Chapter 14

88 9 0
                                    

Tahimik na silang naglalakad. Nauuna ang kambal at nakasunod lang si Carlo na paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang mga pinag-usapan nila ng mga kabataang iyon. Naiinsulto siya para kay Bea.

Was she being bullied in this place?

Damn it. Just because he was pretty for a boy and have smaller frame that made him look like a fragile teenage girl?

Lumingon-lingon siya sa paligid. Kailangan niyang makita ang batang iyon. Bigla siyang tinubuan ng kakaibang pag-aalala. Paano kung binu-bully ito somewhere out there? Paano kung--

“Trick or treat po!”

“Trick or treat!”

Dalawang dalagita ang humarang sa harapan niya, nakalahad ang mga kamay na tila nanghihingi ng limos. O Pamasko.

“Bakit kayo nanghihingi ng treats sa kanya?” tanong ng isa sa kambal. “Trick-or-treater din siya gaya nyo.”

“No, he’s not. Kanina pa namin siya tinitingnan ni Yelena mula nang makita namin siyang naglalakad dito.”

“Oo nga. Kabisado na namin ni Lexa ang mga costume ng mga tao rito. At ngayon lang namin nakita ang Kuningning costume na ‘to.”

They also knew Kuningning. Tiningnan niya ang mga ito. They were wearing a Red Riding Hood and a Corpse Bride costumes. Mukhang ka-edad lang ni Bea ang mga ito. Isa kaya sila sa mga nambu-bully kay Bea? That boy probably had a crush on one these girls.

And they just bully him.

“Leave him alone. Wala siyang dalang pera,” wika ni Trigger. “By the way, nakita nyo ba si Daddy?”

“Hindi,” sagot ni Lexa.

“Si Mommy?” tanong din ni Jigger.

“Natanaw namin si Tita Pretzel sa labas ng bahay nyo kanina nung napadaan kami dun,” sagot ni Yelena. “She’s wearing an inflatable T-rex costume.”

“Okay. Thanks.” Naglakad na uli ang kambal.

“I’ll just send you your treats,” wika ni Carlo sa dalawang dalagita. “Sorry, I didn’t bring my wallet today.”

Nagkibit-balikat na lang ang mga ito at naglakad na rin palayo. Sumunod na si Carlo sa kambal.

They look like nice girls. Hindi naman siguro sila mambu-bully ng gaya ni Bea.

Kaya nag-stick siya sa isa niyang theory. Na baka may gusto pa ang batang iyon sa isa sa mga dalagita. O baka nga dalawa pa silang gusto ni Bea. Yeah, most likely. With the way that boy’s attitude that Carlo noticed on their first meeting.

Napapangiti na siya. Loko ‘yon, ah. Hindi pa siya puwedeng magka-girlfriend. He’s still too young. Saka na. Balang araw. At ako pa mismo ang magtuturo sa kanya kung paano dumiskarte sa mga babae kapag nasa tamang edad na siya para magkaroon ng kasintahan.

“Are you married, Mr. Carlo?” mayamaya’y tanong ng isa sa kambal.

Nasa pagitan na niya ang dalawa nang hindi niya namamalayan.

“I’m still single. Pero girlfriends, marami na.”

“Marami na?”

“All past. At nagbabagong buhay na rin kasi ako.” Because no matter how much he hated it, the fact still remains that he’s engaged now.

“Nagbabagong buhay ka na dahil kay…” Trigger clears his throat. “Bea?”

“No. Why would I change because of that boy?”

Natahimik ang kambal.

“How old do you think she--I mean, ‘he’ is, Mr. Carlo, Sir?”

“Probably eighteen or nineteen. How old is he exactly anyway?”

“Twenty seven.”

“Huh?”

Dyowk lang ho, Sir. Oh, there’s our sister.” Itinuro nito ang grupo ng tatlong teenager na nasa kabilang panig ng kalsada kinaroroonan nila.

Naka-full costume din ang mga ito habang nagtatawanan.

He suddenly got curious on the teenager in the middle. He looked…seemed like…a little familiar to him…

“Paeng! Nakita mo ba si Daddy?” sigaw ni Jigger.

Napalingon na sa kanila ang mga tatlo. Agad nakilala ni Carlo ang binatilyong napapagitnaan ng dalawang dalagita. Babatiin na sana niya ito nang makita na naka-angkla ang mga dalagita sa mga braso ni Bea.

Napakunot-noo siya.

Ang batang ito…nag-alala pa ako na baka nabu-bully siya ng ibang kabataan dito. Only to find him in the company of these two girls? Nasayang lang ang pag-aalala ko.

Bea even seemed like he was having the best time of his life with these girls.

Sarap batukan.

“We’ve been looking for him for ten minutes already,” patuloy ni Trigger.

“Ten minutes pa lang kayong naghahanap, nagrereklamo na kayo?” pasigaw na sagot ni Paeng sa kabilang panig ng kalsada.

“Is that really your sister’s name? Paeng?”

“Her real name is Diosa. We just enjoy teasing her with random names.”

Parang gusto na lang mapailang ni Carlo. “’Lakas din ng trip nyo, ah.”

“Hindi naman niya kami sinasaway.”

“Okay…” Doon lang napansin ni Carlo ang expression ni Bea nang tila magtangka itong tumawid ng kalsada patungo sa direksyon nila.

The boy’s face lit up as he glued his attention in their direction. Carlo couldn’t help smiling. Was he excited to see me? Or his costume, probably. Kaya mas lalo pa niyang idinisplay ang sarili sa harapan ng binatilyo.

But the two girls kept Bea by their side.

“’Di ko nakita si Daddy,” sagot ni Diosa. “Baka kasama ng mga kumpare niya na nag-o-observe sa mga nagti-trick or treat dito sa village.”

“Pamilyar ‘yang kasama nyo, Jigger,” wika naman ng kasamang dalagita nito. “Parang nakita ko na siya kung saan.”

“It’s Kuningning!” pasigaw na sagot ni Bea.

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon