Chapter 22 - Competition

14 2 0
                                    

Mikha’s POV 

Nagmamadali akong naglalakad kasama si maloi sa field ng school. Papunta kasi kami sa school auditorium dahil ngayong araw gaganapin ang dance competition. Hindi namin kasama si sheena dahil wala pang nakaka'alam na dumating na siya lalo na si gwen, gusto daw kasi niyang i-surprise kaya gustuhin man daw niyang pumunta ay hindi pwede dahil ayaw daw niyang masira ang balak niya.

     "Maloi... Bilisan mo ngang maglakad next time ka na lang mag'masid sa paligid total wala ka rin namang makikita dahil sa dilim 7pm na oh..." Sabi ko kay maloi dahil parang mababali na ang leeg sa kakatingin sa paligid ngschool.

     "Saglit ito naman oh... Di tayo mahuhuli okay...kaya relax ka lang dyan..." Sagot niya.

     "Hindi kaba nakakita ng school campus para kang ignorante sa ginagawa mo?..." Sabi ko sa kanya saka hinawakan kamay niya para mas mapabilis paglalakad niya.

Malapit na kami sa gate ng auditorium ng may mabangga akong galing sa loob niyon na tila nagmamadali.

     "I'm sorry..." sabay naming sambit sa isa't isa sabay yuko.

Sa pagyuko ko may napansin akong nakakuha ng attention ko. A necklace that looks familiar. Kinuha ko yun mula sa lupa saka matamang tiningnan.

     "Ah... Miss that's mine... Can you give it to me..." Sabi nung nakabangga ko. Mas matangkad siya sakin ng konti at she had a long black hair and a bangs na umabot hanggang sa itaas ng kilay. Her face is so lovely na tila babasaging crystal. Natulala ako hindi dahil maganda siya kundi dahil sa nararamdaman ko. Why? Bakit parang kilala ko siye, her eyes the way she stare at me at itong pakiramdam na parang gusto ko siyang yakapin dahil kahit ngayon lang kami nagkita ay parang matagal ko na siyang kilala.

     "Hey... Miss sorry pero nagmamadali ako can I have it now..." Sabi nung girl sa harap ko kaya natauhan ako mula sa pagmamasid sa kanya.

     "Oh!... I'm sorry.. Ito oh.. Para kasing pamilyar sakin ang necklace na yan... Kundi ako nagkakamali meron din ako niyan.." Sabi ko sa kanya bago inabot yung necklace.

     "Wow... Talaga!... I thought ako lang meron nito... Sabi kasi ng mom pinasadya niya ito for me... Pero mukhang nagkakamali ata siya anyway sorry ulit sa pagkakabangga ko sayo... Bye" sagot niyasakin na akmang aalis na ng pigilan ni sunny sa tabi ko.

     "W-what?... May kailangan ka?.." tanong niya kay maloi sa tabi ko na tulalang nakatitig sa babaeng nasa harap ko.

     "Ah...sorry miss... I thought ikaw yung taong kakilala ko... Sorry" si maloi saka ngumiti dun sa girl.

     "Okay sige...bye ulit sa inyong dalawa" sabi nung girl saka kami nilampasan pero di paman siya nakakalayo ay may tumawag sa kanya mula sa taong kakalabas lang din ng gate.

     "Jane!... Wag mo ng kunin sa car ko yung bag dala na pala ni audrey kanina...!!!"

Nabigla ako sa narinig ko mula kay aiah na tila di kami napansin ni maloi at dun sa jane na tinawag niya nakatuon ang pansin.

     "Siya pala si jane. Sa isiping iyon ay nilingon ko ang tinatawag nilang jane na ngayon ay naglalakad pabalik kaya natural lang din na madaanan niya kami bago makarating kay aiah. Nang matapat siya samin ay nginitian niya kami ni maloi saka tumakbo palapit kay aiah na ngayon ay sakin na pala nakatingin. She was staring on us na para bang sinasabi na hindi lang ako ang may kayang mang'iwan na lang basta at pwedeng magkaroon ng "kaibigan". Dun ako nalito at narealize din ng ilang sandali dahil sa kasama ko.

     "Hey!... Ok ka lang..?."Si maloi na worried na nakatingin sakin kaya niyakap ko na lang siya.

     "Ok ka lang?... Anong nangyayari sayo tell me?..." Ulit niya sa tanong niya.

The Cold and The Beautiful One Where stories live. Discover now