Chapter 23 - Mahal Kita

31 2 0
                                    

Aiah's POV 

     "Diko alam kung anong nangyari, ginawa ko naman ang lahat para matapos yung performance namin pero nabigo pa din ako. Sa huli bumagsak pa rin ako nung patapos na ang kanta at nagising na lang dito sa loob ng kwartong ito habang may nagbebenda ng paa ko, na kung di ako nagkakamali ay isa sa mga nurse ng school.

     "Nagkamalay kana pala... Ok na ang paa mo... Kailangan mo na lang ipahinga para mabilis gumaling... Inomin mo na rin ang gamot dyan sa tabi mo para di tumuloy ang pag'iinit ng katawan mo... Maysinat ka pala pero tinuloy mo parin performance niyo... Kayo talagang mga kabataan... Oh siya lalabas na ako para makapasok din ang mga kaibigan mong kanina pa nag'aalala sa labas..." Mahabang sabi ng nurse sakin bago tumayo paramakalabas.

     "Pwede po bang pakisabi na lang sa kanila na gusto ko munang mapag'isa...please nurse kilangan ko rin naman ng pahinga diba..." Pakiusap ko sa kanya dahil diko kayang harapin sina emma at audrey. Sinira ko ang pinaghirapan namin,nagsisi tuloy ako kung bakit pa ako sumali sa grupo nilang dalawa kung hindi sana ako sumali sa kanila hindi mangyayari to.

Hindi rin sana kami nagkalayo ni mikja, siguro magiging malapit pa rin kami sa isa't isa gaya ng dati. Di tulad ngayon, di na niya ako kailangan dahil may bago na siyang kaibigan at sa nakikita ko matagal na silang magkakilala.

Sa isiping iyon ay pinatong ko kanang braso ko sa tapat ng mata ko para di makita ng nurse ang pagtulo ng luha ko.

     "Okay sige sasabihin ko sa kanila ang sinabi mo... Kaya magpahinga kana..." sagot ng nurse bago lumabas.

     "Pagkalabas ng nurse ay umupo na rin ako mula sa pagkakahiga sa kama saka kinuha yung bag ko sa tabi at kinuha sa loob nun ang jacket ko para ipatong sa damit ko. Bumaba ako sa kama pagkatapos kung ayusin ang buhok ko mula sa pagkakagulo nun dahil sa pagkakahiga ko sa kama. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang kirot ng paa ko sanhi ng di sadyang pagkaka'apak ko sa sahig.

Paika'ika akong naglakad sa pinto habang nakasabit sa kaliwang balikat ang bag ko. Pag-bukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil andun sa labas si mikha. Nakatingin siya sakin ng deretisyo na parang may pag'aalala sa mga mata na hindi ko pinaniwalaan dahil imposible na yun para sakin. Nagawa nga niya akong iwasan na lang basta na para bang wala na siyang paki'alam sakin kaya bat pa siya mag'aalala sa kalagayan ko. Sa isiping iyon ay napatiimbagang ako saka hinawakan ang strap ng bag ko sa kaliwa saka muling naglakad ng dahan dahan patungo sa exit ng auditorium sa likod.

Malapit na ako sa pinto nun ng may maramdaman akong kumuha sa bag kong nakasabit sa kaliwang balikat ko. Magagalit sana ako ng paglingon ko ay si krystal pala kaya di na ako umimik saka nagpatuloy sa paglalakad habang inaalalayan niya ako sa braso.

Alam kong nakatingin siya(mikha) samin dahil ramdam ko ang mga titig niya sa likod ko.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

    "Thank you... jane you can go now... Kaya ko na ang sarili ko... Tatawagan ko na lang driver namin para magpasundo hihintayin ko na lang dito..." sabi ko kay jane pagdating namin dito sa parking lotng school.

     "You sure?... Pwede naman kitang ihatid sa inyo..." alok niya sakin pero tinanggihan ko dahil ayokong mawala siya sa event na to kung saan kasali rin naman si yuna.

     "Salamat na lang pero kaya ko na talaga sarili ko kaya bumalik kana sa auditorium, baka hanapin ka ni yuna... Promise i'll txt you na lang pagkauwi ko..." Paninigurado ko sa kanya bago siya hinawakan sa magkabilaang balikat at pilitpinaharap patalikod sakin.

     "Okay... Sige sige na pero pahug muna..." Sagot niya bago muling humarap sakin at niyakap ako ng may pag'iingat.

     "Pagaling ka ha..." Bulong niya sa tapat ng tenga ko bago kumalas sa pagkakayakap sakin at naglakad palayo habang kumakaway.

The Cold and The Beautiful One Where stories live. Discover now