“Bakit mo nga pala hinahanap sina Jigger at Trigger, Beatrice?”
“Ah, wala naman po, Tita. May gusto lang akong itanong sana. May nakita kasi akong interesting na bagay sa desk ni James nang dumalaw ako sa opisina niya noong nakaraang araw.”
“Interesting na bagay?”
“Something like a proposal for internship. Napagkuwentuhan din kasi namin iyon ni James at hindi siya sigurado kung seryoso ba ang kambal ninyo.”
“Oh, yeah. May nabanggit nga ang kambal ko tungkol dyan last night over dinner. Akala ko rin nagbibiro lang sila dahil ang ini-expect ko e sa kumpanya ng Daddy nila sila kukuha ng internship nila.”
“Si Kuya James, Ate Bea, ano ang costume niya ngayon--ah! Mommy, sa kaliwa--ayan, medyo baba nyo ng konti. Diinan nyo pa ang pagkamot--ayan, ayan…” Patuloy sa pagkamot sa likod nito si Tita Pretzel.
“Wala siya ngayon. Stuck siya sa opisina niya sa ga-bundok niyang trabaho,” sagot niya. “Sabi ko nga, umabsent muna siya kahit isang araw lang, para makapag-enjoy siya kahit konti. Pero ayaw, eh. Bahala siya.”
Ang totoo, pansin niya na mas dumoble ang kayod ng kakambal niyang iyon sa trabaho nito. Hindi naman niya ito masaway. Plano na kasi nito na bigyan na ng early retirement si Tito Harold para magkaroon na ito ng oras para kay Tita Czarina at sa sarili na rin nito. Although she also knew James was a bit hesitant with his decision. Nararamdaman niya iyon kahit hindi nagsasalita ang kanyang kakambal. Buong buhay nga naman kasi nito ay ang tiyuhin nilang naging adoptive father na nila ang tinitingala nito. Ang laging pinagkukuhaan ng lakas at inspirasyon sa bawat desisyon nito pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo nila. But Bea knew Tito Harold also needed to his own time spend with Tita Czarina after all the sacrifices they made to raise her and James. Hindi na nga naman bumabata ang mga ito. At si James, mukhang nagdadalawang isip pa kung tatanggapin na ang katotohanang iyon o hindi pa.
Naaawa siya sa kanyang kakambal minsan. In a way, iniwan nga naman niya itong mag-isa na umalalay kay Tito Harold sa family business nila at hindi nga naman simpleng bagay ang magpatakbo ng ganon kalaking kumpanya. And thinking of taking the full responsibility one of these days, its understandable that her brother was a bit edgy these days. Gusto niya itong tulungan sa pagpapatakbo ng negosyo nila, but she didn’t really want to be tied down in one place.
Sorry, James. Hindi talaga ako ipinanganak na manatili lang sa iisang sulok buong buhay ko.
“Mommy, hindi ba nasira ang costume ko?”
“Hindi naman. Bakit?”
“’Kala ko kasi napunit kanina pagtayo ko, eh.”
“It still looks fine to me. Pero…hindi ko lang akalain na ganito pala ka-brown ang kulay ng costume mo ngayong gabi na.”
“Bakit, Mommy? Anong problema sa kulay ng costume ko?”
“Nagmukha ka kasi kasing tubol imbes na bulate.”
“What?!”
Napatitig si Bea sa kabuuan ng dalagita. Now that I think about it… She almost burst out laughing.
“Mommy…” reklamo ni Diosa.
“Don’t worry, baby. In my eyes, bulateng-bulate ka. Giling-giling ka lang ng ganito, ‘nak, kapag mananakot ka na ng mga bata…” Gumiling-giling nga ang dinosaur.
Lalo lang natawa si Bea. At mukhang hindi na rin napigilan ni Tita Pretzel ang matawa dahil maririnig na ang pigil nitong hagikgik sa loob ng costume nito. And she was still struggling not to actually burst out laughing when she heard someone called her name.
“Ate Bea!”
Si Becky ang nalingunan niya na naka-Red Queen costume, a character from Alice in Wonderland.
“Kanina pa kita hinahanap,” wika nito paglapit.
“Paano mong nalaman ako, ‘to?”
“Sabi ni Tita Czarina na naka-ghost costme ka nga raw. Hi, Tita Pretzel. Good evening po.”
“Good evening din, Rebecca.”
“At si…?” baling ni Becky kay Diosa.
“Ako lang ‘to, Bekya,” sagot ng dalagita.
“Oh. Nice costume, Diosa. Gross, but still nice.”
“Bulate ako. Bulate!”
“Oo nga. Bakit, ano pa ba dapat ang maging interpretation sa costume mo?”
Natahimik silang tao. Then sabay din sina Bea at Tita Pretzel na impit na namang nagpigil ng tawa.
“Hinding-hindi ninyo ako mabu-bully,” deklara ni Diosa, pushing her arms out of her costume.
“Ay!” sabay-sabay nilang gulat na sambit.
“Ayaw nyo akong tigilan, ha? Ayan, now I’m a tubol with two hands!” Then she pulled her costume up a little. “And two feet!” Pinalakpakan na lang nila ang dalagita. “Let’s go scare the heck out of everyone! Dahil hindi pumayag si Daddy na pagbigyan ang request nating mga kabataan na mabigyang tayo ng pera for out trick or treating!”
“I’ll pass,” wika ni Tita Pretzel. “Kailangan kong hanapin ang Daddy mo at hindi ako mapakali na wala akong naririnig na update sa mga kuya mo. Pakiramdam ko, may pina-plano na silang katapusan ng mundo, kahit tatay pa nila ang kasama nila. Beatrice, ikaw na ang bahala sa mga ‘yan, ha?”
“Yes, Tita.”
“Go easy on the kids. Baka lagnatin ang mga iyon sa sobrang takot. Trining!” tawag nito sa katulong na nag-aasikaso ng mga kendi sa isang mesa sa tapat ng pinto ng bahay. “Huwag mong hayaan na maubusan ng kendi ‘yung mga lalagyan, ha?”
“Oho, Ma’m. Ako na ho ang bahala rito.”
“Okay.” Inayos pa ni Tita Pretzel ang nagulong buhok ni Diosa bago naglakad na sa sidewalk patungong direksyon ng Clubhouse kung saan naroon ang setup ng Halloween party ngayong gabi. “Bye, girls! Raaaawwwrrrr~” Hinabol nito ang ilang kabataang makakasalubong na agad na nagsipulasan sa iba’t ibang direksyon.
“My mom is so cool,” sambit ni Diosa habang pinagmamasdan ang ina.
Bea and Becky agreed.
BINABASA MO ANG
UNTITLED
RomanceBea loves to cosplay. But one day, she decided to cosplay as her favorite support doll on a Halloween costume event where she accidentally met Carlo, who thought her doll had cursed him when he touched the said doll the first time they met where she...