Chapter 18: Fallen..

424 13 7
                                    

Super duper sorry sa super duper late update. Pero promise,eto na to. Eto na talaga!

---------------------------------------

Trina's POV

"Kuya! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Hindi ko na alam ang pwedeng mangyari! Mahal ko si Paul! Mahal ko na rin ang mga kaibigan ko!"

   Umiiyak akong humarap kay Kuya. Alam kong pati sya nahihirapan na. Mahal na din nya si Rancess. Wala to sa plano namin. Pero ito ang nangyari. Nagmahal ako ng kaaway. Nagmahal kami ni Kuya ng mga kaaway.

"Sinubukan kong kausapin ang ibang Emperors ng Empire. Hiniling kong wag nilang gagalawin ang F3 sa oras na makuha natin ang Mafia. Pero gustong-gusto talaga nilang  gantihan ang mga ito. Sinumbatan pa nila ako at sinabing at the first place ako naman daw ang nag-plano ng lahat. Ako ang unang-unang nag-plano na pabagsakin sila. Kaya bakit daw ako humihiling ng ganon sa kanila. Pinagdudahan pa nila ako Trina at pinagbantaan." napayuko si Kuya at bakas sa mukha nya ang disappointment at kalungkutan. Pero bakit sya pinagbantaan?

"Pinagbantaan? Ikaw? Pagbabantaan nila? E ikaw ang lang naman ang Founder ng mundong ginagalawan nila ngayon. Hindi ba nila alam ang pwedeng gawin ng kapangyarihan mo sa kanila? Hindi ba nila alam kung gaano ka-impluwensya si Hawk?"

"Not anymore...."

O___O what does he mean?

"What?" takang tanong ko sakanya.

"I gave up my power. I'm leaving Empire. But unfortunately,they threaten me. I can't do anything about it. I don't have the power now."

     Tinamaan talaga si Kuya. Nagawa nyang isakripisyo ang kapangyarihan nya sa Empire para lang protektahan si Rancess. Nagawa rin nyang kalimutan ang galit nya para dito.

"Kuya....Anong nangyari satin? Bakit naging kumplikado ang lahat?"

  Biglang nag-ring ang cell phone ni kuya.

"Sagutin ko lang to."

Lumayo ng konti si Kuya sa akin. Alalang-alala ang itsura nya habang nakikipag-usap.

Ilang saglit pa,binaba na nya ang telepono at nagmamadaling kinuha ang susi ng kotse nya.

"San punta?" tanong ko.

"Kay Rancess. Ikaw na bahala dito." hinalikan nya ako sa noo. Pag kay Cess talaga gagawin nya. Kahit alam nyang si Josh naman gusto niya.

"Sino ka ba talaga?" nabigla ako sa nagsalita kaya agad akong bumunot ng baril at tinutok sa taong nasa likuran ko. Pero nagulat ako ng makita kung sino sya.

"Paul...Paano ka nakaalis dun?"

      Paano sya nakatakas sa pagkakatali ko sakanya? Binaba nya ang hawak kong baril at lumapit sakin.

"Para-paraan lang."

 "Wag kang lalapit kay Ate!"  sumulyap ako sa nagsalita at nakita ko doon si Shannon na hawak ang hawk dagger ni kuya at nakatutok ito sa likod ni Paul.

"Shannon,it's ok. Ibaba mo na yang dagger." kalmadong sabi ko kay Shan at ginawa naman nya ang inutos ko. Ibinaba nya ang dagger mula sa pagkakatutok sa likod ni Paul. Inilahad ko ang kamay ko para hingin ang dagger kaya iniabot nya ito. Pag-abot nya ay mabilis na akong gumalaw para itutok ito sa leeg ni Paul pero mabilis din nyang naagaw ang baril ko at mabilis din syang nakabunot ng isa pang baril. Pareho ngayon itong nakatutok samin ni Shannon.

"Ano nanaman ba to Trina?" halata ang pagka-inis sa boses ni Paul.

"Paul ibaba mo yang mga baril mo at umakyat ka ulit sa taas. Susunod ako sa likuran mo." seryosong sagot ko.

Fine*Furious*Females [The Legends]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon