Mikha’s POV
Pagkatapos kung makipag'usap kay aiah ay agad akong umuwi at dina tinapos ang klase ngayong araw. Pakiramdam ko kasi sasabog na ang puso ko sa mga nangyari.
Bakit pakiramdam ko sarili ko ang sinasaktan ko habang binibitawan ang lahat ng kasinungalingang yun sa kanya?... Hindi ba dapat maging masaya ako dahil nasaktan ko siya at nakaganti na ako sa paglalaro niya samin ng kapatid ko... Pero bakit ganun ang sakitsakit na parang dinudurog ang puso ko...
Why is it so hard na pakawalan siya?... Bakit hindi na lang niya inamin ang ginawa niya para hindi kami nahirapan pa..? Bakit kailangang maging ganito?... Bakit kailangang pahirapan pa niya ako...?
Napakaraming katanungan na naglalaro sa isip ko.
"Iha... Why are you crying?.." Narinig kong tanong ng dad mula sa likuran ko. Andito kasi ako ngayon sa may gilid ng pool sa may likod bahay.
"No... I am not..." Pagsisinungaling ko na di rin napanindigan dahil diko napigilang humikbi kaya walang ano ano akong nilapitan ng daddy ko at niyakap ako.
"Tahan na iha... Kung ano man iyan... Magiging ok lang ang lahat..." Alo niya sakin habang tinatap ang balikat ko dahil diko na napigilan ang pag'alpas ng luha sa mga mata ko.
"Iha... You know naman i always be here for you diba kayo ng ate mo... Kaya you can tell me kung ano man bumabagabag sayo...makikinig ako kung ano man yan..." Maya'maya basag ng daddy sa katahimikan na tanging hikbi ko lang ang naririnig.
"Halika iha... Dun tayo umupo para mas maging kumportable ka..." Aya niya sakin sa may mini cottage sa may gilid ng pool kaya sumunod na lang ako.
"Need water?...kukuha kita?.." Tanong niya sakin pero umiling lang ako.
"So... Ready kana ba to tell me kung anong bumabagabag sa princess ko?..." Nakangiting tanong niya sakin para siguro pagaanin ang loob ko kaya pilit kong nginitian ang biro niya.
"Teka is this all bout aiah?..." Tanong niya sakin kaya umiwas ako ng tingin.
"H-how did you know?..." Tanong ko sa kanya na nakayuko.
"Well someone told me everything..." Diko alam kung galit ba siya o hindi dahil diko makita mukha niya.
"I-im sorry dad... I didn't tell you... Natakot kasi ako na baka di mo ako matanggap... I know na you have so many expectations on me at ayokong madissapoint ka sakin...kaya nilihim ko but it doesn't really matter now dahil... Dahil wala na kami..." Sa huling sinabi ay muling pumatak ang luha ko.
"Hayyy... Ang anak ko talaga tsk halika nga dito..." Tanging nasabi niya.
"Bat mo naman naisip na di kita matatanggap you're my daughter... At hinding hindi mangyayari na madidisapoint ako sayo.. Sa bait mong yan... So tell me bakit wala na kayo anong nangyari?..." Tanong niya sakin habang yakap yakap ako.
Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari pagkatapos nun ay katahimikan ang sumunod na nangyari.
"Alam mo mikha iha isa lang ang masasabi ko... Hindi lahat ng nakikita ng mata natin ay tama... kung minsan kailangan rin nating tanungin o pakinggang ang sides ng taong involved dahil dimo alam kung totoo ba ang iniisip mo o may iba pangkwento ang nakikita ng mata natin..." Payo niya sakin.
"Pero dad sa tingin ko huli na ang lahat masyado ko siyang nasaktan..." Naiiyak na sabi ko pagkatapos kong maalala ang nangyari kanina.
"No... It's not too late... Hindi pa huli ang lahat sa taong nagmamahal..." Sabi niya saka tumayo sa harap ko.
YOU ARE READING
The Cold and The Beautiful One
RomancePagkatapat ko sa may gilid ng gate ay huminga muna ako ng malalim para sana pindotin ang doorbell pero diko rin naituloy na may humablot sa kaliwang balikat ko at pinaharap na lang bigla saka isinandal sa pader bago ko naramdaman ang isang pares ng...