Chapter 9 - Mikha's Secret

21 1 0
                                    

Aiah’s Pov

     “Aiah... sabay na tayo pumunta ng cafeteria para maglunch” sabi ni jho na nagmamadaling pumunta. Pano ba naman first subject palang lunch na ang nasa isip. Gutom na ang aking sisiw haha. Favorite subject ata nito recess eh.

     “Hindi ka naman siguro nagmamadali eh nuh... may lakad teh?” nakangisi pang sabi ko.

     “Wala naman... actually free na free nga ako today!”

Sasagot pa sana ako ng marinig ko ang aming guro.

     “Class quiet... walang maingay kung hindi papalabasin ko”

Sumenyas na lang ako kay jho ng ok sign... Bago nag focus sa teacher namin kasalukuyang nag’lelecture sa harap ng klase.

—————————————————-

Palabas na kami ng klase ni jhoanna dahil break time na nang harangin kami ni stacey.

     “Aiah pwede ba kitang maka’usap?” tanong niya sa akin. Nakapagtataka ito ang unang beses na nilapitan niya ako dito sa klase.

     “O-o-okay... pero mag’lulunch kase kami ni jho... kung gusto mo pwede ka saming sumabay at doon mo na rin sabihin ang sasabihin mo... pwede ba yun?” suggestion ko.

     “Hindi pwede!...” sabay pang sagot ng dalawa.

     “Aray sakit sa tenga ha hindi niyo naman kailangan sumigaw... Lalabas tutuli ni colet sa inyo eh...”

     “Hoy!... Aiah huwag mo kong isali dyan ha!... naririnig kita!” colet.

     “Ay!... andyan ka pala... peace tayo sister!...” sabi ko nagi nag’peace sign.

     “Sister mo mukha mo... Dito tayo magkapatid... mas maganda ka lang... Hmm maka alis na nga” sabi niya sabay walk out.

     “Napindot na naman si Anger” hirit pa ng katabi ko.

     “So ano na? makikipag’usap kaba sakin?” singit naman ni stacey.

     “Ay pisti... stacey naman nang’gugulat ka eh... bigla ka na lang nag’sasalita...”

     “Kanina pa kaya tayo nga’uusap... lumilipad lang talaga yung isip mo kung saan...”

     “Ganun?... O siya tara na jho iwan na natin itong si princess... lumilipad daw isip ko eh... “ sabi ko at hinila si Jho at nagsalita si Stacey.

     “Sige na... sige na... sasama na ako sa inyo sa cafeteria... basta ba di marinig ng isang yan pag’uusapan natin” sabi pa niya habang nakaturo ang hintuturo kay Jho ay akmamg tumaas naman ang kilay nito.

     “Hoy!... Babae may pangalan ako noh... Jhoanna... Jhoanna Christine Burgos Robles... ok! tandaan mo yan” nakapameywang pang sabat ng kasama ko.

     “Oh... oh... oh.. jho awat na.. hindi pa world war 3 kaya mamaya kana maghanda diyan okay!...” awat ko kay jhoanna.

     “Kasi naman... nakaka’highblood yang babaeng yan eh... Hindi ko mapigilan sarili ko at tumataas lahat ng dugo ko sa ulo ko” umiiling’iling pang sagot ng kaibigan ko. Napapangiti tuloy ako. Ano kaya nangyari nung nakaraan at ganito na sila kung “maglambingan”

     “O... sige ganito na lang... tayo  na sa cafeteria ng matapos na ‘to okay!... gutom na rin ako  eh... hala sige uy... humayo na kayo ng makarami...”

     “Aiah...” sigaw pa ng dalawa sa makabilaan ko.

     “Ano? May sinabi ba ako...” nagtataka kong tanong.

The Cold and The Beautiful One Where stories live. Discover now