Zahara POV:
Lunch time na kaya ginamit ko rin ang oras na ito para dumaan sa principal office dahil dinisturbo lang ang pagtulog ko kanina sa klase para lang dito.
Baka napapagod na sila sa akin dahil panay tulog at parang wala lang akong pakialam kung nasa paaralan ba ako o wala.
Hindi na ako kumatok pa at agad nalang pumasok sa loob. Tinamad lang.
"Knock on the door next time, Ms. Anderson," she said with a stern tone.
Matanda na kasi kaya ganyan na.
Umupo ako sa upuan na nasa harap at tamad itong tinignan. I don't have enough sleep kaya tamad nalang lahat sakin ngayon. Pupuntahan ko pa mamaya ang trabaho na pinasokan ko. Kailangan ko nang makahanap ng pera para sa gastusin sa hospital at pagkain namin lalo na't may gamot silang dapat itinurok kay Carol.
Dapat talaga ang bwesit na Tesa ang nagbabayad sa hospital at nagbibigay ng pagkain. Kapag, hindi ako makapasok sa trabaho, talagang susulongin ko siya sa kanila para sabihin na kasalanan ng anak niya kung bakit nasa hospital ang kapatid ko ngayon. Kung gusto niyang sumama sa anak niyang nasa kailaliman, walang problema dahil malugod kong tatanggapin ang hinihiling niya.
"Ms. Anderson, marami na ang nagre-reklamo na mga subject teacher mo dahil tinutulogan mo lang sila kahit sa oras ng klase. At isa pa, hindi ka pa nakapagbayad ng tuition fee mo. Malapit na ang final exam nyo. Kaya napagdesisyonan nalang namin na e-drop out ka sa klase dahil ilang beses kana pinag-sabihan ng iyong class advisor ngunit hindi ka nakikinig at para ka lang walang pakialam." Mahaba nitong pahayag.
"That's all?" I yawn.
Nakanganga naman ito na para bang hindi nya inaasahan ang isasagot ko matapos niyang mag-aksaya ng laway.
Ano ba magagawa ko kung e-drop out nila ako? As if, namang ipagpilitan ko ang sarili ko sa paaralang ito kung panay reklamo naman. That's their job, to give a little patience and help their students. Hindi lahat pareho-pareho ang estado ng buhay kaya sana naman ay consider na nila sana 'yon. Public school nga pero may pa-tuition silang nalalaman, kaya nga public school dahil pagmamay-ari ito sa gobyerno upang bigyan ng oportunidad ang mga taong tulad ko na makapag-aral dahil kapos sa pera. Tapos may idadahilan naman sila kung tinanong mo. Kaya mas mabuti nalang ganito, mag-trabaho nalang ako para sa mga kapatid ko at sa 'kin. Bahala na yung mga magagaling kong magulang, nabubusog na daw sila sa pagmamahal at babae, bwesit.
"Wala ka ng sasabihin tanda? Aalis na ako, huwag mo nalang sayangin laway mo dahil wala namang kwenta ang pinagsasabi mo, paulit-ulit nalang." Walang gana kong saad sa kanya at walang emosyon itong tinitigan.
"A-Aba.. Bastos kang babae ka! Wala ka talagang respeto!" bulyaw nito.
Tumayo ako at padabog kong nilagay ang dalawang kamay ko sa kanyang mesa, halos mapatalon siya sa gulat. Matalim ko itong tinitigan.
"Ang respeto ay hindi hinihingi o hinihiling, kusang itong ibibigay sa mga taong karapat-dapat respetohin." Malamig kong wika, habang diretso ang tingin sa kanyang mga mata.
Lumayo naman ito at kinabahan akong tinignan. Akala nya siguro hindi ko alam na, ginagastos nya ang pera sa paaralan para sa sariling luho.
"T-Tatawag ako ng guard!" Pananakot nito.
Tsk, kahit pulis pa 'yan... wala akong pakialam.
Umayos ako ng tayo, ngumisi ng bahagya, tsaka ito malamig na tinapunan ng tingin bago naglakad palabas.
"Life is too short, kaya mag-enjoy kana habang mas maaga pa." makahulogan kong sabi na hindi ito nilingon tsaka tuloyan ng lumabas sa office.
BINABASA MO ANG
I Become A Villainess In My Favorite Novel (On-Going)
FantasyShe was a famous murderer in the shadows. One day, a wealthy mayor wanted to eliminate a rival for his position. They offered her $1 million, so she agreed because she needed money for her sister. But she didn't know that the mayor's enemy already k...