Sorry if ang tagal kong walang update. Nasira kasi yung computer namin.
Pero promise. I'll update as fast as i could. May ending na kasi toh e. HAHA
-----------------------------------------------------------------
Kylie's POV
Isa-isa ng tumawag ang mga kaibigan ko. Si Rancess at si Kiara. Pareho silang umiiyak na tumawag sa akin. Alam na daw ni Josh at Chris na kami ang F3 . Kaya sigurado akong alam na rin ito ni Ryu.Sumakto pa naman sa araw na to. Ang engagement party namin.
*knock knock*
"Come in."
Si Dad. *sigh* Kahit sya mismo hindi nya alam ang gingawa kong kalokohan. Pano kaya ako nito pag nalaman nya?
"Anak?Ready kana ba para sa engagement nyo?" inakbayan nya ako.
"Dad?Hindi na ba pwedeng umurong?" pagmamakaawa ko sa kanya.
Nagmamakaawa ako dahil ayokong saktan pa si Ryu. Alam kong gusto rin naman ako ni Ryu eh. At ganun din ako sa kanya. Kahit pa lagi kaming nag-aasaran at nagkakapikunan,ramdam kong may feelings na rin sya sakin.
"Anak,ok na kayo diba?May nangyari nanaman ba?"
Umiwas ako ng tingin.
*knock Knock*
Bumukas ang pinto.
"Master,hinihintay napo kayo sa baba."
Tinignan ako ni Dad.
"Anak tara na." hinalikan nya ako sa noo. "Kung ano man yang gumugulo sa isip mo.Kalimutan mo na." tsaka nya ako inakbayan at sabay kaming lumabas.
*HOTEL LOBBY*
"Ladies and gentlemen,I would like you to meet my son,Ryu Kitagawa and his lovely fiance. Ms. Kylie Shih." Sabay kaming umakyat ni Ryu sa stage.Seryoso syang nakatingin sakin. Ang lamig ng tingin nyang iyon.
Hinawakan nya ang kamay kong nanlalamaig at bumulong.
"We need to talk."
---
Pagkatapos ng mahabang program,pumuslit kami ni Ryu papunta sa garden. Umupo sya sa may fountain at seryosong nakatingin parin sakin.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko.
"Sinabi na sakin ni Chris kung sino talaga kayo. And they're planning to-----"
"andito nako sa harap mo Ryu.Hulihin mo nako." lumapit ako sa kanya at inabot ang mga kamay ko na parang magpapaposas.
Tumayo sya.At imbis na posasan nya ako ay niyakap nalang nya ako.
"No. I won't give you to them. I will protect you." nagulat ako. Bumitaw ako sa yakap nya.
"What?Ryu!I'm one of them! I am Dark Luna. I'm an assassin."
Hinawakan nya ang kamay ko. Tinitigan nya ako ng mabuti.
"Whoever you are,I still love you."
And then he gave me a sweet kiss.
Kiara's POV
Hindi na kami pinapunta pa ni Kylie sa engagement party nila ni Ryu. Para wala naring gulo. Tsaka para makaiwas na rin kay Ryu.
Hay naku. Ano ba tong nangyayari samin? Kung kelan nahanap na namin yung kasiyahan namin,tsaka naman nalaman pa yung sekreto namin.
Kasalanan ko rin naman. Kung nung una palang iniwasan ko na sya,hindi na sana kami dumating pa dito.
"Kiara,tara na." Pumasok si Darck sa dressing room ko para tawagin na ako. May concert kasi kami ngayon.At ito na ang huling concert ko.
BINABASA MO ANG
Fine*Furious*Females [The Legends]
AcciónMga assassin na ubod ng ganda. At talagang mahuhulog ka sa mga alindog nila. Sila ang F3. The Fine Furious Females.. "Our statement is true then we are FINE, were mesmerizing and hot, and then we are FURIOUS, we are the one..the first... FEMALES"