayaw akong makatabi ng gusto ko. Nasasaktan na ako Bakit ba kasi iyon agad ang pumasok sa aking isipan. 'Yan tuloy nasasaktan ako at nagdadrama na naman dito.

Baka pagod lang siya kaya sa sofa nakatulog.

Masyado kasi akong nega eh. Napaka negative. Over thinker pa. Masyadong paranoid.

Tinignan ko ang orasan ko 8:00 na pala ng gabi. Umalis ako kaninang 9:00 umaga. Ang tagal ko pala sa mall kasama si James. Madami kasi kaming napagkwentuhan. Pagkatapos ay naisipan naming libutin ang buong mall habang nag uusap pa rin. Hindi kami nauubusan ng usapin dahil kapag natatapos na ang isa ay saka siya magpapasok ng ibang topic.

Loving The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon