Chapter 5 : Childhood Enemies

1K 26 5
                                    

 * That was the new member of Black Company. Ryu Kitagawa.--------> 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kylie's POV.

Katatapos lang ng concert nila Kiara. Ang daming dumating. At tulad nga ng sabi ni Kiara, dumating ang black company. Nakita namin sila ni Rancess. Gwapo nga pala talaga sila kapag maliwanag. Lagi kasi namin silang nakakaengkwentro sa madidilim na lugar. Napansin kong kanina pala ay lima silang humarang sa amin sa grand palasyo. Dati kasi aapat lang sila. And that new member is so familiar. Para kong nakita si Yurui. Actually it's not a name. Yurui is a japanese word which means looser. 

When I was nine kase, tinuruan na ako ng daddy na humawak ng mga ninja stuffs. Shurekens, rogue throwers, and my favorite Samurai. Pero hindi ako nagtitrain mag-isa. Lagi akong nilalaban sa mga lalaki. At ang madalas ko ngang nabubugbog ay si Yurui. Siya talaga si Ryu Kitagawa. Nakasanayan ko lang siyang tawagin na Yurui kasi looser siya pagdating sa akin. Lagi kaming nag-aaway. Kahit hindi oras ng training, nagbubugbugan kami. Kahit puro pasa na siya hindi niya pa rin ako inuurungan. Until one day. Nagdecide akong kaibiganin siya. Pero nangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahan na magagawa niya sa akin. 

*Flashback*

 "Ryu, can we talk?" I asked him nicely.

"What do you want?" sagot niya sa salitang hapon, na habang tinatago ang puro pasa niyang mukha.

"Gomen i~tsu te watashi wa kokonīru yo. Watashitachi wa yūjin ni naru koto ga dekimasu ka?"  pag-aalok ko ng kamay ko para makipagshake hands. Humingi ako ng tawad sa kanya sa mga nagawa ko, and also, I asked him if can we be friends.

"Furenzu? Anata ga watashi ni nani o yatta nochi ni? No yume ni!" kasabay ng pagsigaw niyang yun ay ang pag hagis niya sa akin ng shureken. Napuruhan ang tagiliran ko. Pagkatapos ng nagyaring yun ay hindi na muling nagpakita pa ang pamilya ni Ryu sa amin. Sabi nila ay nagtatago daw sila dahil sa nagawa sa akin ni Ryu.

*End Of Flashback*

 Hindi niya tinaggap ang sorry ko. Galit na galit siya. Doon ko lang narealize na sobrang sama pala ng mga pinaggagawa ko sa kanya. Kaya hindi ko siya masisisi kung bakit niya nagawa sa akin yun.

 Gusto ni Dad na ipahunting sila para pagbayaran ang ginawa sa akin ni Ryu. Pero pinigilan ko nalang siya. Sinabi kong hayaan nalang niya. Ako rin naman kasi ang may kasalanan. 

Hanggang ngayon nandito pa rin yung scar na gawa nung shureken na hinagis niya sa akin. At hanggang ngayon nasa akin parin yung shureken. Sa shureken na 'to, dito ko nakuha ang code name ko. Si Ryu mismo ang nag-carve ng name na 'to dito. Ang Dark Luna.

Gustong-gusto ko na siyang makita. Gusto kong magsorry sa kanya. Kaya nga ng makita ko ang bagong member ng black company ay biglang nag flashback sa akin yung mga nangyari. 

"Kylie,tara! Ipapakilala ko kayo sa kanila." tawag sa amin ni Kiara. 

Kaming dalawa lang kasi ni Rancess ang nanuod ng concert niya. Hindi kasi kami pwedeng makita na kaming lima ay sama-sama sa iisang lugar. Kaya kaming tatlo lang ang laging magkakasama.

Sumunod kami ni Rancess. Nagpunta kami sa isang restaurant sa may labas ng MOA. At pagdating namin doon ay nakaupo na ang buong black company sa isang table. Kaya naman umupo na rin kami. Kaharap ko yung bagong member na sinasabi ko. Si Rancess kaharap yung leader nila pero katabi naman niya yung si Joshua. Habang si Kiara naman ay kaharap si Chris at katabi yung isang member. Gets niyo yung pwesto namin?  

Fine*Furious*Females [The Legends]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon