Third Person POV:
Nagising ang ama ni Valeska dahil balak nya sanang tignan ito sa kwarto kung natutulog na ba ito o hindi. Ngunit ng makarating sya sa silid nito ay walang bakas ni Valeska sa loob, kaya nagsimula na namang kumunot ang noo nito dahil alam nyang saan na naman ito pupunta.
Binigyan nya ito ng border pass para makalagpas sa tatlong border bago makaratimg sa Phoenix Crest. Tinawagan nya ang kanyang mga taohan na nagbabantay sa gate ngunit walang sumasagot dito, kaya sya na mismo ang bumaba para puntahan ito.
Pagkadating nya sa labas ay napatigil sya dahil hindi nya inaasahan na makita ang mga taohan nyang nakahandusay na nga'yon sa lupa at wala na itong malay. Hindi ito basta-basta dahil sinadya nya talagang mag-lagay ng mga taohang kaya protektahan ang mga taong magtakang pumasok sa mansyon para gumawa ng masama at para na rin sa seguridad ng kanyang anak na si Valeska.
Sa isip nya ay baka dinukot ang anak nya dahil kahit kailan ay hinding-hindi kaya ng dalaga na makipaglaban at gumamit ng armas kaya impossible na kagagawan ito ni Valeska.
He knew many people disliked his daughter because of her behavior, making her a target.
"I need to call that bastard!" he said fiercely, grabbing his phone from his pocket.
***
Nakatali ang tatlong lalaki habang nakadapa ito sa malamig na sahig na para bang isang uod.
Nakaupo ang dalaga sa isang couch habang naka ekis ang dalawa nitong paa at nilalaro sa kamay nya ang shotgun.
'Mukha talagang mga asong ulol. Is it fun?'
Saad nito sa isipan habang walang ekspresyon na tinignan ang tatlong lalaking nagwawala sa sahig.
"The game is just simple; it's only between your life and those women." Pahayag nito sabay turo sa tatlong babae na halos hubad na dahil sa suot nitong mga damit at sinamahan pa ng mga kolorete sa mukha.
Itinukod ng dalaga ang dalawa niyang siko sa binti tsaka nito nginisihan ang tatlong lalaking wala ng mga saplot.
"All you have to do is use your body like a worm until you reach those b*tches right there; I'll count until 50, but if you can't make it, then I'll blow your heads off—in front of these people." Anunsyo nito habang walang kabuhay-buhay na tinignan ang tatlong lalaki na nagsimula ng pawisan at mamutla.
Kahit ang mga tao na nasa paligid ay nakaramdam ng takot at kaba para sa buhay ng tatlong lalaki na nakadapa sa malamig na sahig habang nakagapos sa likurang bahagi ang mga kamay nito at nakatali rin ang mga paa nito.
"T-That's impossible!"
"They can't make it; 50 counts is not enough!"
"Ang layo pa ng gagapangin nila tapos mahirap rin gumalaw na katawan mo lang ginagamit mo."
"Gusto ko ng lumabas, natatakot ako."
"That's V-Valeska, right?"
"Why does she act like this? Nakakatakot na nya tignan tapos ang lamig ng boses nya, kahit ang mukha nya ay wala kang mababakasan na emosyon."
"She looks different!"
"She looks like a monster!"
"Napaka brutal nya!"
"Maybe she's just acting like a strong girl?"
"Dahil lang sa kahihiyan na ginagawa nya, di ba?"
"Pero, paano kung hindi talaga? Look closely; ibang iba na sya sa dati, nakakakilabot ang dala nyang aura."
'Yes, you should fear me. I can kill you there within a second if you won't stop talking nonsense.'
Inis nitong sambit sa isipan.
Nang magsimula ng magbilang ang dalaga ay nagmamadaling gumapang ang tatlo na para bang namamahala na sila at ang nasa isipan lamang nila ngayon ay kung paano mabuhay habang kasama ang babaeng mas masahol pa kay judas.
"20"
Napahikab ang dalaga habang tamad na tinignan ang tatlo na hindi pa nakalahati mula sa kanilang pag-gapang.
"35"
Pawisan at maputla na ang mga mukha nito.
"40"
Nagsigawan naman ang mga taong nanonood, hindi dahil sa saya at pagkahumaling kundi sa kaba na kanilang nararamdaman para sa tatlong gumagapang sa sahig.
"45"
Dahan-dahan gumuhit ang mapaglarong ngisi sa mukha ng dalaga matapos makitang lumuluha na ang tatlong estranghero sa labis na kaba at takot.
"49"
Itinaas ng dalaga ang shotgun tsaka ito kinasa ng tatlong beses.
"This is the consequence of your actions, Bastard." Malamig nitong sambit bago ipinutok ng pangatlong beses ang shotgun na tumama sa kanilang ulo.
"Aahhhhhh!"
Sigaw nilang lahat at agad na lumabas sa bar matapos dumanak ang dugo na nanggaling sa tatlo.
"Serves you right," sabi nito at agad na dumaan sa likurang bahagi nitong bar.
BINABASA MO ANG
I Become A Villainess In My Favorite Novel (On-Going)
FantasyShe was a famous murderer in the shadows. One day, a wealthy mayor wanted to eliminate a rival for his position. They offered her $1 million, so she agreed because she needed money for her sister. But she didn't know that the mayor's enemy already k...