Chapter 29 - Ipaglaban Mo

5 2 0
                                    

Mikha’s POV 

      "Sarap ng panaginip ko... Nakahiga daw kami sa lilim ng puno ni aiah... Habang magkayakap na pinapanood ang maaliwalas na kalangitan..

     "Hmmm..." Mas lalo ko pang siniksik ang mukha ko sa bandang tagiliran ng tyan niya. Ang bango bango talaga niya. Sa isip ko habang inaamoy-amoy siya.

     "Hahaha... mikha nakikiliti ako..." Natatawang sabi ng deer sakin pero diko pa rin pinakinggan at mas lalo kong pinag'igihan ang ginagawa ko.

     "Hahaha... mikha gising na... Tanghali na oh!"

Bakit niya ako ginigising diba magkasama kami sa panaginip ko...

     "Gising na... mikhs! Sige ka pag'dika bumangon bubuhatin kita sa banyo..."

Sukat sa sinabi niya ay bigla akong napabalikwas ng bangon at gulat napatingin sa kanya.

     "You're here!... Totoo ka?"Di makapaniwalang sabi ko sa kanya sabay pindot sa pisngi niya.

     "Raaaawr!!!"Pang'gugulat niya sakin kaya paatras akong nahulog sa kama.

     "Ouch!..." Daing ko habang himas himas ang di gaanong nasaktan na likuran.

     "You okay?..." Nakadungaw mula sa kama na tanong niya habang ngingiti'ngiting nakatingin sakin.

Sasagot sana ako ng biglang bumokas ang pinto kaya napabaling ang tingin ko dun habang ang kasama ko ay patuloy na nakatingin lang sakin.

     "Mikhs... Ok ka lang?... Papadaan pa lang ako sa tapat ng kwarto mo ng marinig ko ang malakas na kalabog sa labas"

Tuloy tuloy na sabi ni ate jane sakin na di napansin ang kasama ko.

    "Aiah..." Sambit niya sa pangalan ng kasama ko na tila sinisigurado kung siya ba talaga yun.

     "Hi jane!..." Wala sa sariling bati ni aiah na dipa rin nawawala ang tingin sakin habang nakangiti parin na agad ring nawala ng mag'sink in sa isip kung sino ang binati.

Aiah's POV 

     "Jane?... jane ikaw nga..." Di makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya.

     "What are you doing here? Dinadalaw niyo si sheena? Kasama mo ba si sheena, si sharlene o baka naman si yuna?...

Sunod'sunod na tanong ko sabay bangon mula sa pagkakadapa sa kama saka siya nilapitan.

     "Tagal kitang di nakita..." Muli kong sambit saka siya niyakap.

     "Ikaw din..." Narinig kong sagot niya pagka'kalas ko ng yakap sa kanya.

     "Di muna sinagot ang tanong ko...?"

     "Ahhh... Ano kasi hmmm"

     "Hindi siya bisita dito ... Siya si jane, oo siya nga yung iniisip ... Kapatid ko..." - putol ni mikhs sa sasabihin ni jane kaya gulat akong napatingin ulit kay jane para kumpirmahin iyon.

Jane... so siya ngayun! sabi ko sa isip ko

     "Ah... Yeah... Tama siya... Were siblings magkapatid kami..." - sang'ayun ni jane kaya tuwang tuwa akong niyakap siya ulit saka agad kumalas para yakapin naman ay si mikha pero umiwas siya sakin kaya kunot noong tiningnan ko siya.

     "Dipa ako naliligo... " sabi niya pero di mkatingin ng deritso sakin.

      "Ganun? Eh bat kanina... Nag'susumiksik kapa sakin?..." Nakangiting biro ko sa kanya pero pinanlakihan lang ako ng mata na tila ba sinusuway ako pero diko na lang pinansin.

The Cold and The Beautiful One Where stories live. Discover now