PUMARADA ANG SASAKYAN nina Carlo at Jake sa gilid ng basketball court kung saan naroon ang tila karamihan ng kabataan ng naturang village. Naka-costume ang lahat at puno ng Halloween decorations ang loob at labas niyon. Blasting from the speakers were mostly music that also has Halloween themes.
“Maaan, I wish people from our younger days were this active,” sambit ni Jake. Nag-prisinta itong ipagmaneho siya roon dahil bored daw ito sa bahay nito at gusto nitong gumala muna saglit. “Anong klaseng kabataan ba ang naranasan natin noon?”
“I enjoyed my youth.”
“We grew up together.”
“You were also a scaredy-cat. Kaya tuwing Halloween, lagi kang absent sa trick-or-treating sa village natin.”
“Oh, yeah.”
“See?” Nag-inat-inat si Carlo saka inayos ang suot na Halloween costume.
“Gotta give it to you, Carlo. You look silly wearing costumes at your age, but it looks good on you.”
“Or course, pare. Ganito talaga ang mga ipinanganak na pinagpagla.”
Humalukipkip lang si Jake. “Pinagpala pero kinailangan mo pang magsuot ng ganyan para lang mahanap ang taong gusto mong mahanap.”
“I like doing things my style. Besides, hindi lang naman isa ang pakay ko ngayong gabi sa lugar na ‘to.”
Tama ang desisyon niyang magwaldas ng salapi kay Jake dahil ilang oras lang mula nang ibigay niya ang assignment nito ay nakapag-report na agad ito sa kanya. Lahat ng kailangan niyang impormasyon tungkol sa binatilyong ipinapahanap niya ay naibigay nito sa kanya. Kaya ang lapad ng ngiti niya ngayon ay hindi na maipinta.
Kapag pinagpapala ka nga naman talaga ni Lord, oo. Ayos!
Dahil nasa iisang lugar lang ngayong gabi ang hinahanap niya at ang meeting niya sa prospective business partner niya.
“By the way, bago ko makalimutan, may isa pa pala akong importanteng impormasyon na hindi nasasabi sa iyo.”
“What is it?”
“For a price.”
“What price? I’ve already given you more than enough as paymet.”
Ngumisi si Jake. “Special information ito kaya siyempre, special din ang payment.”
“Are you trying to scam me?”
“No, of course not. Legit information ang hawak ko.”
“No, thanks. Sapat na ang impormasyon na ibinigay mo.”
“Are you sure?”
Gusto na niyang sapukin si Jake lalo at nakikita niya ang kakaiba nitong ngiti. Dahil hindi na niya maiwasang hindi ma-curious sa tinutukoy nitong impormasyon.
“Fine,” wika niya sa wakas. “How much?”
“Hindi pera ang gusto kong kapalit.” Umayos na ito ng tayo at nagseryoso. “Set me up on a date with your sister.”
“No can do. The last time I set you up with her, Ate Cindy tried to kill me.”
“You’re exaggerating.”
“Okay. A little. Pero muntik pa rin niya akong mapatay. It’s a good thing na malaka-lakas ang pain tolerance ko dahil kung nagkataoon, I would have ended up at a hospital after she gave me greeted me with a flying kick the day after your blind date with her.”
“Hindi naman natuloy ang blind date na iyon.”
“Yeah, because you stood her up.”
“I didn’t. Dinaga lang talaga ako sa dibdib kaya hindi ako nagkalakas-loob na magpakita sa kanya.”
“That’s not my problem anymore. I risked my life setting up that date, Jake. Alam mo ba kung anong klaseng dasal ang ginawa ko para lang hindi ako mahuli ni Ate nang tanungin niya ako tungkol sa ‘meeting’ na iyon? Daig pa niya ang imbestigador. She literally interrogated me, man. ‘Tapos dadagain ka lang?”
“Hindi na ako dadagain ngayon. It’s gonna be a do-or-die for me this time.”
Isinuot na lang ni Carlo ang maskara. “Ask her out yourself. I don’t want to end up at a hospital again.”
“Come on, man. Just this once. At hindi mo na kailangang magsinungaling. Puwede mo nang sabihin sa kanya na business meeting iyon dahil negosyante na talaga ako ngayon. Ako na ang may hawak ng production company ng pamilya namin.”
“Then the more reason na hindi mo na kailangan ang tulong ko. Just let your secretary set up a meeting with you.”
“I don’t have a secretary.”
“Then call her up.”
“Pero, Carlo, pare--”
Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. “Have a little faith in yourself. Kaya mo ‘yon. Afterall, you’re friends with me. Wala akong kaibigang torpe at mas lalong wala akong kaibigan bigo.”
“Hindi mo talaga ako tutulungan?”
“No. Sorry, pards.”
“You’re not even curious kung ano ang impormasyong ibina-bargain ko?”
“I am curious. But with or withat that, I know I’m set to accomplish everything in my life. Specially tonight. Hindi ko na iyan kailangan.” Tinapik-tapik niya ang balikat ng kaibigan bago ito tinalikuran. “I’ll just call you when to fetch me.”
“I am not your driver.”
“But I am your future brother-in-law.” Nakangisi pa niyang nilingon si Jake.
His friend lit up with a big smile on his face.
What a fool.
He likes him for his sister. Pero wala na siyang balak na makialam sa kung anomang namumuong love story ng mga ito. Ayaw na niyang magulpi ng ate niya.
Napapalingon siya sa direksyon ng mga bata na abala sa pagparoon at parito sa mga bahay na nadadaanan ng mga ito para mangulekta ng mga kendi for their trick-or-treating. Nakakatuwa talaga pagmasdan ang mga ito dahil sa kanilang makukulay at creative na mga costumes. Kahit ang mga teenagers, even the older residents were in their Halloween costumes walking around and looking after the little kids. Pero mukhang may sariling activity naman ang mga kabataan sa basketball court na iyon. Naka-set up ang mga iba’t ibang Halloween decorations at mga ilaw. Even the music were on theme with the occasion.
Buhay na buhay ang Rancho Estate Village nang gabing iyon. He was so smart to dress up for tonight not to ruin the mood of the whole place.
Dalawang kabataang zombies ang nakita niyang nakatambay sa isang bench na madadaanan niya. Abala ang mga ito sa pag-uusap habang yakap ang putol na braso at binti na props ng mga ito.
“Good evening,” bati niya sa mga ito. “Puwedeng magtanong? May hinahanap kasi akong tao…” Napahinto siya nang mapansin ang kakaibang tingin ng mga ito sa kanya. “What?”
“You look familiar,” wika sa mga ito.
“He means your costume look familiar.”
BINABASA MO ANG
UNTITLED
RomanceBea loves to cosplay. But one day, she decided to cosplay as her favorite support doll on a Halloween costume event where she accidentally met Carlo, who thought her doll had cursed him when he touched the said doll the first time they met where she...