Third Person POV:
"Mamayang gabi." Sambit ng isang lalaking nakasuot ng itim na suit.
Bumuga ng usok ang matandang naninigarilyo sa balkonahe bago nito tinapunan ng tingin ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan ngayon.
"Paano ka naman nakakasiguro na mamayang gabi nga pinaplano nilang pagpatay sa akin?" Tanong nito gamit ang malalim na boses.
"Hindi po ako nagkakamali, at alam kong kahit anong oras man mamayang gabi ay pupunta ito upang patayin ka." Pahayag nito.
Tumatango-tango naman ito bago ibinigay ang kanyang sigarilyo.
"Kung ganon, kailangan ko na palang ihanda ang aking mga tao mamayang gabi. Dahil kagaya ng sinasabi mo ay hindi basta-basta ang taong papatay sakin." Ngumisi ito.
"Tama po kayo." Pagsang-ayon nito sa matanda.
Humahalakhak naman ito na animo'y nasisiyahan siya sa tao na kanyang kaharap ngayon.
"Tataasan ko ang iyong sahod basta ipatuloy mo lang ang iyong ginagawa." Sabay tapik nito sa braso.
Masaya namang tumango ang lalaki.
"Makakaasa po kayo!" malakas nitong sabi.
***
Zahara POV:
Dumaan muna ako sa hospital at binayaran ang bills, tapos kinausap ko na rin ang doctor tungkol sa gamot na ituturok nila kay Carol. Lahat binayaran ko na para wala ng problema. Malaki pa ang perang natira kaya binigay ko sa ina ko ang iba para sa gastusin nila sa bahay at sa ibang kailangan. Labag man sa loob ko pero tanging siya lang ang taong pwedeng mag-alaga at makasama sa kapatid ko.
Tapos ang natira naman ay ibinilin ko ito sa isang taong pinagkakatiwalaan ko at ang perang ito ay para rin sa mga kapatid ko. I trust this person dahil kapag gagawa siya ng kalokohan ay ako mismo ang papatay sa kanya.
I'm not sure if I'll be able to come back, because this is the first time I've been ordered to do something like this, and for someone who's not just an ordinary person. Ginastos ko na rin ang pera kaya kahit hindi ko alam kung makakaalis pa ako ng buhay pagkatapos o walang kasiguraduhan na magtatagumpay ako sa paggawa nito, tutuparin ko pa rin ang usapan.
I'm still human after all, not an immortal na walang kamatayan.
The hell I care? Bakit pa ba ako takot mamatay kung sa simula pa lamang ay kasa-kasama ko na ito?
"A-Anak, mag-iingat ka." Rinig kong sambit ng aking ina sa tabi.
Iba talaga magagawa ng pera, no? Biglaan ka nalang babait, pathetic.
"Alagaan mo ang mga kapatid ko, kung ayaw mong pati ikaw ay kontrahin ko." Malamig kong saad.
She's aware of what I'm capable of doing kaya dapat lang na matakot siya sa anak niyang kriminal.
Walang nakakilala sa akin dito sa hospital dahil balot na balot ako tapos nakasuot ako ng eyeglasses upang matakpan ang mukha. Pangalan lahat ng aking ina ang aking ginamit sa mga filling of forms kaya iwas na rin sa atensyon.
"I need to go" Huling sabi ko dito bago nilisan ang lugar.
Biglang pumasok sa isipan ko ang imahe ng aking mga kapatid.
'Don't be a crying baby, Zahara. You're a cold-hearted and murderous person so you don't deserve those tears from your eyes.'
BINABASA MO ANG
I Become A Villainess In My Favorite Novel (On-Going)
FantasyShe was a famous murderer in the shadows. One day, a wealthy mayor wanted to eliminate a rival for his position. They offered her $1 million, so she agreed because she needed money for her sister. But she didn't know that the mayor's enemy already k...