“You need taking him out?” Si Elvis ang tinutukoy ng lalaking katabi ni Alec Samaniego.
“Hindi na, Tito Harold. Kaya na namin ‘to.”
“Are you sure? Pero kunsabagay, dalawa naman na kayo diyan.”
“Yes, Tito Aleister. Kayang-kaya na namin ‘to.”
Gusto sanang sumama ni Carlo sa kambal sa pagtatapon kay Elvis, na hindi na rin nagreklamo, sa labas ng village. Para lang makalayo na kay Bea dahil talagang hindi niya maintindihan ang sarili ngayong gabi. Sa mga nagiging reaksyon niya rito. Pero napabaling uli ang atensyon niya kay Bea. The boy was looking at him now like he was…at the most beautiful thing in his eyes.
Boy, if you don’t stop that…
“Kuninging…” sambit ni Bea.
Ah.
So he was looking at his costume and not particularly at him. Good. Carlo felt relieved. At the same time, he was also a little annoyed.
I am going crazy.
Naglakad na lang siya palapit sa grupo nina Alec Samaniego at nakipagkamay sa prospective business partner niya. But the men Alec was with greeted him instead, grabbing him by his collar.
“Did you just reject my daughter?”
“D-daughter--?”
“Did you just actually ignored my inaanak?”
“What? No--”
“How dare you show that attitude to one of my favorite kids here in our village?”
Itinaas na ni Carlo ang dalawang kamay tanda ng hindi niya balak na paglaban. “I…I don’t understand--”
“I also don’t understand why you’re treating Bea like that,” wika ni Alec Samaniego.
“Take it easy on him, Dad,” wika ng isa sa kambal. “Hindi lang ‘yan potential business partner nyo. Potential suitor din ‘yan ng anak-anakan ni Tito Harold.”
“Manliligaw ka ng Bea ko?” Harold was on Carlo’s face now.
Pinakawalan na siya nina Nathan at Aleister at si Harold na ang pinipigilan ng mga ito.
“Pare, kalma. Relax.”
“Ang blood pressure mo, pare. Ang blood pressure mo.”
“Kalmado ako,” sagot ni Harold. “Normal ang BP ko kanina. Ewan ko ngayon.” Masama pa rin ang tingin nito kay Carlo pero binitiwan na siya nito sa wakas.
“Totoo ba ‘yung narinig namin na sinabi nina kuya?” boses iyon ni Diosa. “Potential suitor? Ni At--”
“Hindi ko siya liligawan,” mabilis na sansala ni Carl. Hinarap uli niya ang mga nakatatanda. “Distinguished gentlemen, please. I’m here to discuss some business matter with Mr. Samaniego. I’m not here to cause trouble.”
“Nag-dinner ka na ba?” tanong sa kanya ni Alec Samaniego na napapangiti na lang. Ngiti na naalala ni Carlo sa kambal nitong anak. “May handaan kami sa Clubhouse at lahat iyon, specialty ng mga residente dito sa village.”
“Medyo ginutom na nga ako sa mga kaganapan na nasaksihan ko ngayon.”
“Masarap din ang ginawang punch na specialty drinks ng misis ko,” wika ni Harold. “Lalo na ang punch ko.” Itinaas pa nito ang kamao kay Carlo.
Hindi na lang niya pinansin ang narinig at sumunod na lang siya sa natatawang si Alec Samaniego. Pero bago tuluyang makalayo ay palihim niyang sinulyapan ang kinaroroonan ni Bea. And he saw how the boy had that sad look in his eyes as he followed him with his gaze.
It almost made him want to stay to wipe those sadness away.
BINABASA MO ANG
UNTITLED
RomanceBea loves to cosplay. But one day, she decided to cosplay as her favorite support doll on a Halloween costume event where she accidentally met Carlo, who thought her doll had cursed him when he touched the said doll the first time they met where she...