Aiah's Pov
"Kainis naman na salamain to bat diko mahanap... hayss naiwan pa ata grabe ang malas ko talaga... tsk"
Hayy sa sobrang pagmamadali ko kanina hindi ko man lang natingnan sa salamin kung ano itsura ko baka mamaya nito gulo gulo pa hair ko kakahiya. Best friend ko kasi bigla-bigla ba namang mag-aya mag-mall di naman ako makatanggi baka mag-patiwakal eh broken hearted pa naman. Makapag'hanap nga ng car ng makapag'salamin.
Lingon...
Lingon...
Lingon...
"Aha! Pwede na siguro yun"
Lumapit ako dun sa car na nakita ko malapit sa parking lot. Well nagtataka siguro kayo kung bat ako nandito sabi kasi ng magaling kong best friend dito kami magkikita para daw sabay daw kaming papasok sa mall.
Sa ayun nga kasalukuyan akong nag'aayos ng hair na medyo magulo kasi nga dipa ako nagsusuklay pagka-alis ko ng bahay, pagkatapos ay nag'apply ako ng lip balm para naman kahit papaano ay mag mukha namang akong fresh. Hindi rin naman ako mahilig masyado mag lagay ng kung ano-ano sa mukha kakatamad kaya haha just kidding depende sa mood ko.
Nang patapos na ako ay biglang bumukas ang pinto ng car at
"Ouch!... Sakit ah"
Tinamaan ako sa noo... Ako na talaga ang pinakamalas sa mga oras na 'to!
"Hala! Miss I'm sorry I didn't notice you"
"Are you okay? Can yu stand up?" sunod sunod na tanong niya
Nagpatingala ako bigla sa taong nagsalita. Paano ba naman kasi boses palang ang ganda na at mukhang conyo ata 'to ang lalim ng boses at tsaka ang ganda niya. Yung gandang may pagka'misteryosa na gugustuhin mong malaman ang mga bagay tungkol sa pagkatao niya.
Huh! Bat ko ba naiisip 'to
Nang di parin ako gumagalaw sa kina'uupuan ko bigla na lang diya lumapit sa akin at lumuhod sa harap ko kaya sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa... Mas lalo tuloy ko siya napagmasdan ang maganda niyang mukha.
Bakit ganun? Nakitako siyang ngumiti kanina pero parang may kulang sa ngiting iyon...
"W-what will you do?" Nauutal kong sabi
Na akma niyang ilalapit sa akin mukha niya kaya bahagya akong napaatras mula sa kina'uupuan ko... Bigla kasi akong kinabahan.
"Relax I won't bite you" natatawa pa niyang sabi na bigla na lang nawala na halos di'mo iisiping ginawa nga niya yun.
Ay pisti naman oh di rin mayabang eh noh pero wait nag smile ba talaga siya.
Namalikmata lang ako? Grabe mas lalo pala siyang gumaganda pag'nakangiti kaso parang isang segundo lang ang tinagal di'ko tuloy alam kung totoo ba yun o hindi...
Nagtaka ako ng may maramdaman akong malamig sa noo ko kaya tiningala ko siya ng bahagya, iniihipan pala niya noo ko. Ang sarap sa pakiramdam kaya napapikit ako at sinulit ang sandaling iyon.
Na parang wala na akong naramdaman sa aking noo, dinilat ko ang aking mata at nakita ang isang pares ng mga matang puno ng pagtataka at kalituhan na di'ko alam kung anong meron at bakit...
Di'ko napigilan sarili ko hinawakan ko ag kaniyang mukha sanhi para mapapitlag siya at nagpasalubong sa kaniyang kilay.
"What?" Sabi niya habang salubong parin ang kanyang kilay.
Di'ko siya sinagot at inilipat ko ang aking kamay sa pagitan ng kanyang kilay... Napangiti ako ng unti' unti kong makita na medyo narerelax na ang kanyang mukha... Na para bang may hatid sa kapayapaan ang paghaplos ko sa kanyang mukha... Muli kong hinawakan ang pisngi niya na naging dahilan ng pagpikit ng mga mata niya... Napakayapaya yan ang nakita ko sa kanya na mas lalong nagpangiti sa akin...
Kaya di'ko napag'isipan ang sunod kong ginawa...
I kissed her...
Hinalikan ko siya... Yung halik na magkalapat lang aming mga labi. Hindi ko alam kung bakit ko na gawa 'yon pero naakit ako ng mga labi niya at parang gusto kong maramdaman iyon.... Kahit ilang sandali lang...
Ilalayo ko na sana ang aking sarili sa kanya habang bahagya pang nakapikit ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking batok... Hinila niya ako palapit sa kaniya... This time siya na humalik sakin... Kaya sumunod nalang ako sa bawat galaw ng kanyang halik...
*Ring...*
*Ring...*
Napapitlag ako sa narinig... Cellphone ko pala yun... Tinulak ko siya para bumitaw siya sakin... Diko na sinagot tumatawag sakin... Agad-agad akong tumayo at tumakbo palayo...
Nakakahiya... ano na lang iisipin niya?...
Bakit ko ginawa yun?... Bat ako nagkakaganito?... Parang di ko na kilala sarili ko... Pero diba hinalikan din niya ako?? Naguguluhan ako... Bakit kaya niya ginawa yun?
YOU ARE READING
The Cold and The Beautiful One
RomancePagkatapat ko sa may gilid ng gate ay huminga muna ako ng malalim para sana pindotin ang doorbell pero diko rin naituloy na may humablot sa kaliwang balikat ko at pinaharap na lang bigla saka isinandal sa pader bago ko naramdaman ang isang pares ng...