𝐈𝐗

162 8 1
                                    

Third Person POV:

Naglakad ang dalaga papasok sa isang medyo madilim na opisina, at ang tanging may ilaw lamang dito ay ang matandang nakaupo sa swivel chair habang humihithit ng sigarilyo.

"Zahara Ellis Anderson," sambit nito sa pangalan ng dalaga at bumuga ng usok. Tsaka nito nilagay sa ashtray ang sigarilyo.

Tumayo lang ang dalaga sa harap. Wala kang mababakasan na emosyon sa mukha nito, kahit ang mga mata niya ay walang kabuhay-buhay.

"Hindi ko na papatagalin ang usapang ito, Ms. Anderson. Naging matunog at sikat ang pangalan mo sa buong syudad dahil sa dami ng mga taong pinapatay mo, at alam kong hindi ako nagkakamali na ikaw ang pinili ko." Ngumisi ito.

Hindi umimik ang dalaga at nanatili lamang itong tahimik.

"Patayin mo si Mayor Cahero," seryoso nitong sabi. "At syempre, hindi libre ang trabahong ito kaya bilang kapalit ay babayaran kita ng 1 milyon... in cash." Nanghahamon nitong wika sa dalaga.

Mukhang nakuha naman nito ang atensyon ng dalaga dahil nagkaroon ng kaunting emosyon ang mukha nito na kanina'y blanko lamang.

"Naniniwala ako sa kakayahan mo na pumatay, Ms. Anderson." Saad nito kasabay ng pagguhit sa isang mapaglarong ngisi sa kanyang may biguting mukha.

"Deal," she smirked.

Humahalakhak ang matanda na para bang isang demonyo na napagbigyan sa kanyang kagustuhan.

'This ugly oldman, kung hindi ko lang kailangan ang pera ay hinding-hindi ko ito gagawin.'

Sambit ng dalaga sa isipan at tinitigan ang matanda na ngayon ay parang nakangiting tuta habang umiinom ng alak sa mamahaling baso.

"But... " seryoso itong tinitigan ng dalaga sa mga mata.

Nakangisi naman itong tinignan ng mayor at hindi niya lubos akalain na sa likod ng murder case na naganap sa kanilang syudad ay ang babaeng napakaganda at walang emosyong mukha pala ang nasa likod nito.

"Send that money directly to my bank account, to ensure that you're not trying to deceive me. Don't worry, I'm a woman of my word, so I'll still do what we agreed on. I'm just making sure." She said seriously before showing her bank account on her phone.

The old man let out a chuckle and gestured towards the secretary guy. He nodded, and moments later Zahara's phone buzzed with a notification: 'The 1M has been transferred to your bank account.'—

"And I'm a man of my word, Ms. Anderson." He grinned.

I Become A Villainess In My Favorite Novel (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon