Chapter 11 - The Fox & Puppy

16 1 0
                                    

Mikha's POV

     "The fox is sitting in on the bench while reminiscing... anong iniisip mo?" napamulat ako ng mata ng marinig ko ang isang puppy na nagsasalita. Alam niyo naman kung sino.

     "You..." maikli kong sagot.

     "Me?... Why me? Anong kinalama ko diyan? Miss mo na ako? Ikaw naman na late lang ako ng 5 minutes miss mo na ako agad.." biro pa niya bago umupo sa tabi ko.

Hindi na ako sumagot at tiningnan ko na lang siyang comfortable sa pagkakaupo habang aliw na aliw sa pagmamasid sa mga flower sa harapan namin.

     "Magandan ba?" pagkukunwari ko na hindi alam ang tinutukoy niya.

     "Ako... kanina mo pa ako tinitingnan eh" ngingiti-ngiti niyang sagot.

     "Paano mo nalaman? may mata kaba sa tenga?"

     "Hindi naman kaso ramdam ko lang... iba kasi ang mga titig mo...  makapanindig balahibo.. hehe"

     "Anong akala mo sakin multo? Kung makapanindig balahibo ka naman diyan... tsk tara na nga... umuwi na tayo" sabi ko sabay tayo.

     "Hilahin mo muna ako..." sabi pa niya bago taas ng kamay sa harapan ko.

     "Ay wag na pala..." sabay pagbabago ng sabi niya.

     "Ok sige sabi mo eh" sabi ko sabay ngisi.

     "Anong nginingisi ngisi mo dyan?" sabi niya habang naka pouted.

     "Wala wala tara na tumayo ka na diyan"

Sabi ko bago siya talikuran at naglakad papuntang elevator. Tapos na kase ang klase sa hapon ioyn hininta ko lang talaga siya dahil may usapa kami sa bahay siya mag'didinner ngayong araw

You guys might be wondering why I am so close to her. Well simula kasi nung mangyari yung crying scene namin dito sa rooftop ay nakapag decide na akong buksan ang aking sarili sa kaniya pero sa kaniya lang, di kasama ibang tao dahil hindi parin ako comfortable makipag usap sa iba. Di ko na kasi kayang paglabanan pa, ikaw ba naman ang makakilala ng isang tulad niyang sobrang kulit at tsaka isa pa masaya ako kapag kasama siya. She always makes me happy. Lagi niya akong napapangiti sa iba't ibang paraan niya.

     "Wait for me mikhs! Ito naman nagmamadali" hingal niyang sabi pagpasok sa elevator.

     "Ano nakakapagod bang tumakbo?" tanong ko sa kaniya bago pinindot ang close button at ang palapag kung saan kami bababa.

     "Hindi obvious ba? Nagtanong kapa...  bilis mo naman kasi maglakad" litanya niya habang nakasandal sa wall ng elevator.

------------------------------

     "Dala mo ba saksakan mo?"  tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami dito sa hallway ng building ng mga jr and sr.

     "Yes, why? " tanong niya habang nakatingin lang ng diretsiyo sa daanan. Di ko alam kung napapansin ba niya o hindi pero, hindi ba siya naiilang sa mga students na dadaanan niya na sinusundan siyang tingin.

     "Pwede ba sakin ka na sumabay? Para isang sasakyan lang tayo?" sabi ko sa kaniya bago siya nilingon.

Nagtaka ako dahil pagtingin ko wala na siya sa tabi ko, kaya lumingon ako sa likod. Tumigil pala siya a paglalakad. Tsk hindi ko alam kung dapat ba ako matawa o mainis dahil nakangiti nanaman siya ng nakakaloko na para bang may sinabi ako ng kung ano.

     "Oh, why you stop?" nagtataka kung tanong sa kaniya.

     "Alam kong namiss mo ako, sabihin mo na lang kaya ng diretsiyo hindi yung pasimple ka dyan, pero wag kang mag'alala namiss din kita ok!  kaya pareho lang tayo" sabi niya bago lumapit sakin at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Hindi ko na rin siya kinontra dahil alam kong ganun din ang nararamdaman.

The Cold and The Beautiful One Where stories live. Discover now