Aiah’s POV
Kakababa ko lang ng car ng may isang girl humahangos ng takbo habang tumitili pang palapit sa akin. Hindi ko alam kung ganito ba talaga siya o ngayon lang nakakita ng tao.
“Ayyyyyy, you’re so pretty! what’s you name?” sabi niya.
“A-aiah... I’m Aiah” hindi siya katangkaran hindi rin naman maliit katamtaman lang pero parang mas matangkad pa dito ng isang dagdag kay Mikha. Kung features naman pag’uusapan di siya pahuhuli ng ganda at cute ng ngiti pa lang niya nag’liliwanag na ang paligid.
“My name is Sheena Mae Catacutan you can call shee or sheena.
“Magkaklase ba kayo ni Mikhs?” tanong niya sakin.
Sasagot sana ako ng unahan ako ng taong nasa tabi ko na nakalapit na pala ng diko namamalayan.
“No, we’re not classmate, We’re just friends and schoolmate na rin... Hindi ko na rin siguro kailangan ipakilala kayo sa isa’t isa dahil mukhang close na naman na kayo, sige mauna na ako sa loob. Shee take care of her, I’ m gonna change my clothes first sa room” Pagkatapos niyang sabihin yun ay dire’diretsiyo siyang naglakad papasok sa loob ng bahay.
We’re just friends...
We’re just friends...
We’re just friends...
Patuloy kong naririnig sa isip ko. Hayy masakit isipin na ganun pala tingin niya sa pagitan namin. Sabagay ano ba naman aasahan ko sa kaniya. Wala siyang sinabi na gusto niya ako at maging ako din naman hindi ko pa sa kaniya nasasabi yung feelings ko for her. Natatakot kasi ako baka layuan niya ako kaya nakontento na lang ako sa ganito pero ano ba dapat itawag samin friends with benefits tsk sagwang pakinggan pero sakin lang ha ewan ko sa inyo. Hindi ko ron maiwasang hindi umasa yung mga actions naman kasi niya towards me is more than friends. Bahala na nga!
“Anong nangyari dun? siya ang may bisita sayo tas aakin ka niya pina’ubaya, di sige pabor pa nga sakin yun. Wala rin naman ako makausap dito sa bahay... haha halika na, wag na natin pansinin yun... wala nanaman siguro sa mood” baling sakin ni sheena pagkatapos hawakan kamay ko at hinila ako ng mahina papasok sa loob ng bahay.
“Matagal na ba kayong magkaibigan ni Mikhs?” tanong sakin ni sheena pagkapasok namin sa isang room kung saan punong puno ng iba’t ibang bagay na pwedeng paglibangan yung makikita mo s amga arcades tas may electric guitar may piano may maliit pang stage sa gilid ng area ng pwedeng kantahan na kung sino man ang may gusto. Hindi ko alam na ganito pala kalaki ang bahay nila at may nakahiwalay pang play room.
Imbis na sagutin yung tanong niya ay sinagot ko siya ng isa ding tanong.
“Bakit dito?” nagtatakang tanong ko.
“Ahhh... ayaw mo ba? naisip ko lang kasi na baka ma bored ka sa pakikipag’usap sakin kaya dito kita dinala pero kung ayaw mo pwede tayong bumalik sa sala at dun na lang magkwentuhan” sagot niya.
“No it’s okay, maganda naman dito eh, can we play?” excited kong tanong sa kaniya, mahilig din kase ako sa arcade.
“Sure, yun nga gusto kong mangyari, nakakabored din kase minsan kapag mag’isa ka lang naglalaro... walang thrill... HAHAHA anong gusto mong laruin?”
“That one...” turo ko sa isang machine kung saan may lumilitaw na mga rabbit at kailangan mong pukpukin sa ulo para pumasok ulit sa lungga nila. Ayun kasi yung paborito kong laro.
“Sure gusto ko din yan, so anong pustahan?”
“Kailangan ba meron?” tanong ko sa kaniya pagkalapit namin dito sa machine.
YOU ARE READING
The Cold and The Beautiful One
RomancePagkatapat ko sa may gilid ng gate ay huminga muna ako ng malalim para sana pindotin ang doorbell pero diko rin naituloy na may humablot sa kaliwang balikat ko at pinaharap na lang bigla saka isinandal sa pader bago ko naramdaman ang isang pares ng...