7:30am
Tsk! Ang sakit ng ulo ko. Anong oras na ba ako nakatulog kagabi?
Chris' POV
Umupo ako. Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid ng kwarto. Oo nga pala!!
Katabi ko ngayon si Ms. Kiara na sobrang himbing ng tulog. Tinitigan ko lang siya. Ang ganda niya talaga kahit saang anggulo ko siya tignan. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming lalaki sa showbiz ang naiisue sa kanya. Bukod sa maganda at talented, kakaiba pa siya sa mga ibang babae. Siguradong maraming lalaki ang nangangarap na maging girlfriend siya. Sa ngayon, masasabi kong isa na ako dun. Matagal ko na siyang hinahangaan. Kahit na sa paningin ng ibang tao ay isa akong maangas at astig na agent ng ADVOCATE. Pagdating sa kanya nawawala ang kaangasan ko. Siya lang yung tanging babae na pinangarap ko. Kaya nga hindi talaga ako makapaniwala na nasa harap ko siya ngayon. Kasama sa iisang bahay, sa iisang kwarto, sa iisang kama. May pag ka naughty din ako minsan. Pero hindi ko naman kayang paganahin kay Kiara ang pagka 'naughty' kong yun. Of all the girls that I slept with, siya lang ang tanging babae na tinabihan ko lang sa pagtulog ng walang kung anong nangyayari.
"Oh? Gising ka na pala?" nagising na siya. Pipikit-pikit pa siya habang kinukusot yung mata niya.
"Oo. Halos kakagising ko lang din." sagot ko.
"Tara, tayo ka na. Breakfast na tayo." sabi niya sabay tumayo. Dire-diretso siyang lumabas ng kwarto habang ako naman ay naiwan dito.
Tumayo na ako at lalabas na sana pero may napansin akong isang bagay na nakasabit sa may dingding ng kwarto niya.
A mask. It's not an ordinary mask. Hindi ito yung tipong ginagamit lang sa mga party. Maganda ang pagkakagawa dito. Mukhang hindi ito rare. Parang yung mga mask na madalas naming makita sa mga crime scene...
"Ano pang ginagawa mo dyan?" biglang pumasok si Kiara.
Agad naman akong tumingin sa kanya at binalewala ang nakita ko.
"Ahh wala. Lalabas na dapat ako e." pagpapalusot ko.
"Labas ka na. Hinahanda ko na yung breakfast." sabi niya tapos ay lumabas na din siya.
Sumunod na ako sa kanya. Umupo ako dun sa dining area. Pinapanuod ko lang siyang magluto habang iniisip yung nakita ko doon sa kwarto niya. Bakit iba ang kutob ko sa maskara na yon? Pero hindi.. malabo. Imposible ang iniisip ko. Hindi naman siguro porque kakaiba ang itsura ay pati si Ms. Kiara ay paghihinalaan ko na rin.
"Oh? Bakit naka tunganga ka nanaman dyan? Ayos ka lang?" tanong niya sa akin habang inaayos yung foods na niluto niya.
"Oo. Uhmm, Ms. Kiara? Sayo ba yung mask na nakasabit dun sa kwarto mo?"
Napatigil naman siya bigla pero agad din namang pinagpatuloy ulit yung ginagawa niyang pagluluto..
"Obvious ba? Nasa kwarto ko nga diba? So malamang sa akin yun." pamimilosopo niya pa.
"Ahh..hehe .. Sabi ko nga." napakamot nalang ako sa batok ko.
"Bakit mo tinatanong? Type mo? Pasensya ka na ha? Gagamitin ko mamaya sa concert yun e. Pagkatapos nalang, dun ko ibibigay sayo." then she smiled at me.
"Ah? Hindi na. Natanong ko lang naman. Maganda kasi e."
"Really? I made that one. Hindi kasi naibigay agad yung mask na dapat gagamitin ko mamaya. So gumawa nalang ako." Umupo siya sa harap ko." Kain na tayo."
"Thanks."
*****
"Hindi daw umuwi si Chris kagabi?" tanong sa akin ni Paul.
BINABASA MO ANG
Fine*Furious*Females [The Legends]
ActionMga assassin na ubod ng ganda. At talagang mahuhulog ka sa mga alindog nila. Sila ang F3. The Fine Furious Females.. "Our statement is true then we are FINE, were mesmerizing and hot, and then we are FURIOUS, we are the one..the first... FEMALES"