Part 2

203 10 0
                                    

"Dalawang venti, Miss." Si Bea na ang humarap sa cashier. "Isang mocha frappe at isang...ano order mo, boss?"

"Americano."

"Na venti?"

"No. Just one."

Bilib din si Bea sa angas ng lalaking ito kahit may pagkatanga. Bawi-bawi na lang sa face value.

Hinarap na uli niya ang nasa cashier na halatang nagpipigil sa pagtawa. "At isang tall americano, Miss."

"I hope you're not really ordering tall American men over the counter here..."

"Parang awa mo na, boss. Huwag ka na lang magsalita. Please."

"I'm kidding. Also, I'm older than you. Hindi ka pa nga nakaka-graduate ng highschool, ganyan ka na kung makapagsalita sa nakatatanda sa iyo."

"At least hindi ako aanga-anga sa Starbucks," pabulong niyang sagot.

"Ano kamo?"

"Wala. Bayaran mo na."

"Wala kang galang. Dapat siguro bumalik ka sa elementary para mas madikdikan ka sa values subjects dun," sagot ng lalaki sabay abot ng black card sa nasa cashier.

There was a little buzz with the other crew as they gather around the cashier. Lahat nakikisilip sa hawak nitong card.

Na-amaze din siguro sila sa black card. Not gonna lie, sayang ang lalaking 'to. Guwapo at mayaman sana kaso...

"Miss, pakibilisan na lang 'yung order namin."

"Ah, yes, Sir." Agad na inasikaso na ng crew ang payment saka ibinalik agad sa lalaki ang card nito. "Anong pangalan ninyo, Sir?"

"Bakit?"

"Ah...para po ilagay sa cup at iyon ang tatawagan pag okay na ho ang order ninyo."

"Ah. Boy, anong pangalan mo?"

"Bea."

"Bea daw, Miss."

"Bea ang pangalan ninyo, Sir...?" tanong ng crew kay Bea.

'Yung lalaki uli ang sumagot. "We're living in an equal society. Let's not descriminate people just base on their names. Carlo na lang ang ilagay mong name dyan. It's my name."

"Okay po. Pakihintay na lang po sa side na tawagin ang pangalan nyo, Sir."

Nauna na si Bea sa kabilang dulo ng counter kung saan ibinibigay ang mga order. Sumunod sa kanya ang lalaki na napansin niyang tila may kung anong pinagkaka-interesan sa likuran niya.

"Thanks sa libre."

"Walang anoman."

"Bakit mo nga pala ako inilibre?"

"Because you comforted that woman earlier. That was a nice gesture for someone as young as you so I just wanted to reward you for being such a gentleman."

Naisip ni Bea na itama ito tungkol sa totoong gender niya. But he looked so handsome and so perfect, na gusto niyang kahit paano ay magkaroon ito ng konting flaw sa kahinaan nito sa pag-distinguish sa opposite sex. Para naman kahit paano ay maging fair sa sangkalalakihan sa mundo.

Tumango-tango lang siya. "So...first time mo ba sa Starbucks?"

Heto pa ang isa nitong flaw. Ang pagiging ignoramus sa ilang bagay.

"Yes. Although I heard a lot about this coffeeshop from our employees. I just didn't have the chance to go to one of their stores. Ngayon lang."

"Ilang taon ka na?"

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon