“TRICK OR TREAT!”
Napangiti si Bea nang makita ang mga bata sa harapan ng bahay ng mga Samaniego. Naka-full costume ang mga ito na mas lalong nagpa-cute sa mga bulinggit nilang kapitbahay. Bonus points pa ang ginang ng tahanan ay naka-full costume din in her inflated T-Rex costume while handing out candies to the kids.
Nang paalis na ang mga bata, pasimpleng nagtago si Bea sa gilid ng gate. And when the kids went out one by one…
“Booo!”
Kanya-kanya na ng pulasan ang mga ito habang hindi magkamayaw ang sigawan at tawanan. Pati ang mga kasamang alalay at yaya ng mga bata, natatawanan na lang din habang hinahabol ang mga alaga.
“They’re so cute scrambling like that,” wika ni Tita Pretzel, still in her dinosaur costume, watching the kids ran in every direction. “I miss those days when my kids were still easy to fool. Ngayon, ni hindi ko na sila mautusan na isuot ang mga paborito kong ipasuot sana na costumes sa kanila.”
“E kasi naman, Tita Pretzel, nasa college na ang kambal mo at si Diosa e prinsesa na ng kaartehan.” Her youngest daughter was already seventeen. Mahirap na nga naman iyon pangunahan pagdating sa fashion.
“Ikaw ba ‘yan, Beatrice?”
“Yes, Tita. Hinahanap ko sina Trigger at Jigger. May itatanong lang sana ako.”
“Naku, kasama ng tatay nila. May ipapa-assess daw na bago niyang prospect na business partner.”
“Ngayon? Habang nasa kalagitnaan ng katatakutan ang buong village? The twins were missing out on one of the best moments in their lives.”
“Hindi naman. Nandito lang din naman kasi sila sa village.”
“Huh?”
“Dito sa village ang meetup nila. Itinapat talaga ni Alec ang meeting na iyon ngayong gabi para daw maturuan ang kambal namin na huwag masyadong maging conventional pagdating sa business approach in the future kapag sila na ang nagma-manage ng family business namin. Well, business nila, since may sarili akong business. Na alam kong walang magmamana dahil ang aking tanging pag-asa na maging veterinarian na gaya ko e mukhang sa Paris ang bagsak.” Eksaherado pang bumuntunghininga ang dinosaur.
“Ganyan talaga ang buhay, Tita Pretzel. Merong mga itinakdang maging milyonaryong negosyante at meron namang itinakdang maging maganda lang. Por ehemplo…aherm!”
“But my Alec said you were a business genius yourself. Naaalala ko pa ‘yung mga kuwento niya tungkol sa iyo nang mag-internship kayo ni James sa kumpanya niya noon bago ka lumihis ng landas.”
“That was a long time ago, Tita. At masaya naman ako sa sa career ko habang hindi kumukupas ang ganda.”
Binalingan lang siya ng inflated dinosaur. “I can’t see your beauty right now, but I can feel it. You go, hija! Ay, speaking of destined to be maganda…nasaan na ba ang unica hija kong destined maging bulate?”
“Bulate…?” Napasigaw nang wala sa oras si Bea nang maramdaman ang kung anong humawak sa paa niya. Muntik pa siyang matumba nang mawalan ng balanse dahil sa gulat.
Natawa na lang si Tita Pretzel habang may isa pang tumatawa mula kung saan. That was when Bea realized the other entity that was laughing was the ‘bulate’ wriggling on the ground a few feet from her.
“Congratulations, my beautiful dawter. May isa ka nang biktima sa dalawang oras mong paggulong-gulong dyan sa garden.”
“Si Diosa ang bulateng ‘yan?”
“Yes po,” sagot ng bulate nang mag-angat ito ng mukha. “Hi, Ate Bea! Ayos ba ang costume ko? Puwede na kaya ako sa mga cosplay conventions ninyo?”
Nag-thumbs’ up lang si Bea habang tila gusto na lang tuloy niyang mamaluktot sa kinalulugmukhan niya ngayon sa sobrang lakas ng kalabog ng dibdib.
“Mommy, help me up.”
Napalitan ng tawa ang kaba ni Bea nang makita ang nagtutulungang mag-ina. Pinipilit kasi ni Tita Pretzel na tulungang makatayo ang anak using her little T-Rez arms. But mother is mothering because Tita Pretzel still managed to successful helped her daugther up despite the funny struggle.
“Pero ikaw, Ate Bea, bakit ganyan lang ang costume mo? For a former professional cosplayer, you’re getting boring na yata.”
“Ah, nawalan na kasi ako ng time para gumawa ng costume. Busy na ako masyado sa trabaho, eh.”
“Kaya ‘yang kurtina ng Tita Czarina mo ang hinablot mo na lang at isinaklob sa sarili mo,” natatawang komento ni Tita Pretzel.
“Si Tita pa nga po ang nag-suggest nito,” tukoy niya sa kulay puting kurtina na suot niya as a wandering ghost. “Para daw hindi na ako mahirapan mag-isip ng costume.”
“Effective naman, Ate Bea. Nakita ko kung paano mong na-terrorize ang mga bata kanina. Next year, black lady ka naman.”
“Bet.”
“Mommy, paki-scratch naman ang likod ko. Kanina pa ako kating-kati, hindi ko naman makamot dahil sa costume ko.”
“Hubarin muna natin ang suot mo.”
“Hindi na, Mommy. Scratch mo na lang dito sa bandang kaliwa ng likod ko…”
Pinanuod na lang ni Bea ang mag-ina. At parang ginapang ng munting inggit ang puso niya habang pinagmamasdan ang mother-and-daughter moment ng mga ito. Naaala kasi niya ang parehong klase ng pag-aasikaso ni Tita Czaria sa kanila ni James noong mga bata pa sila. She could barely remember those kind of moment with her biological parents because they died when they were really young. Pero ‘yung mga panahong inaalagaan sila ni Tita Czarina at Tito Harold, hindi niya iyon makakalimutan. At lagi niyang maalala tuwing makakakita ng mga mag-ina na may ganong klase ng relasyon. Tulad nina Tita Pretzel at Diosa nang mga sandaling iyon.
She missed those days. But life happens and everyone gotta grow up with time.
Makapag-lambing nga kay Tita one of these days gaya noon. Nakaka-miss na rin kasi.
BINABASA MO ANG
UNTITLED
RomanceBea loves to cosplay. But one day, she decided to cosplay as her favorite support doll on a Halloween costume event where she accidentally met Carlo, who thought her doll had cursed him when he touched the said doll the first time they met where she...