PASIPOL-SIPOLPA SI si Bea nang pumasok naturang coffeeshop. Masaya kasi siya sa mga nakulimbat niyang freebies at merchandise mula sa katatapos lang na anime convention na pinanggalingan niya. Actually, dalawang oras na mula nang matapos ang convention pero nag-stay pa siya ng medyo matagal para makipagkuwnentuhan sa mga kakilala niyang cosplayers at mga naging kaibigan through internet forums and chatrooms ng mga gaya niyang adik sa Japanese animes.
Matagal-tagal na rin mula nang maka-attend siya sa ganong event sa dami ng naging projects niya nitong mga nagdaang buwan. Highschool pa lang kasi siya ay kinahiligan na niya ang manood ng mga animes hanggang sa makakilala nga siya ng ibang tulad niya ng kinahihiligan. May mga ino-organize na anime events paminsan-minsan ang mga organization na kinabibilangan niya. Suki siya ng mga ganong events at ilang beses na rin siyang nag-participate noon as a cosplayer. Nag-lie-low lang siya sa mula nang makapag-trabaho siya pero she made sure na minsan ay nakakapunta siya para na rin sa katinuan niya.
Nakakabaliw kasi mag-adulting.
Naka-pila na siya sa counter nang mapansin niya ang tila magkasintahan na nagtatalo sa unahan niya.
"Bakit ka ba selos nang selos? E sinabi ko naman sa iyo na magkaibigan lang kami ni Millie."
"Magkaibigan? May magkaibigan ba na magka-holding hands. Tigilan mo ako, George, ha? Kitang-kita ko kayo kanina. Ang sweet-sweet nyo ng Millie na iyon."
"Ano ba ang nakita mo? Magka-holding hands kami? Kino-comfort ko lang naman siya dahil nag-break sila ng boyfriend niya."
"Okay. Kino-comfort mo siya. Bakit kailangan mong hawakan ang kamay niya? Hindi ba puwedeng tapik-tapikin mo lang siya sa braso o kaya sa balikat? Holding hands talaga?"
"Wala namang malisya dun. Ikaw lang dyan ang selos nang selos."
"Walang malisya sa iyo. Pero sa akin, meron. At sinasabi ko na sa iyo ngayon iyon kaya huwag mo nang uulitin iyon. Para hindi tayo nag-aaway ng ganito."
"Ewan ko sa iyo. Bahala kang magselos dyan. Basta wala akong ginagawang masama."
"Kung ako ang may ka-holding hands na ibang lalaki, magseselos ka rin naman, ah."
"Hindi ako magseselos. Hindi ako kasing babaw mo mag-isip."
Gustong sapukin ni Bea ang damuhong lalaki. Alam na ngang nagseselos ang girlfriend, wala pang pakialam. Hindi man lang nanunuyo. Ang mga lalaki talaga kahit kailan, mga gago.
Inayos niya ang suot na silver wig na hindi pa niya inaalis. Iyon ang 'costume', together with a blue private highschool uniform na ginawa niya mula sa anime na Ouran Highschool Host Club. She cosplayed as the hero of the anime, since matangkad naman siya at effective niyang naitago ang dibdib niya. Kaya kahit hindi siya masyadong nag-effort sa makeup, madali niyang nai-pull off ang naturang character.
"Hindi ako mababaw. Siguro, hindi mo lang talaga ako mahal."
"Hay, hayan ka na naman sa mga drama mo."
"Wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ko..."
Napatingin kay Bea ang babae nang hawakan niya ang kamay nito. Napatingin din sa kanya ang boyfriend nito.
She just smiled at the girl. "Sige lang, mag-away lang kayo. Kapag nag-break kayo, I'll be here. You can cry on my shoulder."
Nagtataka man at nalilito sa nangyayari, hindi binawi ng babae ang kamay nito. In fact, she even held on to Bea's hand even more.
Napangiti na lang si Bea. "You'll be fine."
"Thank you..." The girl gave her a bashful smile. "Ang cute mo..."
Biglang hinila ng boyfriend nito ang kamay ng kasintahan mula kay Bea. "Gago ka ba, pare? Girlfriend ko 'to."
Itinulak siya ng lalaki. Hindi iyon napaghandaan ni Bea kaya napaurong siya nang wala sa oras. Good thing may sumulo sa kanya mula sa likuran niya.
"Bawal mag-away dito. Mahiya kayo sa akin."
Napalingon si Bea sa may-ari ng boses na sumalo sa kanya. The guy was tall, and insanely handsome. Sanay siyang makakita ng mga guwapo dahil sa trabaho niya sa modelling at photography world. Pero ito ang unang pagkakataon na naka-engkuwentro ng lalaki na nakapagpahang sa kanya nang husto dahil sa kaguwapuhan.
Because he looked freakinly like her favorite otome game character. The hair, the smug-a-little-bit-irritated look, his black long-sleeve polo and black trouser pants. And that insane body proportions...
He was so hot I wanna cry! Ambango pa, putek!
"Mind your own damn business."
Malakas na napasinghap si Bea nang literal siyang banggain ng damuhong lalaking kausap niya kanina. Hila na nito palabas ng coffeeshop ang girlfriend nitong nakangiti na palingon-lingon pa sa direksyon nila.
"Serves you right. Nakikialam ka kasi sa relasyon ng may relasyon, at sumisingit sa usapan ng may usapan."
Binalingan ni Bea ang lalaki. Ang pogi talaga kahit atrimitido.
Naalala niyang nasagi nga pala siya nung lalaki kanina.
"Ouch..." Hinawakan niya ang balikat na nasagi saka umurong sa lalaki para magpatulong.
But the man suddenly held her other shoulder to stop her from coming near him. "Keep your distance, boy. We're not on the same league."
"Same...league...?"
"Mayaman ako. Ikaw, estudyante pa lang. Bulakbol pa. Alam mo ba nung nasa ganyang edad ako...teka, ilang taon ka na ba? Nineteen? Eighteen?"
Twenty seven. "I'm twelve."
"Bulakbol na, sinungaling ka pa. Not to mention, pakialamero at kontrabida sa mga may lovelife. Pinakyaw mo na lahat ng kalokohan sa mundo. Nung nasa ganyang edad ako, National Quiz Bee champion na ako." Pinukpok pa nito sa ulo ni Bea ang bitbit na nakabilot na papel. "Kaya magbagong buhay ka na, ha? Kung gusto mong makuha kahit maliit na porsyento ng kapalaran ko."
'Lakas ng hangin ng isang 'to. Buti na lang pogi. "Since mayaman ka naman, boss, ilibre mo naman ako ng drinks. 'Yung venti."
He looked like he just saw a human being for the first time. "'Lakas ng loob mo, boy. Anong akala mo sa akin? Bobo?" He pushed her aside and went to the cashier. "Forty."
"Sir?"
"My order. Forty."
"Forty na ano ho?"
"What do you mean? I said 'forty'. That boy just said he wants a venti. I'm asking for two ventis. So that's forty. Correct?"
"Eh..."
Ambobo amputek!
BINABASA MO ANG
UNTITLED
RomanceBea loves to cosplay. But one day, she decided to cosplay as her favorite support doll on a Halloween costume event where she accidentally met Carlo, who thought her doll had cursed him when he touched the said doll the first time they met where she...