Chapter 7

204 13 0
                                    

“Ate! Open the damn door!”

“Manigas ka dyan! Ako pa ang sesermonan mo? Mas matanda ako sa iyo!”

“Isusumbong kita kina Mama!”
“E di magsumbong ka! Sumbungero!”

Napa-praning na si Carlo sa kadiliman ng kanyang silid. “Buksan mo ang pinto, Ate!”

“No.”

“Hi. Nandyan si Carlo?”

Saglit siyang natigilan nang marinig ang tila pamilyar na boses ng isang babae sa kabilang panig ng pinto.

“Si Carlo? Wala. Nilamon na siya ng impiyerno.”

“Help! My sister is trying to kill me!” He heard a thud on the door.

“Huwag ka ngang OA,” wika ng ate niya. “Destiny’s here. Buksan mo na ang pinto. Huwag mong ikulong ang sarili mo dyan, tanga.”

Huh?

Doon lang napansin ni Carlo na pilit pala niyang hinihila ang seradura ng pinto imbis na pinipihit iyon pa-baba para magbukas. Sa sobrang panic niya, nawala na sa isip niya ang mechanics ng pinto ng opisina niya.

He finally opened the door and was greeted by the majestic light of the employees’ office. Napabuntunghininga na lang siya saka binalikan na ang switch ng ilaw ng kanyang opisina para i-on iyon.

“Seems like you and your sister were having a good day today.”

Elegant, pristine, formal and beautiful Destiny San Cristobal was now standing inside his office. Wala na rin ni anino ng magaling niyang Ate Cindy.

“You could say that.” Iminuwestra niya ang isang silya. “Have a sit.”

“Hindi na. Hindi rin naman ako magtatagal. Nagpunta lang ako rito para kausapin ka saglit.”

“About…?”

“Our arrangement.”

Ah, yes. Their arrangement. Engaged na nga pala sila nito, salamat sa pangunguna ng kani-kanilang magulang. “Okay. What about it?”

“We both know we don’t want this marriage. Pero hindi ibig sabihin nun ay hahayaan na lang kitang magpatuloy sa lifestyle mo.”

“My lifestyle?”

“I don’t know much about you. I only know about your family’s business. Kaya pina-imbestigahan kita at nalaman ko ang kaliwa’t kanan mong mga babae. Now that we’re engaged, gusto kong ayusin mo ang reputasyon mo.”

“Okay…?”

“Kung hindi lang dahil sa parents ko, wala na akong pakialam kung maging fuckboy ka man ng bayan. Pero ayokong bigyan ng alalahanin ang mga magulang ko tungkol sa magiging future ko sa iyo so I want you to drop all the women you’re involved with at the moment.”

He just smirked.

This woman was so assertive, aakalain ng sinomang makakakita o makakausap ito na kontrolado nito ang lahat sa buhay nito at mga tao sa paligid nito. But nope, she’s far from that. Dahil isa rin itong kalahi ng Ate Cindy niya.

Exuding female power pero tiklop sa mga magulang. Unang kita pa lang niya rito sa formal dinner event na iyon ng kanilang pamilya para sa announcement ng engagement nila, alam na agad ni Carlo kung ano ang personality nito.

Destiny was the only daughter of her billionaire parents. He has one older brother who has already taken over much of their family’s shares in their corporation. Pero gaya rin nito ang sitwasyon ng ate niya. Mas malala pa nga siguro ang lagay nito kaysa sa Ate Cindy niya, because Destiny’s family-owned corporation was mostly composed of top male executives and shareholders known for their strong patriarchal mindset.

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon