Chapter 10

99 8 0
                                    

“Ate Bea, parating na pala si Elvis. Kaya kanina pa kita hinahanap. Ano na ang plano natin?”

“Anong plano?” tanong ni Diosa. “Sino si Elvis?”

“Taksil na syota ni Rebecca na gusto na niyang idispatsa pero nahihiya siya.”

“May boyfriend ka na?!” baling ni Diosa kay Becky.

Diosa was just seventeen, Becky was nineteen, and Bea’s twenty seven. Pero dahil sa iisang village lang sila lumaki kaya hindi sila awkward sa pakikitungo sa isa’t isa. Kumbaga, barkada lang sila kahit magkakaiba ng edad. Si Lexa lang ang may big deal pagdating sa age gaps. Kaya nga  barkada ang turing niya kina Becky at Diosa, and vice versa. For them, as long as alam ng isa’t isa ang mga boundaries, lalo na pagdating sa mga nakatatanda sa kanila, cool lang silang lahat dun.

“Wait. Alam ba nina Tita Rhome at Tito Byron na may boyfriend ka na, Bekya?”

“Siyempre, hindi,” sagot ni Bea. “Dahil kapag nalaman ng parents niya na hinahayaan niyang pagtaksilan siya ng ganon ng boyfriend niya, lagot ang lalaking iyon.”

“At lagot rin kamo si Bekya. Hindi ba’t muntik ka nang bumagsak sa isang subject mo last semester?” tanong ni Diosa kay Becky. “Narinig ko sa usapan nina Mommy at Tita Rhome. Dahil sa boyfriend mo iyon, ano? Nakuuuu, lagot ka talaga, Bekya.”

“Bumagsak ka sa subject mo?” baling din ni Bea kay Becky. “Dahil lang sa lalaki?!”

“Oo na, oo na. Kasalanan ko na. Kaya nga makikipag-break na ako, ‘di ba? Kaya nga, Ate Bea, ano na ang palano mo ngayon para sa breakup scene ko?”

“Bakit kailangan mo pa ng tulong ni Ate Bea para lang makipag-break?”

“Exactly,” sagot ni Bea. “Pero kalma ka lang dyan, dear bulate. Kailangan ni Becky ng bonggang breakup para makaganti siya sa panloloko sa kanya ng sira ulo niyang boyfriend.” Pagkatapos ay inalis na niya ang nakasaklob na tela sa kanya.

She was smoothening her denim jacket and shirt underneath when she noticed the two girls suddenly got silent. Pagtingin niya sa mga ito ay nakatunganga lang ang mga ito sa kanya.

“What?”

“Ang pogi mo, Ate Bea…”

They were now openly gushing over her. “Magtigil nga kayong dalawa dyan. Para kayong ngayon lang nakakita ng pogi.”

“Maraming pogi dito sa Rancho Estate, Ate Bea,” sagot ni Diosa. “Pero ngayon lang kami nakakita ng poging…babae…”

“Ang guwapo rin ng boses mo, Ate Bea. Paano mong nababago ang boses mo…?”

“Siyempre, batak ako sa vocal training ng mga ka-tropa kong voice talent noon,” buong pagmamalaki niyang sagot. “Kaya sisiw na lang sa akin ang magpanggap na lalaki sa mga cosplay events dati.”

“Ang pogi talaga…"

“Kung naging totoong lalaki ka lang sana, Ate Bea, sasabihin ko talaga kina Mommy at Daddy na ipagkasundo nila ako sa iyo.”

Bea just dismissed Diosa’s comment. “Okay, eto ang plano natin pagdating ni Elvis, Becky. Magpapanggap tayong mag-syota sa harapan ng kurimaw na iyon. Kapag nagalit siya, tapatan mo ang galit niya saka mo sabihin na alam mong siya ang unang nagtaksil sa inyo kaya quits na lang kayo ngayon. Saka mo sampalin, o kaya suntukin mo para mawasan ang naging stress mo dahil sa ginawa niya sa iyo.”

“Pasampal din ako sa kanya, Bekya.” Kumapit pa si Diosa nang mahigpit sa braso ni Bea.

“Sure. Pero tabi dyan.” Becky pushed Diosa away from Bea, then cling onto Bea’s arm herself. “Let’s go, baby.”

“Huy! Pasali sa mga pangarap nyo.” Sa kabilang braso ni Bea kumapit si Diosa.

“Bitiwan nyo muna ako at hindi ako makalakad nang maayos. Baka madapa ako sa kagagawan nyo.” They did let her, but stayed close by her side. Inakbayan na lang niya ang dalawang makulit na tuwang-tuwa naman. “Ito na lang kaya ang gawin nating theme ng Halloween costume natin? Isang pogi na may mahiwagang relasyon sa isang may Tic-Tac-Toe sa noo at isang tubol?”

“Sinong may Tic-Tac-Toe sa noo?” tanong ni Becky.

“Ikaw. ‘Lapad pala ng noo mo, e.”

“Ate Bea, stocking lang yan na ginawa kong parang headband para lumapad ang noo ko gaya ni Red Queen.”

“Ah, ganon ba?”

“At isa akong bulate, hindi isang naglalakad na human excrement. Pero payag ako sa proposal mo, Ate Bea. Let’s go on a date tonight.”

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon