Napabuntunghininga na lang si Carlo. As expected. Kaya mainit na naman ang ulo nito sa kanya.
“You know, kung galit ka sa ginawa ni Papa, sa kanya ka magalit. Huwag sa akin.”
“At ito na ang paraan ko para ipakita na galit ako sa kanya. If you fail this project, ikaw ang sisisihin at hindi ako. Nasa akin pa rin ang huling halakhak.”
“But you don’t want this to fail. Dahil kung iyon talaga ang gusto mo, hindi ikaw ang magpo-polish ng project proposal na ‘to, Ate. And knowing you, you hate failure. That’s why you hate me, right?”
“True. Kaya ayusin mo ang pagtatrabaho mo sa project na iyan. Or else, sasabihan ko ang lahat ng mga babae mo na single ka pa rin kahit engaged ka na.”
Mabilis na tumayo si Carlo at nilapitan ito. “Uy, Ate. Huwag kang magbiro ng ganyan. Matiwasay ang pamumuhay namin ng mga girlfriends ko. I promise I will not fail you, just leave my women alone--aray!”
“Sinabi na sa iyong tigilan mo na ang lahat ng mga babae mo ngayong engaged ka na, ‘di ba?”
“I did!” Lumayo siya ng ilang hakbang ito habang inaalo ang nasaktang tenga. “Ate, naman. Stop treating me like a kid.”
“Kung ganon, ayusin mo ang buhay mo.”
“Maayos naman ang buhay ko. I’m living well. I’m the center of our wealthy family’s world--” Mabilis siyang nakailag sa hampas uli ng nakatatandang kapatid. “Ate. Relax. Or else, isusumbong kita kay Mama.”
“Wala akong pakialam--”
“Hindi ko seseryosohin ang project mo.” And that was how he got his sister’s attention. Mabilis ding kinain ng kunsensya ang puso niya. “O, huwag kang umiyak. Nagbibiro lang naman ako. Siyempre hindi ko isasabotahe ang pinakamamahal mong project. Ang gusto ko lang, give me a little break. May malaki pa akong pino-problema ngayon at kailangan ko ang tulong mo.”
For real, he had no intention of ruining his sister’s effort in making one of her dream projects come true. Inaamin ni Carlo na pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo, magaling talaga ang ate niya. Naba-bypass nga lang ito ng mga magulang nila, lalo na ang kanilang ama, na ewan kung bakit siyang anak na lalaki ang naging paborito. Hindi naman siya nagrereklamo. He loves their parents’ extra love and affection. Minsan nga lang naawa rin siya sa nakatatandang kapatid kapag nakikita niya itong nagtatampo. Kaya hinahayaan lang niya ito na pag-initan siya minsan. Para lang kahit paano e maibsan ang init ng ulo nito.
But as they grew older, medyo pumapalag na siya. Afterall, hindi na sila bata. Pareho na silang may sariling isip at nakakapag-desisyon na on their own. If his sister really wanted to be recognized by their parents, she should stood up for herself. Pero wala itong ginagawa. Sunud-sunuran pa rin. Kung tutuusin, she could easily put up her own business and make it successful on her own. But she didn’t. She wouldn’t. At hanggang ngayon ay siya pa rin ang pinagbubuntunan nito ng init ng ulo.
And he has had enough. If she wants to stay in the dump, he doesn’t care anymore. Pero hindi na siya papayag na pagtripan pa siya nito--
“Aray!” Nadale na naman siya ng ate niya sa kanyang braso. “Bakit na naman?”
“Aray!” Nadale na naman siya ng ate niya sa kanyang braso. “Bakit na naman?”
“Don’t you even dare threaten me of sabotaging my work.”
“And I already told you I was just kidding.”
“You better.”
“Oo na.” Dinampot na uli niya ang tablet para ipagpatuloy ang paghahanap kay Kuningning at sa pretty boy nitong amo.
“Ano ‘yung sinasabi mo kanina na problema mo?”
Nagliwanag ang paligid ni Carlo sa tanong na iyon ng kanyang ate. Ah, see? She still loves and care about me.
“It’s about this cursed doll--” Bigla na lang siya nitong tinalikuran. “Ate, saan ka pupunta?”
“I’m not gonna waste my time with your personal bullshits.”
“It’s not just some bullshits. Seryoso itong problema ko.”
“Talaga? A 'cused doll'?"
" Seryoso yun, Ate. May sumpa tlaga ang manikang 'yon."
"Ewan ko sayo. Pagtuunan mo na lang ng pansin ‘yang business project na ibinigay ko sa iyo. Dahil kapag may nangyaring di tama dyan under your supervision, sasabihin ko kay Papa ang lahat ng kalokohan mo sa mga babae."
“Oy, oy. Walang ganyanan, Ate. Below the belt na iyan. Nananahimik ang private life ko. Besides, nag-lie low na ako mula nang ma-engaged ako.”
“You don’t even want to be in that arrangement.”
“True. Pero para sa lalo pang paglako ng business empire natin, handa kong isakripisyo ang kalayaan ko.”
Mataman lang siyang pinagmasdan ng nakatatandang kapatid. “You’re an idiot.”
“Look who’s talking.”
And his sister knew exactly what he was talking about.
“Shut up, Carlo. You don’t know what it was like being a woman in a patriarchal world. Everything is easy for you to have because you’re a man.”
“Oh, come on, Ate. Nasa modern society na tayo. May equal rights na ang mga babae at lalaki. Marami nang successful women in the business world. In fact, I’ve dated a lot of them. And you know what I found out? No man had ever stopped them from reaching the top.”
Tahimik lang siyang pinagmasdan ng nakatatandang kapatid. He knew he hit a nerve. Dahil basta na lang siya tinalikuran ng ate niya at nagmartsa palabas ng pinto. Pero bago ito tuluyang lumabas ay huminto muna ito saglit, may kung anong tiningnan sa gilid ng pinto, then she reached out the light switch, turned it off and ran out, closing the door behind her.
Nabalot ng dilim ang buong silid. Agad nag-flashback sa isip ni Carlo ang imahe ng possessed doll na si Kuningning na humahabol sa kanya. He darted to the door, blindly reaching for the light switch but couldn’t seem to find it. Binuksan niya ang pinto. Hindi niya mabuksan. Imposibleng naka-lock iyon dahil nasa side niya ang lock niyon.
Someone was keeping the door close from the other side!
BINABASA MO ANG
UNTITLED
RomanceBea loves to cosplay. But one day, she decided to cosplay as her favorite support doll on a Halloween costume event where she accidentally met Carlo, who thought her doll had cursed him when he touched the said doll the first time they met where she...