Chapter 19: Love over Vengeance

223 7 0
                                    

3rd Person's POV

 Dinatnang umiiyak ni Wayne si Rancess. Halos madurog ang puso niya ng makita ang babaeng mahal niya. Paano nga bang umabot ang lahat sa ganito? Paano lumalim ng ganoon ang nararamdaman niya para sa babaeng ito?  Hindi ba't binalak niya din itong patayin?

"Rancess, what happened?" nilapitan niya ito. Pinunasan niya ang mga luha ni Rancess.

  He can't bear to see the girl he loves crying over someone who has her heart.

"Alam na nila.. Si Kiara nahuli na. At sigurado akong at this point, nahuli na rin si Cristyn. Wayne.. anong gagawin ko? Hindi ko alam na dadating sa ganito ang lahat!"

    Niyakap lamang niya ng mahigpit si Rancess. Hindi niya alam kung paano ito patitigilin sa pag-iyak. Dahil siya mismo ay nanlulumo sa nakikita niya. Siya si Hawk. He wasn't suppose to be like this. Siya ang makapangyarihang founder ng Empire.

But not anymore. Wala na ang lahat sa kanya. Ang kapangyarihang pasunurin ang lahat. Ang sindikatong binuo niya. Pati ang hangaring gumanti sa F3 ay nawala na rin.

He only have his sister and the girl he loves.

 "Rancess, you know I'll always be at your side. Hindi kita iiwan."

    Nagkatitigan silang dalawa. Iba na ang iniisip ni Wayne sa mga oras na iyon. Nasa harap niya ang babaeng mahal niya. Tinutulak siya ng puso niya para mag-take advantage sa kahinaan ni Rancess. 

  Unti-unti niyang iniangat ang ulo nito at hinalikan niya ito ng marahan. Sumasabay si Rancess sa mga halik niya. Lalong nawala sa sarili si Wayne dahil sa ginawa ni Rancess. Hindi na niya na-kontrol pa ang sarili niya kaya naman inihiga na niya ito sa kama. Nagpalipat-lipat ang halik niya sa mga labi nito at sa leeg ng dalaga.

   Maya-maya pa ay inisa-isa na ring tanggalin ni Wayne ang mga damit ni Rancess. Tuluyan na siyang nagpalamon sa tukso. Hindi na niya napigilan pa ang sarili niya. 

"I love you, Rancess." nasambit ni Wayne bago tuluyang maging isa ang mga katawan nila.

ADVOCATE SERVICES

"Ms. Kiara Lavigne. May offer kami sayo." seryosong sabi ni Maj. Morales kay Kiara na ngayon ay nasa investigation room.

"I don't need your money."  madiing sagot naman ni Kiara.

"Hindi pera Ms. Lavigne. We knew you have all the money you want. Ibang offer ang tinutukoy ko."

   Bumukas ang pinto at mula sa pintong iyon ay pumasok si Anton bitbit ang isa pang kasamahan niya na si Cristyn. Mukha itong nanghihina at para bang mawawalan na ng malay.

"What did you do to her?" gulat na tanong ni Kiara ng makita ang kalagayan ni Cristyn.

"Pampa-kalma lang yan. Sobra kasi siya kung magwala e. Parang hayop." natatawa pang sagot ni Anton sa kanya.

"Damn you! Pag nakawala ako dito, ikaw unang-una kong gigilitan ng leeg!" galit na sigaw nito sa kanya.

"Wag mo nalang pag-aksayahan ng panahon si Anton, Ms. Lavigne." seryosong sabi ni Major Morales kay Kiara, "Now, talking about the offer. Pwede naming bawiin ang mga kaso sa inyo at kalimutan nalang lahat ng ginawa niyo dahil honestly, masasamang tao din naman ang mga pinatay niyo. Pero sa isang kundisyon. Kailangan naming malaman kung sinu-sino ang mga big boss ng mafia. Lahat ng secret files at pati ang head quarters ninyo."

  Ngumisi lamang si Kiara sa kanya at marahang umiling. Sa inasal niyang iyon ay para bang nabigyan na ng ideya ang mga pulis at mga heneral na nakapalibot sa kanila ni Cristyn na wala silang mahihita sa kanya.

Fine*Furious*Females [The Legends]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon