CHAPTER 3:Boyfriend

770 14 0
                                    

Sa isang exclusive restaurant kami mag La-Lunch. Nagtaka ako nang may extrang Tatlong chairs sa table namin pero hindi ko nalang vinoice-out ang tanong na nasa isip ko.

Kunot-noong nag baling ng tingin si Kuya Felix kay Daddy, "May iba tayong kasama?"

"Yes...Dadating ngayon ang bagong business partners ko sa Hospital" nakangiting sagot ni Daddy.

Napatango-tango nalang din ako dahil minsan naman ay kapag may mga bagong appoint na Board of directors ang Hospital ay kasabay din namin sa Lunch.

Napalingon kami ng pumasok ang isang Lalaki na kaedad ni Daddy kasama ang Asawa nito. Laking gulat ko nang makita ko si Jameson kasama sila. Kahit naman matagal na kaming magkaibigan ay never namin na meet ang parents ng isa't-isa.

"Sorry we're late."saad ng Daddy siguro ni Jameson.

Nag-kamayan sila ni Daddy, "Meet my Family Benjamin" saad ni Daddy saka nag baling ng tingin saamin.

Ngumiti lamang ako saka nakipag-kamay sakanila. Nang kay Jameson na ako makikipag kamay ay tila nag-kaintindihan kaming para kaming Baliw dalawa.

"Nice meeting you everyone, By the way This is my Only son Jameson...And My Lovely wife Helen"nakangiting saad nito.

Isa-isa rin kaming pinakilala ni Daddy hanggang sa napagdesisyonan na rin naming kumain.

The food we're pre-ordered, Nainggit ako dahil lahat sila ay Steak ang kinakain samantalang ako Baked Salmon ang kinakain.

Habang umiinom ako ng tubig ay nagbaling ng tingin saakin si Mrs.Flores, "Hija? Do you have a boyfriend?"

Nasamid ako sa tanong niya kaya naman hindi ko napigilang umubo ng umubo. Kinabog-kabog ko pa ang aking dibdib dahil sa sakit. Mabuti nalang walang lumabas na tubig sa ilong ko.

Masamang tumingin saakin si Mommy "Camilla Luna!"

Her tone made my hands shaky and Made me swallow the lump I felt inside my throat.

"Sorry po Mrs.Flores, Nagulat lang po ako"saad ko nang kumalma ako.

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pag-pipigil ni Kuya Felix ng Tawa.

~Look who's laughing...Akala mo naman may girlfriend siya.~

"Mommy it's not nice to ask that kind of question" saad ni Jameson.

I thank him using my eyes for saving me in this embarrassing moment created by his Mom. Si Jameson nalang aawayin ko kapag nagalit si Mommy saakin.

Nagtawanan na lamang kami na parang walang nangyari, mabuti nalang ay naiba na ang usapan namin sa hapag.

Nang matapos ang lunch ay umuwi narin kami, Nag-pahinga lang ako sandali saka nag-ayos na para pumunta sa Hospital.

Maaga pa naman nang makarating ako sa Hospital kaya nagbakasakali akong nandito narin si James. Dumeretso na ako sa Opisina niya at mabuti nalang ay nandoon na siya.

Nakasandal siya sa lamesa niya habang naka-krus ang kanyang kamay na tila inaantay talaga ako.

"Sabi ko na nga ba dito ka dederetso, Umupo kana kainin mo na sandwich diyan alam ko hate mo ang isda kaya gutom ka ngayon"Aniya. Lumapit siya saakin para hilahin ako para umuponsa sofa.

Niliitan ko siya ng mata saka nginitian ng nakakaloko, "Naku... mas kilala mo pa ata ako kesa sa sarili ko."

"Ewan ko sayo Camilla Luna...ubusin mo nalang iyan at nang mabusog ka..Kung Ano-ano na sinasabi mo eh."

Tumawa na lang ako saka inubos ang sandwich na lagi niyang binibigay saakin. Inabutan din niya ako ng tubig pagkatapos.

"Nakakatakot pala talaga Mommy mo...Para kang Pusa sa Tabi niya"

"Sinabi mo pa Jameson...Kita mo naman, Dapat lahat ng galaw ko ang Perfect bawal magkamali.."

Bumagsak ang kanyang mga balikat,"Hindi naman normal iyon Luna, Paano ka matututo kung hindi ka magkakamali hindi ba?"

Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot sa sinabi niya. Magka-iba sila ng Mindset ni Mommy, Kung kay Jameson ay Normal ang magkamali...Kay Mommy ay Failure kapag nagkamali.

"Hayaan mo na Jameson. Baka she's doing that for my Future."

Naging busy kami pareho ni Jameson sa duty namin. Napakatoxic ng Hospital ngayon sobrang daming pasyente ang dinadala and some of them are childrens.

"Salamat po Doc" saad ng ginang matapos kong gamutin ang sugat ng Anak niya.

"Walang anuman po..Basta po panatilihin niyo pong malinis ang sugat ng Anak niyo para iwas po sa Infections at ano mang Complications" nakangiting saad ko.

Malapit na kase ang pasko kaya naman nagdagsaan ang mga napuputukan ng mga paputok.

Habang naglalakad ako sa Hallway ay may nadatnan akong mag-ina na nag-uusap.

"Ma..Hindi ko na po kaya ang Nursing"Saad ng dalaga

Niyakap siya ng tinawag niyang Mama saka hinaplos ang kanyang likod, " Anak...Kung Hindi ka masaya sa course mo pwede ka naman mag shift, Wag mo ipilit ang mga bagay na hindi mo naman talaga gusto"

Sa iba nalang ako dumaan sa kadahilanang nakaramdam ako ng pamamasa ng aking mga mata.

Nakaramdam ako ng inggit dahil sana ganun rin si Mommy...Sana kaya ko rin sabihin sakanyang Ang pagdodoktor ay hindi talaga para saakin...Gusto kong Mag Bake,Mag Luto at gumawa ng mga Kape kaya nga Coffee shop ang Business ko dati.

While Calming myself someone grab my hand and drag me to, Nakarating kami sa rooftop saka niya ako hinarap sakanya.

"Alam Mo Camilla Luna...Hindi ko na kinakayang makita kang ganyan" ani Jameson.

I just smiled at him, "Okay lang ako James"

"Stop saying you're okay, when you're not..Please Luna maging totoo ka naman sa sarili mo, Alam ko nahihirapan kana. Ang tagal nating magkasama alam ko kung kailan ka masaya!"

What Jameson said made me cry...I felt like someone is stabbingmy Heart using a Very sharp knife, Hirap na akong huminga sa pag-iyak at mabuti nalang nandyan si Jameson para damayan ako.

He hugged me so tight. I hugged him back... I'm so thankful because I have him, I can Show my Vulnerable side to him and I feel safe when I'm with Him.

"Kase naman Jameson! Pinapaiyak mo nanaman ako" ngawa ko.

His Laughed echoed, " Para ka paring bata umiyak Luna." Iniharap niya ako sakanya saka pinunasan ang aking mga Luha. "Tama na. Pwede na yung iniyak mong yon."

Tumama ang pang-gabing simoy ng hangin sa aking balat.The Cold air calms me, Lumapit ako kay Jameson saka inilagay ang ulo ko sa kanyang balikat habang pinagmamasdan ang City Lights.

"Thank you Jameson...Thank you for making not invalidating my Feelings."

Umakbay siya saakin, " I'll always be here for you Camilla Luna, Kahit may kanya-kanya na tayong Lovelife."natatawang saad niya.

I giggled a bit, " Paano naman tayo magkaka-lovelife napaka busy ng Field na ito" Hinawakan ko ang aking Baba saka napatango-tango "Sana pala noon palang nag Boyfriend na ako"

Nagkatinginan kami ni Jameson saka sabay na Nagtawanan dahil alam namin pareho na kahit noon din naman ay busy kami sa mga schoolworks kaya wala kaming time unahin ang Lovelife.

"Tanggapin mo na Camilla Luna, Tatanda ka ng dalaga" pang-iinis niya.

"Akala mo naman ikaw meron. Tatanda ka na ding Binata my Friend" inis ko pabalik.

Tinalikuran ko na siya para bumalik sa loob ng Hospital. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa pag-iyak na ginawa ko. Kaya nakakatawa narin ako kahit paano.

"Talagang iiwan mo ako rito Camilla Luna!...Sige!-- Wala kang sandwich ng 2 weeks saakin!" Sigaw niya.

Dali-dali naman akong tumakbo pabalik sakanya habang tumatawa saka siya hinila para makapasok na sa Hospital.

"Hindi ka naman mabiro, Dr.Jameson Flores." Sabi ko habang hila-hila siya, " May Sandwich kapa ba diyan?"

FS2:FORCED TO BE PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon