Chapter 8 - Secret Garden

16 1 0
                                    

Mikha’s POV

     “Class dismissed”

Natauhan ako mula sa pag’iisip ng marinig ang aming guro. Lumilipad parin kasi ang isip ko sa nangyari kahapon. Siguro naman di siya seryoso sa sinabi niya kahapon. Palabas na ako ng classroom ng may mamataan akong girl nakasalampak sa harap ng pintuan habang natutulog. Seryoso wala bang pinipiling lugar ang isang to.

Nilapitan ko siya para gisingin dahil pinag’titinginan na siya ng mga estudyanteng dumadaan sa corridor pero diko naman magawa para kasing pagod. Ano naman kaya pinag’gagawa nito kagabi at nakuha pang matulog dito. Iwanan ko na lang kaya, tulog naman.

Paalis na sana ako ng makasalubong ko ang apat na estudyanteng tumatawa habang papadaan sa harap namin kaya imbis na iwan ang babaeng tulog ay tumabi na lang ako sa kaniya para kasing hirap sa position sa pagtulog. Umupo ako sa kanan niya at hinila ko ang ulo niya ng pa’unti-unti para hindi magising at mas maging comfortable sa pag’tulog. Nilabas ko ang headset ko, makinig na lang ng music habang hinihintay siyang magising mabuti na lang at lunchbreak karamihan sa students ay nasa cafeteria kaya kakaunti na lang dumadaan.

15 minutes.

Labing-limang minuto na akong naka’upo pero tulog pa rin ang kasama ko. Nangangalay na balikat ko at hindi ko na rin mabilang ang mga estudyanteng napagtaasan ko ng kilay at nabigyan ng death glare. Pwede naman kasing diretsiyo na lang tumingin at hindi na kami titingnan na para bang isa kaming alien na napadpad sa lupa.

     “So ilang estudyante na napag’taasan mo ng kilay?”

     “Sampu at pang’labing isa ka” seryoso kong sgaot sa kaniya. Gising na pala hindi man lang sinabi.

     “Ito naman... kanina ka pa dito? bakit hindi mo ako ginising?” tanong niya habang nag’iinat at naghihikab pa. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya. Ang ganda parin niya kasi niya kahit bagong gising.

     “Hindi mo na ako sinagot?” tanong niya, paglingon sakin.

     “Uy!... natulala ka na” sabi niya habang may papitik pitik pa sa harap ng mukha ko.

     “Itigil mo nga yan... hindi ako tulala ok... may tinitingnan lang ako sa likuran mo” suwat ko sa kaniya at para na rin mapagtakpan pagkapahiya ko. Ikaw ba naman mahuling tulala sa harap niya.

     “Ano naman yun wala namang tao sa likuran ko ah... hmm siguro nagagandahan ka narin sa akim no...” habang naka’ngiti ng pilya sa akinat tinataas baba pa ang kilay.

     “Ui... Ang ice princess marunong din palang maka’appreciate ng kagandahan” habang pasundot sundot pa ng tagiliran ko.

     “Stop calling me princess, at tsaka pwede ba... itigil mo na pag’sundot sundot ng tagiliran ko... baka magsisi ka” Inis kong suway sa kaniya. Pasaway naman kasi.

     “Grabe ha nakakatakot... ice prince”

Tiningnan ko lang siya ng masama at tumayo agad. Bakit ko pa kasi di iniwan to kanina eh.

Iiwan ko na sana siya baka mainis pa ako ng tuluyan dahil sa pang’aasar at mas lalo kong maipahiya ang sarili ko dahil sa pagtitig sa mukha niya ng may maramdaman akong kamay na kumapit sa  braso ko.

     “Saan ka pupunta?” tanong niya.

    “Wala kang pakialam” seryoso kong sagot sa kaniya.

     “May pakialam ako dahil mag’lulunch pa tayo”

Hindi ako sumagot at tiningnan ko lang siya sa mata patungo sa kamay niyang nakakapit sa braso ko.

The Cold and The Beautiful One Where stories live. Discover now