Kiara's POV
I expect this to happen. Matagal ko nang inihanda ang sarili ko para dito. Alam kong madaming magbabago sa buhay namin ng mga kasama ko. Sa simula palang dapat hindi na kami nakipag-relasyon pa sa kanila. But somehow, that gave us our freedom. Kung hindi dahil sa kanila hindi na kami makakaalis pa sa Mafia. Itong pagkakabunyag ng sikreto namin ang naging paraan para makalaya kami. Kaya sa huling pagkakataon, itataya namin ang mga buhay namin para lang masigurado na ang kalayaan namin.
"So how are we suppose to take down Empire?"
Napalingon ako sa likuran ko. Si Chris. Naglalakad siya papalapit sa akin at may hawak siyang dalawang bote ng beer. Mukhang magkaka-inuman pa kami.
"I don't know, yet. We have to get Rancess. She knows what to do with Wayne." Kaswal na sagot ko. Ayokong ipakita ang pagka-awkward ko sa kanya dahil sa naging sagutan namin kahapon.
"Sigurado ba kayong darating si Rancess? Makakasigurado ba kami na mapagkakatiwalaan namin kayo?"
"Of course. Pwede ba? Kung puno ka pa rin ng pagdududa sa amin pwedeng-pwede ka namang umatras dito e. You don't have to keep on reminding me how I made you stupid about everything, ok? We didn't plan to do this. Kaya wag kang mag-over react dyan."
Nakakainis siya. Ang sarap niyang ihulog sa balcony ng Mansion nila Cristyn. Kung kaya ko lang gawin malamang kanina pa siya nangingisay dyan.
"Can I still trust you?" All of a sudden na tanong niya. Seryoso ang tono niya. Para bang hindi niya ako kinukwestyon, parang humihingi siya ng pahintulot na ung pwede niya pa akong pagkatiwalaan. Alam kong imposible pero parang ganun ang dating sa akin ng sinabi niya.
"It's up to you. May sarili kang isip. Bakit hindi ikaw ang magdesisyon para sa sarili mo? Ano ba sa palagay mo? Palagay mo ba pwede mo pa akong pagkatiwalaan?" Seryoso ring tanong ko sa kanya. Magkatitigan kami ngayon at parehong sinusubukang basahin ang iniisip ng isa't-isa.
Bigla niyang iniabot sa akin yung isang beer na hawak niya at kinuha ko naman yun. Isang ngiti rin ang sumilay sa mga labi niya ng sandaling iyon. Yung ngiting nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Yung ngiting hinahanap-hanap ko.
"Gusto kong magsimula tayo ulit. No secrets, no lies. Just love. Can we do that?"
Hindi ko alam kung anong isasagot. Gusto ko. Gustong-gusto ko. Pero paano? Hindi ko alam kung paano ko pa sisimulan ang buhay ko ng normal. Hindi na ako sanay na mamuhay ng normal.
Mabilis akong naglakad palapit sa kanya at niyakap ko siya. Nagsimula na ring tumulo ang luha ko.
"Help me, Chris. Help me. Tulungan mo ako na maging normal ulit. Hindi ko na alam kung paano. Tulungan mo ako.."
Hindi siya nagsasalita. Hinayaan niya lang ako na yumakap sa kanya. At ilang sandali pa ay yumakap din siya sa akin ng mahigpit at isiniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko.
"I will. Don't worry, I will."
Somehow I felt secure in his arms. Malaki ang kasalanan ko sa kanya pero nagawa niya pa rin akong tanggapin. Kaya naman ipapangako ko sa sarili ko na ito na ang huling misyon na gagawin ko. Pagkatapos nito ay aayusin ko na ang buhay ko.. sa piling ng lalaking mahal ko.
Kylie's POV
Hindi pa rin kami nag-uusap ni Ryu mula nung incident kahapon. Alam kong nagtatampo siya sakin dahil sa ginawa ko sa kanya. Pero kailangan kong gawin yun. Nandoon si Maj. Morales. At pinapanuod niya lahat ng hakbang na gagawin namin.
BINABASA MO ANG
Fine*Furious*Females [The Legends]
ActionMga assassin na ubod ng ganda. At talagang mahuhulog ka sa mga alindog nila. Sila ang F3. The Fine Furious Females.. "Our statement is true then we are FINE, were mesmerizing and hot, and then we are FURIOUS, we are the one..the first... FEMALES"