Naglakad ang dalaga papasok sa isang medyo madilim na opisina, at ang tanging may ilaw lamang dito ay ang matandang nakaupo sa swivel chair habang humihithit ng sigarilyo.
“Zahara Ellis Anderson,” sambit nito sa pangalan ng dalaga at bumuga ng usok. Tsaka nito nilagay sa ashtray ang sigarilyo.
Tumayo lang ang dalaga sa harap. Wala kang mababakasan na emosyon sa mukha nito, kahit ang mga mata niya ay walang kabuhay-buhay.
“Hindi ko na papatagalin ang usapang ito, Ms. Anderson. Naging matunog at sikat ang pangalan mo sa buong syudad dahil sa dami ng mga taong pinapatay mo, at alam kong hindi ako nagkakamali na ikaw ang pinili ko.” Ngumisi ito.
Hindi umimik ang dalaga at nanatili lamang itong tahimik.
“Patayin mo si Mayor Cahero,” seryoso nitong sabi. “At syempre, hindi libre ang trabahong ito kaya bilang kapalit ay babayaran kita ng 1 milyon… in cash.” Nanghahamon nitong wika sa dalaga.
Mukhang nakuha naman nito ang atensyon ng dalaga dahil nagkaroon ng kaunting emosyon ang mukha nito na kanina'y blanko lamang.
“Naniniwala ako sa kakayahan mo na pumatay, Ms. Anderson.” Saad nito kasabay ng pagguhit sa isang mapaglarong ngisi sa kanyang may biguting mukha.
“Deal,” she smirked.
Humahalakhak ang matanda na para bang isang demonyo na napagbigyan sa kanyang kagustuhan.
‘This ugly oldman, kung hindi ko lang kailangan ang pera ay hinding-hindi ko ito gagawin.’
Sambit ng dalaga sa isipan at tinitigan ang matanda na ngayon ay parang nakangiting tuta habang umiinom ng alak sa mamahaling baso.
BINABASA MO ANG
I Become A Villainess In My Favorite Novel (On-Going)
FantasyShe was a famous murderer in the shadows. One day, a wealthy mayor wanted to eliminate a rival for his position. They offered her $1 million, so she agreed because she needed money for her sister. But she didn't know that the mayor's enemy already k...