Part 4

198 16 1
                                    

"ATE BEA, MAY boyfriend ka na?"

Napa-angat ng tingin si Bea mula sa paghahanap ng pinaka-presentableng larawan na kuha niya mula sa photoshoot ngayong araw para sa isang kilalang clothing brand. Becky, her youngest model today, was smiling at her.

Wala akong tiwala sa ngiting iyan.

"We're still at work, Becky." Binalikan na uli niya ang ginagawa sa harap ng computer. "Mamaya na tayo mag-tsismisan pagkatapos ng trabaho."

"We're still on break pa naman. And I'm kinda bored."

"E di umuwi ka muna sa inyo. Malapit lang naman ang bahay ninyo rito. Manuod ka dun ng cartoons para mawala 'yang boredom mo."

Malapit lang kasi sa photoshoot location nila ngayon ang village kung saan ito nakatira. Well, kung sana silang dalawa nakatira dahil magkapitbahay lang sila sa naturang village. Kaya nga si Becky ang isa sa mga paborito niyang kuning modelo dahil bukod sa natural nitong galing sa pagmo-modelo, she also knew personally kung gaano ito ka-professional kahit sa murang edad na nineteen. Probably because Becky's mother was a former model herself before becoming chief editor of a lifestyle magazine and then owner of her own modelling agency, which Bea had become a constant client whenever she have projects that needed models.

"Nagsasawa na ako kay Pink Fong at Cocomelon," sagot ni Becky. "So, ano, Ate Bea? May boyfriend ka na ba?"

"Wala. Bakit? May irereto ka? Pass. Man-hater ako."

"I know press release mo lang 'yan. Dahil kung totoo 'yan, ibig sabihin ay hindi nag-e-exist sa mundo si JJ."

Malakas na napasinghap si Bea at hindi niya mapigilan ang ngiti nang ibaling niya ang buong atensyon kay Becky. "How did you know about my beloved JJ?"

"Kuwento ni Kuya James."

Ah, yes. She remembered those days in highschool, kung saan high na high siya sa pagsinta niya sa ultimate crush niyang si JJ. Na hindi siya crush. At hindi rin siya yata siya kilala dahil nasa ibang classroom ito. Still, that didn't stop her from falling head over heels in love with that handsome young boy. Na walang tigil niyang ikinukuwento sa kanyang kakambal noon kahit na ilang beses na siya nitong sinabihan na wala itong pake sa lovelife niya.

"I can't believe na naaalala pa ni James si JJ hanggang ngayon."

"Na-trauma daw kasi siya sa walang tigil mong pagkukuwento noon, Ate Bea."

"Well..."

"So, mabalik tayo sa request ko, Ate Bea."

"About JJ. Yes?"

"Not about JJ--"

"Then I'm not interested." Tinalikuran na niya si Becky at binalikan ang paghahanap ng larawan sa computer.

"Sige na, Ate Bea. I really need your help."

"Help? Akala ko ba pangre-reto lang ang pakay mo sa akin. Bakit may 'help needed' na ngayon?"

"Well, it's not for me. It's for...a friend of mine."

Sinulyapan niya si Becky. "For a friend?"

"Okay, fine. It's for me."

"Bilis mo naman bumigay, beh," natatawa niyang biro dito. "O, anong problema mo sa lalaki at kailangan mo ng tulong ko? Wait. Boyfriend mo?" Nag-iwas lang ito ng tingin imbes na sumagot. At base sa nakikita niyang reaksyon nito, mukhang tama ang hinala niya. "Alam ba 'yan nina Tita Rhome at Tito Byron?"

"They don't need to know since magbi-break na rin lang naman kami."

"O, makikipag-break ka rin lang naman pala, bakit ang dami mo pang seremonyas? Makipag-break ka na lang at huwag mo nang istorbohin ang single status ko."

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon